Chapter 8

1.6K 108 1
                                    

Chapter 8

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Maaliwalas ito. Para itong higaan ng isang prinsesa.

"Nasaan ako?"  Napahawak kaagad ako sa ulo ko nang bahagya itong kumirot. Babangon na sana ako nang maramdaman ko ang sakit ng likod ko.

"Anong nangyari?" Lumingon-lingon ako sa paligid. Hutaness! Nasaan ako?! Anong nangyari kagabi?!

"Nasagasaan ka kagabi, binibini." Saad ng isang tinig. Kaagad akong napalingon sa may pintuan dahil doon nagmumula ang boses. Napangiwi pa ako sa sakit ng ulo. Hindi na talaga ako maglalasing pramis!

Pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga  at hinarap ang lalak. Inaninag ko ito ng mabuti. Nakakainis pa at nasisilaw ako sa araw.

"Ikaw?!" Sigaw ko. Napayuko kaagad ako at napakagat sa labi. Hutaness! Lord! Nagbubuga pa naman ito ng apoy! Jesus Christ! Tinakpan ko ang mukha ko upang hindi niya ako makilala ngunit sadyang bobo ako dahil sila pala ang nagdala sa akin dito kagabi. Aba, dapat lang sila ang nakasagasa eh.

"Tsk." Inirapan ako nito. Aba, suplado! Dahan -dahan itong lumapit sa akin. Umaatras naman ako dahil natatakot ako sa kanya. Though alam kong mas malakas ako ngunit hindi ko gusto itong ipangalandakan sa iba.

"Waaaah! Huwag kang lumapit!!" Sigaw ko habang ipinagkrus ang mga daliri. Jesus! Ayoko pang mamatay!

"May responsibilidad ka pa sa akin." Bulong niya sa tenga ko. Kaagad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kaagad ko siyang nilingon ngunit mali ata ang ginawa ko dahil ilang dangkal nalang angpagitan ng mga mukha namin. Kaagad ko siyang itinulak dahil sa pagkailang. Bwisit! Bakit ba lagi nalang akong napapalapit sa mga lalaki! Jesus! Dalawang beses na nga akong naloko!

"An-anong re-responsibilidad?!" Maang-maangan kong ani.

"Binibini baka nakakalimutan mong hinubaran mo ako sa gitna ng maraming tao?"

"Ho-hoy! Aksidente lamang iyon!"

"Kahit na binibini."

"Ayoko nga! Kahit mamatay ka pa!"

"Aba! Hoy! Ako ang nag-alaga sa iyo kagabi!"

"Wala akong paki-alam kahit si Pilato pa ang nag-alaga sa akin! Ali's! Tabi!"

"Saan ka pupunta?"

"Anong pake mo kung saan ako pupunta?! Alis nga!"

"Saan nga!"

"Alis! May pupuntahan pa akong isang lalaking manloloko! Babayagan ko pa ang depunggal na iyon!"

"Hindi ka pa pwedeng umalis."

"At bakit hah?! Aalis ako kung kelan ko gusto!"

"Andiyan ang ina ko. Baka pagkamalan ka pang pokpok." Lalong nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Kaagad ko siyang sinabunutan. Anong akala niya hindi ako pumapatol sa lalaki. Lol! Asa siya!

"Pokpok pala ha! Ano! Kala mo takot ako sa'yo! Managinip ka!" Sinasabunutan ko pa rin siya hanggang sa mawala kami ng balanse pareho at parehong napahiga sa kama. Nakadagan ako sa kanya. Sabay kaming sumigaw na tila nakaagaw ata sa atensiyon ng mga tao sa loob ng bahay na ito dahil kaagad bumukas ang pinto.

"Woah! Kahalayan HAHAHA."

"Pre nakaisa ka na kaagad?"

"Bilis ah."

"HAHAHAHA"

"Anong ibig sabihin nito Phyro?" Saad ng isang ginang. Phyro pala ang pangalan ng depungal at nakakabwisit na lalaking ito. Mukhang manok! Kaagad akong umalis sa ibabaw niya at hinarap ang Ginang.

REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon