Chapter 10

1.6K 97 0
                                    

Chapter 10

Andito na ako sa sinasabing secret chamber daw dito sa kwarto ko. Paano kaya ito nalaman ng ilaw na iyon? Bahala na nga. Di ko na iyon problema.

"Wowww!" Nagpaikot-ikot ang paningin ko dahil sa nakamamanghang lugar na ito.

Although maraming sapot na ng gagamba hindi pa rin naaalis ang tunay na ayos at ganda ng lugar. Kahit walang ilaw, nakikita ko pa rin kung anong meron sa lugar na ito. I was trained before, blindfolded and had been put in dark jail with full of traps just to practice my reflexes, ability, flexibility, strength, endurance and my martial art. For almost 2 years, I've been there, suffering and enduring everything just to see Him early..

Back to the topic. Ayokong pag-usapan ang tukmol na iyon. Hindi pa siya nagbigay ng sagot sa akin. Bahala na siya.

Kaagad kong inilawan ang buong paligid gamit ang kakayahan kong kumontrol ng apoy. Nang naging maliwanag na ay gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Gosh! It's so fantastic! Maraming halamang gamot sa kabilang bahagi nito. I love medicine! There's a chinese herbs and many herbs na ngayon ko pa lang din nakita. Pinuntahan ko kaagad iyon at inamoy isa-isa. These were well preserved kahit halata mong napaglipasan na ng panahon.

"A good medicine indeed."

Every medicine and medicinal equipment were arranged accordingly. Though ang mga equipment dito ay hindi makabago tulad sa panahon ko but still napag-aralan naman namin ito noong nag-aaral pa ako sa medisina at haluuuu, I'm a intern doctor in my real life before I've put here. Sa mga equipment na ngayon ko pa lang nakita, napag-aaralan naman iyon. So, no need to bother.

Sa gilid ng stalls ng mga medisina ay ang kabinet ng mga mini jars na may iba't ibang pangalan. I assume mga gamot ito. A precious one and a rare one dahil narin sa amoy nito at kung paano ito iningatan dahil naka-selyado talaga sa salaming kabinet na ito. Hindi naman ito ilalagay dito kung hindi precious di'ba?

Sunod kong pinuntahan ay ang lamesang nasa dulo.

Sunod kong pinuntahan ay ang lamesang nasa dulo. Katabi lang nito ang mga stalls/bookshelf ng mga libro. Old books na ang mga ito dahil yellowish na ang kulay ng mga pahina at inaalikabok na rin.

Sa lamesa ay naroon ang ink stone at ang tuyong ink. May brush ding nakasabit sa harap. May bukas na libro na inaalikabok na. At may piles ng libro sa kanang bahagi na balot na balot na din ng alikabok.

Umalis na ako doon at sunod na pinuntahan ang silid kung saan may nakaimbak na maraming sandata. Halatang koleksiyon ito ng mga sandata dahil sa maayos at ingat na ingat itong inilagay sa lagayan nila. May espada, pana, balisong, shuriken, at marami pang iba. Mula sa malalaki at mabibigay na sandata hanggang sa pinakamaliit. May nakita pa akong mga karayom na nakapaloob sa isang maliit na kahon. I like this. If you want to kill they it will be swift without evidences. Kaso mahirap itong ipraktis ng hindi ka nasusugatan at natutusok.

Marami pa akong pinuntahan at ang iba ay hindi ko mabuksan dahil sa mga passwords and formations. Parang mga secret vaults lang? Hayuf.

'Siguro maraming ginto doong nakaimbak.'

Bahala na nga. Hindi pa naman ako naghihirap.

Nang mabagod  na ako sa kakaikot at kakasuri ay pumasok ako pumasok ako doon sa parang silid ata ng babae dahil sa mga kurtina at beddings niya. May mga clasp din, headdress at mga jewelries. Dito ko na gagawin ang sinabi sa akin ng ilaw na iyon dahil sa mataas na vital energy. Which is good for refining something. Nagtataka talaga ako kung bakit dito pa talaga. Pwede naman doon sa itaas. Dami pang Arte ng bilog na iyon.

Inilapag ko muna sa lamesa ang crystal at pinutol ang pinakadulong bahagi ng buhok ko. Ginamit ko ang balisong na kinuha ko kanina. Hehe, wala namang nakakita eh. At tiyaka, wala naman ata itong may-ari. He-he.


Nang maputol ko na iyon ay kaagad ko itong inilapag katabi ng crystal. Sinimulan ko na itong i-refine gamit ang refining ability ko. Lahat naman ng cultivators meron nito.

Pinagpapawisan na ako because this is my first time without the guidance of my master.

After 3 hours of refining, sa wakas, it's all done. Naging malinaw na ang kulay ng crystal. Naging transparent na ito.

Sinubukan ko itong ilawan. The lights reflected through the crystal and emits a colorful lights. Ang kulay kapag naiilawan ito ay nagreflect ang kulay ginto, pula, berde, asul, dilaw, Lila, at marami pang tertiary and secondary colors.

Gosh! Worth it ang ginawa ko na halos ikadrain ko. Char lang. Masyado na akong Oa.

Nagpahinga lang ako saglit bago ko hiniwa ang hintuturo ko. Sabi isang patak lang daw dapat or else, ewan ko hindi sinabi eh.

Inilagay ko na sa ibabaw ang  hintuturo ko upang lumabas at tumulo doon ang dugo. Nangsimula nang lumabas ang dugo doon. Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam ang mangyayari. Dahil sa preoccupied ako dahil sa kaba ay hindi ko namalayang dalawang patak na pala ng dugo ang pumatak doon mismo sa crystal.

Kinakabahan kong pinapanood kung anong mangyayari sa crystal at sa akin. Lalong nadagdagan ang kaba ko nang magsimula na itong gumalaw at kumalog. Mula sa mahina hanggang sa naging mabilis.

'Oh no!'

Napaubo ako dahil sa pagusok at pagsabog ng crystal. Napatingin ako sa kanan at doon ko nakita ang hitsura ko sa salamin. Buhaghag at magulo ang buhok. Itim na itim na mukha at napakadungis na hitsura. Napasimangot nalang ako dahil sa naging hitsura ko na ngayon.

'Thanks god at walang nakakita. Swerte pa rin pala ako sa araw na ito kahit halos malas.'

Back to zero ulit ako dahil naging maitim na ang kulay ng crystal. Inirefine ko ulit ito for 4 hours. Kahit pagod na pagod na ako kinakaya pa rin. Paano ka aani kung hindi ka magtatanim.

Nang naging clear na  ulit ang kulay nito ay  kaagad ko nang hiniwa ang hintuturo ko.

Sinigurado ko na talagang isang patak lang ng dugo ang naipatak ko or worst ang manggayari.

Pinagpapawisan na ako. Para itong ilog na patuloy sa pag-agos. Basang-basa na ang buong katawan ko dahil sa suno-sunod nitong pagpatak. Nangangalay na din ako. I'm tired yet I still need to achieve this. Ayokong magpahinga. It has been six hours simula nang irefine ko ang dugo at ang crystal just to mix them up.

Gusto ko nang sumuko at umidlip nalang. Gutom na din ako dahil ilang oras na ang nakalilipas simula noong huli kong kain.

After six hours ay natapos na din ako. Pagod akong ngumiti bago pasalampak na umupo sasahig.

Kaagad binalot ng napakaliwanag na ilaw ang boong lugar mula sa crystal. Tumagal ito halos sampung minuto.

Hindi na kayang supurtahan ng mga kamay ko ang buong katawan dahil sa ngalay at pagkapagod. Napahiga ako sa sahig at gusto ng umidlip ngunit ayaw ko pa. I want to know the result of my hardship.

Nang tuluyang maglaho ang nakasisilaw na ilaw, ang kaninang maliit na crystal ay naging isang napakakulay na Phoenix. Nakamamangha ang taglay nitong ganda. Napakahiwaga at nakakaakit siyang tingnan. Mula sa makukulay nitong mga balahibo na tila nag-aapoy sa iba't ibang kulay at ang napakarikit nitong gintong mga mata. Napakaganda niya. Para siyang diwata na nakakaakit at nakamamanghang lumilipad gamit ang kanyang nakabibighaning mga pakpak.

Lumilad ito papunta sa akin at inikot-ikutan ako. Gustuhin ko mang gumalaw upang himasin ang kumikinang niyang anyo subalit wala na akong lakas pa.

Isang napakatinis na boses ang narinig ko mula sa kanya kasabay ng dahan-dahan kong pagpikit.

"Nagbalik na ako, kamahalan."

Matapos niyang sabihin iyon ay nakaramdam ako ng hapdi sa gitnang bahagi ng noo ko. Napakahpdi nito ngunit dahil sa mahina kong katawan ay hindi na ako muling nakaangal pa.

Iyon ang huli kong narinig mula sa kanya bago ako panawan ng ulirat at tuluyan nang umidlip.

REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon