Good morning ^-^
Masayang bati ni Top habang pababa ng hagdan yung apat.
Mukhang masaya ka yata ngayon ah dahan dahan sa pag ngiti baka mapunit hahaha - Rhie
Wag mo akong simulan dyan Rhie baka yan mukha mo ang igisa ko dito - Top
Kalma lang hyung - Dy
Mukhang may nangyaring maganda ah - Sol
Maganda talaga - Top
Naaalala na naman niya ang namumulang mukha ni Bom.
May dapat ba kaming malaman ? - Gd
Hmmm wala naman! Oh tara kainan na! - Top
Nagsimula na sila kumain.
Naunang natapos si Top halata nila na nagmamadali ito
Magliligo na ako at magaayos, kayo na bahala diyan - Top
Tumakbo na ito paakyat habang nakatingin sa kanyang cellphone
Mukhang inspired si gago ahh - umiiling na sabi ni Gd at tumayo narin dahil tapos na itong kumain
Hanggang matapos na sila at natira so Rhie na syang kumakain pa.
Paano ba yan ikaw na naman ang maghuhugas *smirk* - Sol
Ano pa nga ba? *sigh* - Rhie
Bilisan mo dyan at baka iwan ka namin mukhang nagmamadali si kapre ngayong pumasok - Dy
Nakasimangot si Rhie at binilisan na niya ang pagliligpit ng kanilang pinagkainan.
After few minutes ...
RHIE ANO BA ? BILISAN MO NA DYAN !!! - sumigaw na si Top
Oo andyan na sandali lang naman! - Rhie habang pababa ito ng hagdan
Aba't sumasagot ka pa - Top babatukan niya sana si rhie
Oopppsss wag ang buhok ko, ang hirap kayang ayusin nyan - Rhie habang binubotones niya ang kanyang suot
Let's go - Top
Pumasok na ito ng kotse habang patingin tingin sa kanyang cellphone
Sumunod na rin ang kanyang mga kaibigan.
Isang sasakyan lang kasi ang ginagamit nilang lima para daw tipid sa gas
Aish! Asar naman! Kahit isang text wala man lang - nakasimangot na bulong ni Top
Tumaas ang kilay ni Gd.
What ??? - iritang tanong sa kanya ni Top
Tss - Gd
••••••
@Park University
( kyaaahhhhh )
( ang gwapo talaga nila )
( shit !! Ang ho-hot nila )
Tilian agad ang bumungad sa kanila pagkababa nila ng sasakyan
Hindi nila ito pinansin at naglakad na.
Naagaw ang kanilang atensyon ng may dumating na apat na ferrari, kulay itim, puti, pula at asul.What are you looking at ? - malamig na pagkakasabi ni CL pagkababa nito ng sasakyan.
Dumeretso na sila sa kanilang mga kwarto. Nagakatinginan sila Bom at Top. Napayuko lang si Top at nangamot ng ulo habang namumula ito.
•••••••