kabanata 33 : field trip part 1

10.2K 265 5
                                    

Dara's POV

Tirik na ang araw ng makarating kami sa isla. Puting buhangin at asul na dagat. Meron din bundok dito at mga clubs. Pumunta muna kami sa hotel para makapag palit na ng damit. Bitbit ng mga lalaki ang aming mga gamit at inihatid na kami sa mga kwarto namin.

Nang mabuksan ko ang kwarto na tutuluyan ko ay agad pumasok si Gd sa loob. Feel at home ang loko. Namangha naman siya sa design ng kwarto ko. Ako talaga ang nag disenyo nito. Black and white ang theme ng buong kwarto.

Wow, ang ganda naman ng kwarto mo ! Habang nilikibot niya ang buong kwarto.

Pwede bang pumunta ka na sa kwarto mo at magbibihis na ako nilapag ko ang gamit ko sa kama at nagsimula na ayusin ang mga dala ko.

Need some help ? Nakangising sabi nito habang papalapit sa akin.

Pero bago pa man siya makalapit ay binato ko na siya.

Pervert, get out! Inis kong sabi sa kanya pero tumawa lang siya.

Kung may kailangan ka , tawagan mo lang ako. I-lock mo ang pinto mo baka kung sino-sino ang pumasok dito. See you later babygirl agad niyang sinara ang pinto.

Kumuha na ako ng twalya at pumunta na sa banyo. Magbababad na lang ako tutal mamaya pang hapon ang assembly.

Habang nakababad ako iniisip ko kung ano bang gagawin ko kay Gd, kahit gusto ko na siya hindi parin kami pwede. Lalo na kapag nalaman niya na ako si Queen pero hindi naman siguro masama kung pipiliin ko muna maging masaya, ang makasama siya. Kasi baka kapag dumating na ang panahon na iyon ay pipiliin niya pa ang patayin ako. Handa na ako kapag nangyari iyon. Hindi ko naman kaya siyang saktan kaya tatanggapin ko na lang ang gagawin niya sa akin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

•••••

Nagising ako ng makarinig ng sunod-sunod na katok galing sa pinto. Agad akong nagbanlaw ng sarili ko at nag sinuot ang robe. Pagkabukas ko ng pinto mukha ni Gd ang bumungad sa akin.

What? Iritang sabi ko sa kanya. Agad naman siyang umiwas ng tingin pagkakita sa akin.

U...m k...anina pa nila hinahanap b..umaba ka na daw agad naman itong tumakbo. Ang weird talaga nung lalaking iyon. Sinara ko na pinto ko at tumingin sa salamin. Ngayon ko lang naalala wala pala akong ibang suot kung hindi itong robe lang.

Gd's POV

Shit! Bigla na lang akong nag-init. Nagmadali akong bumaba. Nakita ko sila na kumakain.

Oh bro tinawag mo na ba si Dara ? Malapit na magsimula ang assembly sabi ni Top habang hinihimayan niya ng alimango si Bom.

A...ahh oo tinawag ko na, susunod na siya uminom ako ng tubig dahil pakiramdam ko uhaw na uhaw ako.

Bakit ang pula mo? May nangyari ba? Tanong sa akin ni Rhie. Katabi niya si Virgo na kumakain din.

W..wala sige mauuna na ako may gagawin lang ako paalam ko sa kanila at lumabas na. May surpresa kasi ako kay Dara. Hindi ito alam ng mga kaibigan namin.

Habang naglalakad ako nakasalubong ko ang Fierce Demons.

Huwag kang masyadong mahulog sa kanya, kasi kapag nangyari iyon mahihirapan ka nang bumangon. Maghanda narin kayo kasi malapit na siyang dumating sa buhay niyo ulit sabi ni Saph habang nakatingin ito sa akin. Ano ang ibig niyang sabihin ? At sino ang dadating ?

Anong ibig mong sabihin ? Tanong ko sa kanya. Nakita kong ngumisi lang siya at nilagpasan ako.

Gaano mo ba talaga sila kilala ? Sabi niya at tuluyan ng umalis. Kilala ko nga ba talaga sila ? Basta ang alam ko ayokong mapahamak kahit sino sa kanila lalo na ang reyna ko. Umalis na rin ako para bilhin ang mga kakailanganin ko mamaya.

••••••

Dara's POV

Maaari na kayong bumunot. Kung anong kulay ang mabunot niyo iyon ang magiging kagrupo niyo hanggang matapos ang ating field trip. Bukas tayo magsisimula at magbibigay kami ng mga mission bawat grupo. Lahat dapat sumali. Ang mananalong grupo ay may matatanggap na regalo mula sa ating principal. Maglibot muna kayo at dapat alas sais ng umaga ay naririto na kayo. Walang malalate kundi bawas puntos iyon sa inyong grupo.

Agad na lumapit sa akin sila Bom at kinuha ang nabunot ko na kulay.

Aww hindi tayo magkakagrupo. Buti na lang kagrupo ko si Minzy. Sabi ni Bom habang nakaakbay kay Minzy.

Are you okay ? Tanong ko kay Minzy. Lagi na lang siyang tahimik. Nakakapanibago.

Y..yeah. nagiwas na lang siya ng tingin.

Guys group yourselves according to your colors. BLUE sa right, YELLOW sa left and RED sa middle. Dont be late for tomorrow guys.

Pumunta na kami sa mga nabunot namin na kulay. Nakasabay kong pumunta si CL pareho pala kami ng nabunot.

Sampu kami sa isang grupo. Kagrupo ko ang Fierce Demons, si Rhie at Virgo, si Dy at Top.

Binigyan kami ng pulang tela para palatandaan na magkakasama kami sa iisang grupo. Binigyan din kami ng mapa at mga kagamitan para sa mission namin. Si CL ang binoto nilang leader samantalang tahimik lang ang Fierce Demons. Nakita kong nakatitig si Ruby kay Top , si Garnet kay Dy at si Pearl kay Rhie. Samantalang si Saph naman ay masama ang tingin kay CL.

Inayos namin ang mga gamit namin at binigay sa mga lalaki para sila na ang magtatabi ng mga ito. Umalis na kami ni Cl at pumuntang tabing dagat.

Are you happy ? Tanong ko kay CL pagkaupo namin sa batuhan.

Yes, I am ! Nakangiting sabi niya sa akin at dinama ang hangin.

Pumikit narin ako at ginaya ang ginawa niya. Buti pa sila masaya na. Sana huwag lang sila sasaktan dahil kapag nangyari iyon ako ang makakalaban nila.

Top and Sol already know our secret. Binasag ni CL ang katahimikan at napatingin sa akin. Masaya ako sa kanila dahil tanggap sila ng mga mahal nila.

Napayakap siya sa akin ng nakitang may tumulo na luha sa aking mata.

Matatanggap ka niya. Tutulong kaming mga kaibigan mo. Kung mahal ka niya tanggap ka niya maging sino ka man. Alam kong mahal mo na siya. Sundin mo ang puso mo. Piliin mo kung saan ka sasaya. Alam nating lahat na malapit na siyang magpakita. Pinunasan niya ang mga luha ko at ngumiti.

•••••••

Napagpasyahan namin na maglibot sa isla. Ilang taon narin ng huli namin itong nakita. Kumain muna kami. Habang kumakain kami biglang pumasok ang Fierce Demons. Sinenyasan ako ni Saph at lumabas na sila. Tinignan ko sila CL at tumungo lang sila samantalang abalang kumakain sila Gd ng nagpaalam kami na babalik ng hotel. Susunod sana si Rhie ng pigilan siya ni Virgo. Bumulong lang sila Bom at CL kila Top at Sol ngumiti lang sila at lumabas na rin kami.

Chasing Ms. Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon