kabanata 52: The truth behind the lies 2

11.1K 268 20
                                    

Rhie's POV

Ilang oras na akong nakatingin sa kanya habang walang humpay ang paglabas ng mga luha ko. Ilang araw ko narin siyang hindi nakita dahil sa pagaakalang may nabuntis ako. Hindi ko talaga matandaan ang nangyaring iyon dahil nagising na lamang akong nakahubad at katabi ko ang babaeng iyon.

Gumuho ang mundo ko nang mabalitaan ko ang nangyari kay Vivi at parang tumigil ito sa mga panahong ito habang nakatingin ako sa kanya. Mahirap mawalan ng minamahal mo sa buhay lalo na kung ito ang tinuturing mong mundo mo.

Pangarap niyang maikasal sa simbahan pero hindi ko man lang naibigay sa kanya ang pangarap niyang iyon.

Tumingin ako sa relo ko. May oras pa ako. Nagmadali akong umalis.

Tutuparin ko ang pangarap mo Vivi ko.

Nang maiayos ko na ang lahat ng kailangan ay bumalik na ako kung nasaan ang katawan ni Vivi.

Kinausap ko muna si Dara at pumayag naman ito. Simpleng kasal lang ang ibibigay ko kay Vivi. Tanging kami lang ang andito. Nagsimula na kaming ikasal.

Binuksan ko ang kanyang kabaong.

Vivi ko, sorry kung hindi magarbo ang kasal natin. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Punas luha. Pinapangako ko ikaw lang ang mamahalin ko. Hindi na ako magmamahal kung hindi lang naman ikaw. Kaya bumangon ka na dyan Vivi ko mahirap mag-isa. Mahal na mahal kita. Sa pag-alis mo sa mundong ito baunin mo ang puso ko dahil hindi na ako magmamahal ng iba. Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang magkasama ulit tayo. Sa langit na tayo bubuo ng pamilya. Mahal na mahal na mahal kita. Hanggang sa muling pagkikita.

Isinuot ko na ang sing-sing sa kanya at hinalikan siya sa labi. Isinuot ko din ang kwintas na sana ay regalo ko sa kanyang kaarawan. Pinirmahan ko na ang mga papeles na nagpapatunay na kami ay kasal na. Siya rin ay nakapirma na sa pamamagitan ng kanyang thumbmark.

Isinara na ulit ang kanyang kabaong. Hindi na ako umalis sa tabi niya dahil ilang oras na lang ay gagawin ng abo ang kanyang katawan. Biglang humangin kaya napangiti ako.

Mahal din kita .....

•••••••••

Gd's POV

Alam ko lahat kayo ay galit sa akin dahil sa nagawa ko kay Dara. Miski ako galit din sa sarili ko dahil sinaktan ko ang babaeng mahal ko sa kagustuhan kong mailigtas siya. Ganun naman kapag nagmamahal ka diba gagawin mo lahat maging ligtas siya sa kapamahakan. Siguro nga ay hindi niya ako mapapatawad sa nagawa ko pero susubukan ko pa rin gusto kong bumalik kami sa dati.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Lahat ay nangungulila kay Virgo ngayong araw na kasi siya ihahatid sa huling hantungan niya. Binasbasan muna siya ng pari at inilibing na. Nagbago kasi ang isip ni Dara na ilibing na lang ito kaysa sunugin upang maging abo. Umalis na sila kasama ako pero nagpaiwan si Rhie sa puntod ni Virgo.

Sumakay na kami sa kani-kanyang kotse. Sinundan ko si Dara para makapagusap kami alam kong alam niya na sinusundan ko siya kaya tinigil niya ito. Ginamit ko ang pagkakataong ito at lumabas ako sa sasakyan ko at lumapit sa kanya. Binaba niya ang kanyang bintana kaya napayuko ako para mapalapit sakanya.

U...uhh can we talk ? Sabi ko habang nakayuko ako at nakahawak ang kamay ko sa batok ko. Matagal siya bago nagsalita kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang kulay abong mata na nakatingin sa akin. Wala kang makikitang emosyon sa mga ito. Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiwas ng tingin.

For what ? Malamig na sabi niya sa akin. Habang tinatapik tapik niya ang kanyang manibela. Tumingin ulit ako sa kanya at nagtama ang tingin namin. May nakita akong galit at sakit sa mga mata niya pero pinikit niya ang nga mata niya kaya bumalik ito sa dati.

Chasing Ms. Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon