kabanata 31 : mapagbirong tadhana ..

10.2K 282 7
                                    

Dy's POV

Lumabas ako para makapag isip, totoong gusto ko si Minzy simula pa lang ng nakita ko siya.

Flashback ..

Lagi kaming magkasama, sabay kaming nag aaral sa library, lagi ko siyang pinapasyal, masaya kasi ako pag nakikita ko siyang naka ngiti. Hanggang isang araw hinila niya ako sa roof top.

" Parekoy " - Minzy

Nakaupo kami ngayon habang nakatingin sa buong university.

" may problema ba Parekoy ? " tanong ko sa kanya , hinawakan ko ang balikat niya

" may sasabihin ako sayo " sabi niya habang nakayuko

Mukhang may hinala na ako sa sasabihin niya kaya nanahimik na lamang ako.

" I think I love you parekoy " sabi ko na nga ba, masaya ako sa nalaman ko kung pwede ko lang siyang yakapin at ipagsigawan na "mahal ako ng mahal ko" ay ginawa ko na pero hindi kami pwede.

Niyakap ko siya sana kahit ngayon maramdaman niya ang pintig ng puso ko .

" I love you too " sabi ko sa kanya , agad naman niya akong hinarap sa kanya magsasalita sana siya.

" .. as my younger sister " then I saw tears fell from her eyes pupunasan ko sana ang mga luha niya ng tapikin niya ang kamay ko.

" hahaha nakakabatang kapatid ? .. you see me as your younger sister ? "

Kita ko ang nga luhang bumabagsak sa mata niya habang tumatawa ng payak gusto ko siyang yakapin.

" please dont make it hard for me " pagsusumamo ko sa kanya

" after all those things na ginawa mo at pinaramdam mo sa akin, lahat yun ay dahil nakikita mo ang kapatid mo sa akin? God ! " she broke down.

" no thats not true , sige inaamin ko simula pa lang gusto na kita hanggang isang araw mahal na pala kita, pero hindi tayo pwede, naiintindihan mo ba yun ? HINDI TAYO PWEDE !!! " I lost my temper hindi ko sinasadya na sigawan siya , ayoko lang nakikita siyang umiiyak ng dahil sa akin.

" ha ha ha I get it. Im sorry if I acted like a desperate one. Don't worry I will be fine sadyang nag-assume lang talaga ako" habang pinupunasan niya ang mga luha niya.

Niyakap ko siya " Im sorry , I know mas magtatagal tayo bilang magkaibigan please understand , stop crying "

" yeah friends forever " mapait niyang sabi " Forget what I've said to you, I need to go " mabilis siyang bumaba at naiwan akong lumuluha.

" coward " napalingon ako sa nagsalita, si Dara. Kanina pa ba siya dito? Bakit hindi ko naramdaman ang aura niya.

Napayuko ako, totoo ang sinabi niya.

" sana mapanindigan mo yan, huwag mong bibitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba" naglakad siya papalapit sa akin.

" pahalagahan mo habang nasa iyo pa , hindi yung hahabulin mo pag may bago na " tumalikod na siya at bumaba.

Flashback ends ..

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko sinaktan ko ang babaeng mahal ko mas masasaktan siya pag nalaman niyang ikakasal na ako. After graduation nakatakda na talaga akong ikasal pero hindi ko pa nakikita ang babaeng mapapangasawa ko sabi sa akin nila mommy ay anak daw ng bestfriend niya ang magiging asawa ko, kailangan ko silang sundin dahil ako lang ang inaasahan nila mommy sa lahat ng maiiwan nilang ari-arian fuck that arrange marriage.

Hindi ko namalayan na andito ako sa harap ng gate nila Minzy nakita ko siya sa garden.

Masakit makita ang mahal mo na umiiyak pero mas masakit makita mo itong may kasamang iba yung mga ngiti niyang hindi ko nakita ng ilang linggo pag katapos ang nangyari ngayon binibigay niya sa isang lalaki. Masakit, napahawak ako sa dibdib ko.

" masakit ba ? " biglang may nagsalita sa likod ko.

" Dara " yan lang nasabi ko sa kanya ng bigla niyang tinawag sila Minzy agad naman sila lumingon at nakita kong papunta na sila dito nakita ko ang tingin sa akin ni Minzy kita ko ang lungkot sa mga ito.

" anong ginagawa niyo dyan ? At sino siya ? " tanong ng lalaking kasama ni Minzy kay Dara.

" siya nga pala si B.i si Dy. Dy si B.i bestfriend ni Minzy " pakilala sa amin ni Dara.

" Nice to meet you pare, salamat nga pala sa pag aalaga sa soon to be girlfriend ko " sabi ni B.i parang natuyuan ako ng dugo sa narinig ko ganito pala kasakit.

" pumasok muna kayo nagbake nga pala ako ng cookies " magkaakbay na pumasok sila Minzy at B.i sa loob.

" first love never dies, ngayon ko lang nakitang ganyan ulit sila, cold na lalaki si B.i pero nagiging masayahin siya pag kaharap niya si Minzy " nakita ko siyang tumingin sa akin " I told you, ngayong nasa tamang edad na sila siguro yayayain na niya itong pakasalanan, that's their promise to each other. Now what will you gonna do? " pumasok narin si Dara sa loob.

Naisipan kong bumalik sa bahay naabutan ko si Bom na pababa ng hagdan habang nakaakbay sa kanya si Top.

" whats with your face? " tanong sa kanya ni Top.

" can we talk ? " tanong ko kay Bom ngumiti naman siya at bumulong kay Top. Sumenyas lang siya na sumunod ako.

" ingatan mo yang wifey ko , papakasalan ko pa yan " sigaw ni Top napailing na lang ako.

••••••••

@ Royal Coronation Night

" Let us all hail to our king and queen"

Dara's POV

Umakyat na ako sa entablado habang suot ko ang aking maskara.

Kasunod naman si Gd, siya ang napili ni daddy na papalit sa kanyang pwesto dahil nakapasa ito sa mga binigay na pagsubok sa kanya.

Umupo na kami sa aming tinakdang upuan habang nasa tabi namin ang aming mga kaibigan pero mas angat kami ng isang hagdan.

Napansin kong nakatitig sa akin si Gd kaya nilingon ko siya.

" tutunawin mo ba ako ? " malamig kong sabi sa kanya, umiwas lang siya ng tingin.

Gd's POV

" tutunawin mo ba ako ? "

Umiwas na lang ako ng tingin, bakit ganun ? sabi ng utak ko na kailangan kong maghiganti pero iba ang sabi ng puso ko parang kilalang kilala ko siya ? Iba ang pakiramdam ko pag andyan siya parang gusto ko siyang protektahan.

Gusto kong makita kung sino siya sa likod ng maskara niya.

" ganyan ba ang tunay na reyna , nagtatago sa likod ng maskara ? " nakangisi kong hamon sa kanya.

" anong gusto mong palabasin ? " kalmadong sagot niya habang nakatingin parin sa harapan.

" bakit hindi niyo ipakita kung sino talaga kayo ? " tumingin narin ako harapan.

" hindi pa ito ang tamang panahon , may mga bagay na hindi dapat minamadali , para hindi ka magsisi sa huli "

Chasing Ms. Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon