KATAPUSAN NG UNANG YUGTO

14.7K 333 12
                                    

Gd's POV

Pinagmamasdan ko siya mula sa malayo. Hindi ko magawang makalapit sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya pagkatapos ng mga nagawa at nasabi ko sa kanya.

Nakatingin ang babaeng mahal ko sa langit. Sino kaya ang naiisip niya ngayon? Naaalala niya kaya ako? Hinahanap niya ba ako? Mahal pa ba niya ako? Kasi ako mahal na mahal ko pa siya. Lagi siyang nasa isip ko lagi siya ang hinahanap ko. Miss ko na ang mga yakap niya, ang boses niya, ang tawa niya, ang mga mata niya, ang mga kamay niya na lagi kong hawak kapag magkasama kami. Nakita kong nagpunas siya ng luha. Napatingin siya kung nasaan ako alam kong makikilala niya ako. Tinawag siya ni Bom at nagtago na ako nakita ko siyang pumasok. Ilang oras pa ako naghintay sa labas habang nakatingin lang ako sa kanila. Ilang sandali pa ay bumukas na ang ilaw mula sa kwarto niya. Agad akong umakyat sa kanyang bintana at hinintay siyang makatukog bago ako papasok.

Sa ganitong paraan ako nakakalapit sa kanya simula nang iwan ko siya. Kahit tingin lang ay nababawasan nag pangungulila ko sa kanya pero hindi pa rin sapat iyon dahil tuwing pumupunta ako dito ay gusto kong siyang yakapin.

Sumandal muna ako sa pader habang hinihintay kong makatulog siya. Naramdaman ko na rin ang epekto ng nainiom ko kanina kaya medyo pumipikit na ang aking mga mata. Hanggang sa hindi ko na kayang pigilan at tuluyan na akong nakatulog.

••••••••

Dara's POV

Humiga na ako sa kama at tumingin sa kisame.
Ilang oras na lang ay aalis na ako. Iiwan ko na ang mundo ko dito, ang mga kaibigan ko lalo na ang mahal ko. Siguro nga ay hindi kami para sa isa't-isa kailangan ko na lang tanggapin kahit mahirap.

Tumayo na ako at inayos ang mga gamit na dadalhin ko. Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay naisipan kong gumawa ng video kasi hindi na ako magpapaalam sa kanila. Nagrecord ako ng mga bilin ko sa kanila. Isa kila Bom, Top, Sol, CL, at Rhie. Isa rin kay Minzy at Dy dahil may ibang ako sa kanilang ipapagawa na hindi pwedeng malaman ng iba. At isa rin kay Gd. Gumawa rin ako ng scrapbook namin kung saan magkasama kami, lahat ng masasayang alaala namin idinikit ko doon. Lagi kasi akong kumukuha ng litrato namin kapag magkasama kami. Hanggang sa natapos ako gumawa at lumabas sa veranda ng kwarto. Nagulat pa ako ng madatnan ko doon si Gd na nakaupo habang tulog. Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niya. Matagal kong pinagmasdan ang kanyang mukha. Mukhang madaming nainom ito kaya mahimbing na natutulog. Mahigit dalawang oras ko siyang pinagmasdan. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan siya. Buti na lang hindi siya magising gising.

3:00 a.m

Oras na para umalis ako. Pumasok ako sa kwarto at kumuha ng kumot at unan. Kinumutan ko siya at nilagyan ng unan. Niyakap ko siya sa huling pagkakataon at hinalikan sa labi. May sinuot ako sa kanyang kwintas. Isang kwintas na susi ang pendant. Sinuot ko din ang kwintas ko na kandado ang pendant. Pinagawa ko talaga ito para sa amin. Isang halik pa ang ninakaw ko sa kanya at tuluyan ng umalis.

Hanggang sa muling pagkikita, mahal ko ...

••••••••

Gd's POV

Urgh ! Shit sarap iuntog ng ulo ko sa sobrang sakit! Hinimas himas ko ito para hindi ko gaanong maramdaman ang sakit.

Teka ...

Wala naman akong dalang unan at kumot ahh.

D...dara !!!

Agad akong bumangon at pumasok sa kanyang kwarto, hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa veranda niya. Nilibot ko ang tingin ko nagbabakasakaling makikita ko siya pero wala. Miski anino niya wala tanging amoy niya lang ang naiwan dito sa kanyang kwarto.

Chasing Ms. Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon