Chapter 32

285 16 46
                                    

Chapter 32

Wedding

Hindi pa man lumalalim ang halikan namin ng tumigil ito at sinapo ang pisnge ko.

"W-What's wrong love?"

His eyes were dark, he was panting so hard. "W-We can't do this Kath."

"Ano?! I thought you already agree!" Naiinis na giit ko dito. 

Eto na e! Tapos bigla na naman magbabago isip niya? Nakakainis na!

"Shh, I know know. Calm down, I'm sorry for my vulgar words. But I realized that we can't do this. Not because I don't want—god knows how much I wanted to take you right now. But I'm planning to—"

"Sige na, umuwi kana. Magpahinga kana, alam kong pagod ka." Walang emosyon na giit ko, dismayado sa kanya.

Bakit ba pa kasi ako aasa na may mangyayari sa'min? He's constant to his words right? Kaya alam kong papanindigan at hindi niya babaliin paniniwala niya.

"K-Kath..."

"Bukas na tayo mag usap Rash, I'm not in the mood." Tumalikod ako ng higa sa kanya.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam na ramdam ko ang titig nito sa'kin. He sighed deeply and walk towards me. Tumigil ito sa harapan ko.

"I'm sorry baby, I know you're angry right now. But please let me explai—"

"Rasheler please..."

Kita ko ang pait at sakit na dumaloy sa mata nito pero kalaunan ay tumango ito. Dahan dahan nilapat ang labi sa noo ko. 

"Alright, goodnight baby." He said and kissed my forehead.

"Night,"

"I love you, Kath."

"Okay."

Kumuyom ang kamao nito bago tumalikod, ramdam ko ang pagkuha ng gamit nito at ang pag alis subalit hindi parin ako lumilingon.

Hindi ko lang maiwasan na masaktan, I feel unwanted. Parang ako lang kasi ang gustong may mangyari sa'ming dalawa, parang ako ang humahabol at masakit kasi kaya niya pala akong tiisin wag lang matibag paniniwala niya.

Ilang minuto pa akong nakatulala, iniisip ang mga nangyayari ng sunod sunod tumunog ang phone ko. Umirap ako ng makitang galing kay Rash lahat ng 'yun.

Rash:

I'm sorry Kath.

Rash:

I'm home.

Rash:

Are you still awake? Can I call you?

Rash:

Baby...

Rash:

Alright. We will talk tomorrow. Sleep now, I know you're tired. Goodnight baby! I love you.

I tsked and close my phone before I decided to sleep.

Bahala ka sa buhay mo Rash.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda kasi lahat kami ay pupunta sa bahay nila Kit for lunch. Mamayang gabi naman ang party ni Kit na gaganapin sa isa sa mga hotel namin.

Kanina parin tunog ng tunog ang cellphone ko pero hindi ko na 'yon sinubukan tignan dahil panigurado akong si Rash 'yon. I'm still mad to him. I don't wanna talk to him right now. Baka ano pa ang masabi ko sa kanya so It's better to be silent. The last thing I needed was to argue with him.

The Other Side of Spykie (Sebastian Series #3)Where stories live. Discover now