Chapter 12

7K 201 11
                                    

Chapter 12

"What else do you want?" tanong ni Jax sa akin habang kumakain kami. Mabilis akong napailing at sumubo ng pagkain bago tumingin sa kanya.

"Okay na to. Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko sa kanya.

"I have." sagot niya kaya napatingin ako sa oras. Ala-sais na ng Gabi. Dapat ay paalis na siya ngayon papuntang Ospital.

"Dalian nating kumain. Baka malate ka." wika ko at sunod sunod na sumubo. Biglang napaangat ang tingin ko sa kanya nang matawa siya. "Bakit?" takang tanong ko.

"You dont need to rush Sweetheart. Its okay." aniya kaya napakunot noo ako.

"Malelate ka."

"Nagpaalam na ako na malalate ako. My Collegue will cover for me." aniya bago punasan ang gilid ng labi ko.

Kung pwede lang tumalon ng puso ko ay baka tumalon na ito dahil sa ginawa niya. Mabilis akong nagyuko ng ulo at tinuon ang pansin ko sa pagkain para itago ang kilig na nararamdaman ko.

"Sinong kasama niyong mag-i-sleep over?" tanong niya kaya nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko at sinagot siya.

"Kami lang nina Victoria at Airah." sagot ko kaya tumango siya. Hindi na ako gaanong nagsalita dahil pinagmadali kong kumain kahit sinabi niyang okay lang.

I dont want him to have a hard time because of me.

Pagdating namin sa harap ng bahay nina Victoria ay mabilis kong kinuha ang mga gamit ko sa may backseat. Tinulungan niya akong kunin iyon at nang bumaba ako ay bumaba din siya.

"I'll fetch you tomorrow." wika niya.

"Its okay. Magpapasundo na lang ako kay mang lando." wika ko. He's busy at alam ko naman na lagi siyang puyat. Resident Doctor's needs to have atleast 30-36 hours duty. Paano ko nalaman? Of course he told me.

Kaya nga bilib ako sa kanya kasi may oras pa siya sa akin kahit na busy talaga siya.

"Its okay. Pre duty ko mamaya. I can fetch you at eight in the morning." wika niya. Bago pa ako nakasagot ay naagaw na nag atensyon ko nang kotse na palapit sa amin.

"Xhia!." bati sa akin ng kakababa lang na si Fred at Justin. They are Victoria's friend. Should I say sister instead?

Yeah. Kapederasyon sila. Pero ang ikinagulat ko ay kung bakit nandito sila. Victoria didnt mention na kasama sila.

"Hi!" mabilis na bati ko at bumeso sa kanila.

Well hindi sila ang tipo ng bakla na ladlad talaga. Borta sila at hindi mo malalaman na bakla sila kung hindi mo makakasama.

I know bakla talaga sila. Magjowa sila e! Haha!

"Lalo kang gumaganda." wika ni Fred kaya napangiti ako. If they are a real men they can make someones heart flutter! Ang gugwapo e! They even know how to compliment a woman.

"I know right." biro ko kaya natawa sila. Sabay-sabay kaming napatingin kay Jax nang bigla siyang tumikhim. Magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa dalawang lalaki kaya alam kong may mali na naman.

"Jax si Fred at Justine nga pala. Friend din namin." pakilala ko kaya tumango siya.

"Hi I'm Fred and he's Justine." pakilala ni Fred pero tinignan lang siya ni Jax kaya apologetic akong tumingin sa dalawa.

Hindi man lang siya nagabalang kausapin ang dalawa.

"Can we talk?" tanong niya sa akin imbes na humarap kina Fred.

Napatingin ako sa dalawa. Nagkibit balikat sila. "Mauna na kaming pumasok. Naghihintay na si V." wika ni Justin kaya tumango ako.

Pagpasok nila ay saka muling nagsalita si Jax.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon