PROLOGUE

22.8K 432 13
                                    

This story is not yet edited. You will encounter typo and grammatical error. Please bear with me. I am still learning to write. And also please be respectful. Wag po tayong magcompare sa ibang story. Like what they've said, yung mga naisip kong kwento ay nagawa na ng iba at naisip na ng iba. If there was any similarities with those, its not intended. Thank you. Enjoy Reading..




PROLOGUE

Mabilis ang lakad ko habang palabas ng airport. I'm too excited to go home. After five years in America I came home and it feels amazing!

Habang naglalakad ako ay ramdam ko ang tingin sa akin halos lahat ng tao.

'Who wouldn't be? I'm too gorgeous.'

Lihim akong napangiti sa naisip ko. Five years and it feels home. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil excited na akong umuwi ng Pilipinas.

Noon ko pa pinipilit na umuwi ng pilipinas pero lagi akong kinokontra ni Daddy. Mabuti na lang at ngayon ay siya na mismo ang nag pauwi sa akin dito. He said that its time for me to go home.

"Ma'am Xhia!" malakas na tawag sa akin kaya napatingin ako sa paligid.

"Nay Cora!" malakas na sigaw ko ng makita kung sino ang tumawag sa akin.

Mabilis kong itinulak ang cart ko patungo sa kanya. Nang makalapit ako ay binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap. Nay Cora is the one who took care of me in America. Siya ang nag-alaga sa akin kasama si Mommy pero nauna lang silang umuwi noong nakaraang taon dahil kailangan siya ng anak niya.

"Aba'y mabuti naman at nakauwi ka ng maayos." Natutuwang wika niya ng maghiwalay kami.

"Oh my God Nay Cora! I'm really excited to go home! After five years I'm finally back!" masayang wika ko kaya natawa siya.

"Excited na rin ang Mommy at Daddy mo na makauwi ka. Dapat kasama sila sa susundo sayo pero ang sabi ko ay ako na lang dahil inaasikaso nila ang party mo." Tuwang-tuwang wika niya kaya napangiti ako.

My Mom and Dad are very hands on when it comes to me. They like everything to be perfect. Maybe because I'm their only child. Kahit na twenty-two years old na ako ay pinaghihigpitan pa rin nila ako. And God! They are super strict! Pero hindi ako nagrereklamo. They give me everything I need at alam ko naman na ginagawa nila ang lahat para protektahan ako. It was all for me.

"Okay lang Nay. I know they want everything to be perfect." Wika ko at humawak sa braso niya bago kami nagsimulang maglakad.

Ang cart na hawak ko kanina ay ngayon ay tulak-tulak na ng driver na kasama ni Nay Cora.

Habang naglalakad kami palabas ay patuloy ang kwentuhan namin. Nasa may palabas na kami ng airport ng bigla akong mabangga.

"Aray!" naiusal ko dahil bumangga ang balikat ko sa matigas na katawan ng taong bumangga sa akin na hindi man lang natinag.

Napatingala ako sa taong bumangga sa akin at kinunutan ko siya ng noo. Nakasuot siya ng shades kaya hindi ko makita ang mata niya. Matangos ang ilong at manipis ang mapupulang labi. He's not too white but not dark. He has a sharp jaw line and his hair is a side part hair style na bumagay naman dahil medyo may kahabaan at kakapalan ang buhok niya.

Matangkad siya at tingin ko ay nasa 5'11 to 6 foot ang tangkad niya dahil umabot lang ako hanggang baba niya. Partida dahil nakasuot pa ako ng 3 inch heels. At sa tangkad kong 5'4 ay para pa akong unano sa harap niya. Maganda din at mukhang alaga sa gym ang katawan niya. Oh he looks like Chris Hemsworth minus the beard and make him more whiter. Maputi si Chris Hemsworth and this man in front of me is not too white.

"Okay ka lang ba hija?" tanong sa akin ni Nay Cora kaya bumalik ang isip ko sa kasalukuyan.

My God! I just space out!

"Ah Y-Yes Nay Cora." Wika ko at muling binalingan ang lalaking nasa harap ko pa din.

"Aren't you going to say sorry?" tanong niya. Parang lumukso ang puso ko dahil sa boses niya. He has a nice voice. Masculine and husky.

Pilit kong hinamig nag sarili ko at tinaasan siya ng kilay.

"Why would I? Ikaw ang nakabangga sa akin kaya ikaw ang magsorry." Mataray na wika ko at pinagsalikop pa ang kamay sa tapat ng dibdib ko.

Mas lalong tumaas ang kilay ko ng tumaas ang sulok ng labi niya. Is he making fun of me?

"Anong nakakatawa?" wika ko at hindi pinansin si Nay Cora na humawak sa braso ko.

"You change physically but not mentally. Still the spoiled brat." Aniya kaya napakunot ang noo ko.

"Do you know me?" nagtatakang tanong ko.

Parang slow motion niyang tinanggal ang shades niya. Malakas akong napasinghap na ikinangisi niya kaya mabilis na namula ang pisngi ko. How can a man be this handsome. He has an hazel eyes that can melt anyone!

"Xhia Alexis Alvarado." bigkas niya sa buong pangalan ko kaya mas lalo akong nagulat.  Nakatingin lang ako sa mga mata niya na tila ba may poot habang nakatingin sa akin.

Napalunok ako at napaatras. Biglang sumigid ang kirot sa ulo ko at napahawak ako dito.

"Ahh!" daing ko dahil sa kirot.

"X-Xhia. A-Anong nangyayari sayo? Anong masakit?" wika ni Nay Cora habang nakaalalay sa akin pero hindi ko magawang sumagot dahil sa boses na naririnig ko sa utak ko. Mga tawa, hagikhik ng bata, sigaw at higit sa lahat ay ang paglitaw ng mga imahe sa utak ko.

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit may nakikita akong ganito.

Siya, ako at isang babae. Parang nanghina ako dahil sa sunod-sunod na imahe na lumilitaw sa utak ko. Ang iba ay malabo pero sigurado ako na siya ang lalaking bigla na lang lumitaw sa isipan ko.

"M-Mommy! Ahh!" sigaw ko ng hindi ko na makayanan ang sakit. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko at ang hindi maipaliwanag na sakit.

"X-Xhia! Ano bang nangyayari sayong bata ka... Lando mabuti pa at tawagan mo ang Mommy ni Xhia. D-Dalhin natin siya sa ospital." natatarantang wika ng matanda.

"N-Nay Cora ang sakit!" sigaw ko habang hawak-hawak ang ulo ko. Ramdam ko ang tingin sa amin ng mga tao pero wala akong magawa dahil masakit talaga ang ulo ko. Parang binibiyak ito. Sunod-sunod din ang paglitaw ng mga imahe na lalong nagbibigay ng sakit sa akin.

"X-Xhia!"

Napagtingala ang mukha ko na hilam sa luha ng biglang iangat ng lalaki sa harapan ko ang baba ko.

Sunod-sunod ang pagluha ng mata ko pero sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang pagbabago ng emosyon sa mga mata niya. From hatred it became worried.

"Anong nararamdaman mo?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"M-My head.. My head is..Ahh!" daing kong muli ay napasabunot sa buhok ko.

"Baby... Xhia Alexis Alvarado. You will always be my baby.."

"I am always here for you Xhia."

"Kahit ilang babae pa ang dumating sa buhay ko wala pa ring papantay sayo. You're my bestfriend, my baby.'

"Its not your fault Sweetheart. Magiging okay din kami."

"Its okay Xhia."

"Why did you kill her!"

"I will never forget this day Xhia!'

"He wont love you Xhia! He's mine!"

"Xhia Move on. He's not the man for you. Ikakasal na siya."

"Hindi siya maniniwala sayo! He loves me Xhia and he wont believe a spoiled brat like you!"

"Noooo!!"

Mas lalong sumigid ang kirot sa ulo ko dahil sa mga boses na naririnig ko. Nahihirapan din akong huminga at pakiramdam ko ay babagsak na ako. Ngunit bago ako tuluyang bumagsak at mawalan ng malay ay nasalo na ako ng lalaki na nasa harapan ko.

*Please vote and comment. Be a fan and follow me.*

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon