Chapter 18

8.5K 231 14
                                    

Chapter 18

"We will have our Marriage Xhia. You can't get away with me. Not after you killed my woman and my child!"wika niya na ikinalaki ng mga mata ko dahil sa gulat.

Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit iyon sa utak ko.

"W-What?" hindi makapaniwalang tanong ko. "W-What did you say?" usal ko pa nang hindi siya sumagot. Bigla na lang umagos ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

I killed someone? Parang bomba iyong sumabog sa harapan ko. Is that the reason why he is rude and sarcastic towards me? Why it feels like he hate me? Iyon ba ang dahilan kung bakit ako naaksidente? And who the hell is Mia? Siya ba ang tinutukoy ni Jaxon?

Parang sumakit ang ulo ko.

Mabilis akong napahawak sa ulo ko dahil biglang sumigid ang kirot.

"You know Xhia that Jax is my Boyfriend at hindi siguro tama na masyado pa kayong close lalo na at dalaga ka na."

"You bitch! Wala kang ibang ginawa kung hindi sirain ang plano ko!"

"You will never have Jax! He's mine Xhia!"

"Attention seeker! Hindi ko hahayaan na sirain mo kami ni Jax!"

"Ahhh!" sigaw ko at mabilis na napasabunot sa buhok ko dahil sa pagkirot ng ulo ko at ang mga imahe na nakikita ko. They are blurry but I know its me.... and a woman.

"Xhia!" tawag ni Jax at hinawakan pa ang braso ko.

Sunod-sunod ang pag agos ng luha ko dahil sa sakit ngunit kahit sa nanlalabong paningin ay nakita ko kung paano nagbago ang emosyon sa mga mata niya. From anger to worried.

"My..h-head J-Jax.. Ahh!". Sigaw ko ulit dahil mas lalong tumitindi ang sakit.

"Breathe Xhia. Breathe." wika ni Jax na niyakap pa ako. Mas lalong nag unahan ang luha sa mata ko at parang anumang sandali ay sasabog ang utak ko dahil nagsunod-sunod ang mga imahe na pilit sumisiksik sa memorya ko.

"J-Jax.. It hurts!" wika ko sa pagitan ng paghikbi. Kumapit ako sa damit niya at isinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Parang sa ganoong paraan ay mawawala ang sakit

"Breathe baby." Sinunod ko siya at huminga ako ng malalim. I followed every word he said.

"Relax your mind. Inhale and exhale." patuloy niya.

I dont know why pero ilang saglit lang ang sakit na nararamdaman ko sa ulo ko ay unti-unting nawala. It last for a few minutes. Sa una ay unti-unting nawala ang mga imahe hanggang ang mga boses ay tuluyang nawala.

Nang mahimasmasan ako ay tuluyan akong humiwalay sa kanya. Pinunasan ko ang mukha ko at tumingin sa mga mata niya. Blangko na ulit ang ekspresyon ng mukha niya. "J-Jax-."

"Lets go home." wika niya bago naunang pumasok sa kotse.

Ilang sandali akong natitigilan bago napabuntong hininga at pumasok sa back seat. Hanggang makarating kami sa bahay ay wala kaming kibuan pero ang nasa isip ko ay ang sinabi niya sa akin.

**

"Really? What did you say?" tanong ni Victoria sa akin na medyo kinilig pa.

Nandito kami ngayon sa Condo niya. Nagpahatid ako kanina kay Mang Lando at naghabilin na sunduin na lang ako mamayang Ala sais ng gabi.

Kanina pa kami nagkukwentuhan at ngayon ay kinukwento ko sa kanila ang nangyari kagabi. About the engagement.

Nagkibit balikat ako. "Nothing. Sinundan ko lang si Jax kasi nag walk out siya." sagot ko.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon