Chapter 16

8.3K 277 17
                                    

Chapter 16

Present....

Nagising ako dahil sa pakiramdam na para bang may nakatingin sa akin. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Ang huling natatandaan ko ay nasa airport ako.

Kahit na masakit parin ang ulo ko ay pinilit kong bumangon. Parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sumisigid na kirot.

Amoy gamot kaya sigurado akong nasa hospital ako.

Inilibot ko ang paningin ko at tumambad sa akin ang puting paligid. May Tv sa may pader at isang orasan, may isang kwarto na sa palagay ko ay Cr. Muli kong ibinalik ang paningin ko sa orasan. I've been unconscious for about twenty minutes.

"You're awake." hindi tanong bagkus ay pahayag ng tinig na mula sa pinto kaya mabilis akong napalingon.

Otomatikong kumunot ang noo ko. He is the man at the airport.

"W-What are you doing here?" kinakabahang tanong ko. I dont know why but there was something about him that makes my heart beat fast.

Tinignan niya ako ng seryoso bago lumapit sa may tabi ko. Mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil sa pagkakalapit namin. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. I can even smell his perfume. It smells familiar.

Yumukod siya sa harapan ko na ikinalaki ng mata ko. Mabilis akong napalunok. "W-What are you doing?" nauutal na tanong ko habang nakatingin sa mukha niya. He's really handsome. May mga gwapo din naman sa America but not this handsome. Ang lakas ng dating niya sa akin.

Mabilis kong na-ibend ang likod ko nang mas lalo siyang lumapit. Akala ko ay kung ano ang gagawin niya pero ganon na lang ang paghinga ko nang kunin niya sa gilid ko ang remote ng aircon.

Mabilis siyang umayos ng tayo pagkakuha ng remote at in-adjust ang temperatura nito.

"May masakit ba sayo? How are you feeling?" tanong niya.

"I-I'm fine." tipid na wika ko at akmang tatayo na pero bigla akong nahilo. Mabuti na lang at mabilis niya akong naagapan kung hindi ay baka bumagsak na ako sa sahig.

"Just stay still." aniya na muli akong inalalayan paupo sa kama.

Napapitlag pa ako nang dumampi ang kamay niya sa balat ko. Pakiramdam ko ay para akong kinuryente.

Shit! Ano bang nangyayari sa akin?

"Nasaan na sina Nay Cora?" tanong ko nang makabawi ako.

"Outside." tipid na sagot niya kaya tumango ako. Sinuyod ko ng tngin ang kabuuan niya. He is wearing the same clothes pero may nakapatong na lab coat.

Mabilis na kumunot ang noo ko. "You're a Doctor?" tanong ko.

Hindi siya sumagot bagkus ay tumango lamang. Napangiti ako. "It suits you." wika ko pero tinignan niya lang ako at ilang sandali pa ay kumunot ang noo niya.

"Dont smile."wika niya kaya ako naman ang napakunot noo sa pagtataka.

"What?" hindi makapaniwalang usal ko. I dont know why but he clenched his teeth and look at me with anger.

"Just dont fucking smile." wika niya kaya tuluyang naalis ang ngiti sa labi ko. He's rude!

Bakit pinagbabawalan niya akong ngumiti? I compliment him and besides we are strangers and he shouldnt asked me to stop smiling!

"You're rude! Sino ka ba para pigilan akong ngumiti?"May halong inis na wika ko.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay tinignan niya lang ako at walang salitang lumabas siya ng kwarto. He even slammed the door!

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon