Chapter 23

9.5K 295 39
                                    

Chapter 23

Pagpasok ko sa bahay ay nasa sala sina Mommy at mukhang kanina pa nga ako hinihintay.

Nang makita ako ni Daddy ay mabilis siyang tumayo at nilapitan ako.

"Where have you been Xhia? Kanina ka pa namin tinatawagan but you didnt answer your phone." kunot noong wika ni Daddy na hindi naalis ang pag-aalala sa tinig.

"Sa mall Dad." mahinang wika ko at napakagat sa pang ibabang labi.

"I told you Xhia may appointment ka sa designer kaninang ala-una. Nakakahiya at ilang oras ka niyang hinintay. Lahat kami nag-alala dahil hindi mo din sinasagot ang tawag namin." si Mommy na may halong panenermon sa boses.

Napayuko ako dahil sa ginawa ko. I feel bad. Hindi lang si Jaxon ang naabala ko. I even make my parents worried.

"I'm sorry." naibulong ko dahil sa sobrang guilt. Ang plano ko ay inisin lang si Jax pero nadamay ang magulang ko dahil sa immaturity ko.

"You dont need to say sorry to us Xhia. Say sorry to Jaxon. He cancel his appointment to look for you." wika ni Mommy bago tuluyang umalis.

Napakamot ako sa noo ko at napatingin kay Daddy. "Say sorry to Jax hija. Aakyat na din ako." wika niya at bahagyang tinapik ang braso ko kaya napabuntong hininga ako.

It was really a bad decision to get revenge. Si Jax lang ang gusto kong inisin but at the end sila ang nainis sa akin.

"I resched your appointment the day after tomorrow." napalingon ako sa boses ni Jax na pumukaw ng atensyon ko.

"J-Jax I'm s-."

"I'm leaving. May duty pa ako." wika niya bago tumalikod at tuluyang umalis. Wala man lang siyang emosyon sa mukha at ang nakakainis ay hindi niya ako pinapatapos magsalita. I was about to say sorry!

"Jerk!" bulong ko habang tanaw siya ng tingin.

Kinabukasan ay nagpasya akong puntahan siya sa Ospital. Nakokonsensya ako dahil sa ginawa ko kahapon. He even cancelled his important appointment because of me.

Pagdating ko sa Ospital ay dumiretso ako sa may office niya. Ang unang bumungad sa akin ay ang secretary niya. Cyril. If I remember it right.

"Nandyan ba si Jax?" tanong ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay bago nagsalita.

"May bisita siya. Ayaw niyang magpaistorbo." wika niya kaya tumango ako at naupo sa may waiting area na nandoon.

"I can wait " wika ko at inilagay ang paperbag na dala ko sa may katabing upuan.

"Hindi mo ba ako narinig? Ayaw niyang magpaistorbo." wika niya kaya ako naman ang nagtaas ng kilay.

"I am his Fiance. It will be alright with him." sagot ko at kinuha ang cellphone ko.

Nakita ko pa ang pag irap niya pero hindi ko na siya pinansin. After a few minutes ay lumabas ang isang babae kasunod si Jax. The girl is beautiful and sexy.

Kaya ba ayaw niyang paistorbo kasi lumalandi siya? Tss.

Tumayo ako at kinuha ang paper bag. Nakita ko pa ang pagkunot noo niya nang makita ako.

"What are you doing here?" tanong niya pero hindi ako sumagot at tinignan ang babaeng kasama niya.

"Hi! I am Xhia Alvarado, Doctor Sevilla's fiance." wika ko sa babae at nginitian siya ng matamis kahit na ang mata ko ay nanlilisik na nakatingin kay Jax.

"Oh! You're Jax fiance. Sayang at hindi ako nakapunta sa engagement niyo. By the way I'm Zaira. Jax friend." wika niya kaya napatango ako.

'Friends with benefits?' bulong ko sa isip ko.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon