Chapter 4

5.7K 254 24
                                    

Unedited.
__

THE fresh air of Costa Alegre embraced Malvine's body, making her mind relaxed. Sininghot niya iyon. Napagtanto niya na kailangan niya pala talaga ng pahinga galing sa stressful semester at sa trabaho niya.

Sobrang ganda ng buong lugar. She just fell with it instantly. Ang hotel na tinutuluyan nila ay mistulang royal hotel sa ibang bansa. It was more beautiful and luxurious that the hotel she had visited in America.

The hotel and resort was composed of three five-storey buildings. Magkatapat ang magkabilang gilid na buildings kung saan pakiwari niya'y mga check in rooms. Iyong main building ay nandiyan na ang iba't-ibang aminities: the reception and lobby, a mini mall, a restaurant, a movie hall, fitness gym, a club, playroom for children, a café, a special store for mango delicacies, the events hall kung saan ginaganap ang iba't-ibang events katabi lang ng restaurant. Hindi niya pa napapasok ang mga iyon sa naturang building dahil kararating lang din nila.

Kaharap naman ng main building ang napakalaking infinity pool na kasing laki ng isang basketball court. Sa magkabilang gilid ng pool ay mga sun loungers dito, at nakapalibot din dito ang nagtataasang palm trees sa magkabilang gilid. She bet it added to the luxurious ambiance of the whole resort.

Sa ibaba naman ng rectangular pool ay isa ring oval-shaped swimming pool. Mostly sa mga nakikita niyang nakatampisaw roon ay mga babae.

Mula sa mga pools ay lalakarin lang sa sementadong daan ng saka bababa ng stone steps para makapunta sa maputing baybayin. The crystalline waters was so refreshing to look at.

Ang malawak na baybayin ay may mga nakahilerang ding cottages. Nakaturok sa mga gilid nito ang sky-blue flags na may logo ng Costa Alegre. Hindi gaanong matao gaya ng public beach kapag summer pero may mga tao din naman.

Halatang galing sa mga mayayamang pamilya, at mga foreign tourists. Sobrang namamangha si Malvine dahil ang lawak ng buong resort. Ayon sa brochure na kinuha niya roon sa reception hall ay sobra mahal ng resort fee ng Costa Alegre. Hindi bababa sa hundred thousand. She couldn't even breathe right at this moment. Tapos dalawang rooms ang kinuha ni Sir Greco.

Napailing-iling na lang si Malvine habang nakatitig sa presyo. Pero hindi rin naman siya magtataka kasi worth it naman ng experience. Costa Alegre was so classy and alluring. The guest could really find a peace he or she wanted to feel. Pakiramdam niya ay binibigyan niya ang kanyang sarili ng seguridad at kapayapaan sa lugar na ito. Pero sa katulad niyang kumakayod sa kahirapan, hindi pa rin siya magwawaldas ng ganoon kalaking pera para lang makapunta rito.

Still here in Hacienda Alegre, Malvine knew she could still discover wondrous things. Gusto niyang makapunta sa mango plantation at doon sa isa pang lugar na itinuro lang ng daan. She had read a direction sign that pointed to Alegre's Bachelors Villa. Tenants only are allowed to enter. Pagkapasok kasi sa isang malaking gate na may Hacienda Alegre ay makikita mo pa ang nakahilerang mga coconut trees bago ka makarating sa tatlong daan. The entrance road was a scenery itself. Nakatanim alternately sa gilid ng daan ang coconut trees at calachuchi trees.

The west road leaded them to the resort, the center road to the Verdejo Mango Plantation, the remaining road was for the Alegre's Bachelors Villa. Na-curios siya sa kung ano ang nandoon. Malvine naman, mga villas nga! O baka bahay ng may-ari.

Binaliwala na niya lamang ang kanyang iniisip saka kumuha na lang ng picture sa magandang dagat sa kanyang harapan. Nakaupo si Malvine sa baybayin habang binabantayan si Sir Greco at Gray na naliligo sa dagat.

Wild Touch (Hacienda Alegre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon