Chapter 12

7K 233 15
                                    

Unedited. Thank you so much for reading! ☺️
__

Two months later

"SEE you next meeting, class," napaangat ng tingin si Malvine sa nagpaalam na professor. Nagsitayuan na rin ang mga kaklase niya, pero siya ay walang ganang tumayo. Her hands were busying writing the notes on the board. Huling klase na niya sa gabi kaya okay lang na manatili muna siya.

"Malvine," lapit ng isa niyang bagong kaibigan. Si Warren. Hindi kasi nagkakalayo ang agwat ng edad nila kaya nagkakasundo silang dalawa.

"Oh? Uwi ka na?" nginitian niya ito para hindi mahalata ang bigat na nararamdaman niya. Sino ba kasing niloloko niya noong sinabi niyang infatuated lang siya? Na nami-misinterpret niya lang ang nararamdaman niya para kay Greco.

'Cause she didn't misinterpret everything. Mahal niya ang lalaki. Hindi niya kailangang e-deny iyon sa sarili niya pero sa ibang tao, dapat niya itanggi. Kailangan niyang kimkimin. Saka dalawang buwan pa naman ang lumipas, pwede pa itong maglaho. Years from now maybe? Dapat talagang maglaho ito.

Masaya na ang ate Janine at si Greco ngayon, ang tanga naman kung mananatili siyang masasaktan, hindi ba? "Ayaw mong kumain?" tanong ni Warren. "Libre ko." Tumawa ito. Umiling siyang nangingiti.

"Kapag libre, hindi ako tatanggi, ha."

"Ang dami mo na yatang salapi sa bangko. Kuripot mo..." asar nito at tumayo na siya para magligpit ng gamit. "Kung hindi ka pa tapos sa notes, pwede mong hiramin akin. Tapos na ako."

"Bait-bait mo naman, Warren," tumawa siya, tinapik-tapik ang balikat nito. Hindi kagwapuhan si Warren pero malakas ang sex appeal nito. Alam nga niyang may mga kaklase siyang may crush dito kay Warren. Isang buwan na silang naging magkaibigan simula noong start ng klase, magka-blockmate kasi sila.

"Malakas ka sa akin, eh. Saka, sino pa bang magtutulungan kung hindi tayo lang din naman."

"Salamat," sukbit niya sa bag niya. "Next time, ako naman manlilibre. Hindi pa ako nakahanap ng trabaho ngayon eh. Kapag nakunan ko ang savings ko, wala naman akong ihuhulog kapalit 'non kaya need magtipid."

Naglakad na sila palabas ng classroom at nandoon pa ang iba nilang mga kaklase. Two girls waved a goodbye to Warren. Sinagot iyon ng binata. Friendly din kasi itong si Warren sa katunayan.

"Fast food? O rekomenda na lang kita sa restaurant ng pinsan ko. Hindi sila hiring ng waitress pero pwede naman siguro kitang ipasok doon. Part timer ako sa HR Dep ng kompanya ng pinsan ko kaya magagawan ko iyan ng paraan."

Ay wow. May-ari ng restaurant. Ang dami pa niyang malalaman patungkol kay Warren. Minsan nakakagulat din ang lalaking ito. Last week, nalaman niyang author pala ito. Hindi kasi halata sa istura.

"Sobra na iyan, Warren. Huwag na. Nakakahiya naman."

"Part time lang naman eh. Saka, kakausapin ko pa naman si Kuya kaya huwag ka munang mahiya."

"Buang," halakhak ni Malvine. "Tutulungan mo pa rin ako, kaya nakakahiya."

"Hindi iyan. Ibigay mo lang sa akin ang CV mo. Doon tayo kakain sa restaurant na iyon para makita mo ang environment. Makaka-adjust ka roon agad kasi friendly ang mga tao."

"Wala akong masabi. Baka mahal diyan ha. Doon mo pa ako dadalhin."

"Mahal nga, pero may discount ako 'noh," tumataas pa ang kilay ni Warren sa kanya. Umiling-iling na lang siya.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Hindi ko tatanggihan ang grasya, pero salamat..."

"Wala pa nga akong napalamon sa'yo, nagpasalamat ka na agad."

Wild Touch (Hacienda Alegre Series #1)Where stories live. Discover now