Chapter 11

5.9K 225 10
                                    


NAGING usapang pampamilya ang sumunod na nangyari. Hindi hinayaan ni Malvine na makapag-usap sila ni Greco pagkatapos nitong magtanong kung bakit naging magkapatid sila ni Janine. She was here, in an indian sit above Gray's bed. Magkaharap silang dalawa ng bata.

"Is she my Mommy?" tumango si Malvine sa tanong ng bata. Niyakap kasi ng Ate niya sa Gray kanina na ipinagtaka ng bata. "I prefer you to be my Mommy. Daddy asked me if okay lang sa akin na ligawan ka niya."

Umiling-iling siya, nanunubig ang mata, nanunuyo ang lalamunan. "Nandito na ang Mommy mo, Gray. Mas mabuti kong siya ang magiging Mommy mo."

"Ikaw ang gusto ko at ni Daddy, Ate Malvine."

"Hindi pwede, baby. Mas magiging masaya ka sa Mommy mo. Promise me, you will accept her, listen to her reasons. Alam kong mahal na mahal ka niya," malambing niyang saad dito.

"But she left us. It isn't love."

"Matalino kang bata, Gray. Alam kong maiintindihan mo siya. May mga pag-ibig kasi, anak, na hindi mo pa maiintindihan sa ngayon. But when you grow older as a man, you will understand." Ngumiti siya sa bata saka ginulo ang buhok nito.

Malungkot itong yumuko. "Gusto kita maging Mommy. Iiwanan mo rin ba ako katulad ni Tita Loraine?"

Ilang segundong natahimik si Malvine. Nandito na si Ate Janine niya, wala na siyang rason para manatili pa rito. Alam niya na kapag nalaman ni Greco ang rason ng kapatid niya, tatanggapin niya pa rin ito.

Isang buwan lang silang nagsama. Tatanggapin na niya ang katotohanan na hindi siya nitong magawang mahalin. Panakip butas lang siya, at sobra ang katangahan niya para magpadala sa kabaliwan niya. A month in Hacienda Alegre couldn't erase his love for his ex-wife.

Kuntento na siya na naging parte siya ng isang buwan sa buhay ng mag-ama. Handa naman siyang kalimutan ang mga nangyari sa Hacienda Alegre. Kung ano man ang nangyari doon, mananatiling aalala ang mga iyon sa Hacienda Alegre.

Malvine jolted suddenly when a door banged outside the room. Nag-aaway ba ang mga tao sa labas? Dahil nagtaka siya, nagpaalam muna siya kay Gray para tingnan ang komosyon. The hallway in the second floor of the mansion was quiet. Sa tapat ng kwarto, dalawang pinto mula sa kwarto ni Gray, ay may nabasag doon na vase.

Dahan-dahan siyang lumapit pero natigilan siya. "That was a stupid act, Janine! Hindi ko kailangan ang hacienda na ito para magsakripisyo ka! Hindi ko kailangan ang pagmamahal ng mga magulang ko para gawin mo iyon! If they couldn't love me with their own willingness, wala akong pakialam! That was stupid!"

"Alam ko! Sobrang mahal lang kita."

"Sumama ka pa rin sa Kuya ko. And I didn't know. I didn't know that he had a disease. Hindi ko alam..." hikbi ang tanging narinig niya nang tumahimik.

"They didn't want you to know. Nakiusap sila. Pumayag ako para sa'yo. All those years, pinasaya ko ang Kuya mo. I took care of him. I sacrifice. Before he died, he promised that he will be happy for us. Humingi siya ng tawad sa pagiging selfish niya. Humingi siya ng tawad dahil nakiusap siya sa'kin na mahalin ko siya," Ate Janine cried painfully. "I couldn't accept."

Patay na ang Kuya ni Greco? Diyos ko.

"I don't know what to feel, Janine. Wala na ang Kuya ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. I want to understand the situation, but I can't process."

"I'm so sorry, Grec. Sa lahat ng sakripisyo ko, sana maging masaya pa ako. Sana tanggapin mo pa rin ako kahit para kay Gray lang. I desperately want to take care of him. Gusto kong magsisi sa ginawa kong pang-iiwan sa'yo pero for the soul of your brother, I want to keep the memories. Babawi ako, please."

Wild Touch (Hacienda Alegre Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang