Chapter 5.1

5.3K 210 6
                                    

Unedited. You may encounter mistakes.
__

"HOW is she, Fabiz?" bungad na tanong ni Greco kay Fabian nang matapos nitong e-check si Malvine. Dr. Fabian Cezar Candreva, isa sa mga kaibigan ni Greco. Sa katunayan, iyon ang parati niyang tanong kapag pumapasok ang kaibigan para tingnan si Malvine.

He couldn't stop himself from feeling guilty. Siya ang nagpumilit na paliguin si Malvine. Kung hindi na lang sana siya nakialam sa gusto gawin ng dalaga, she might be safe and not lying on this hospital bed.

Nasa infirmary clinic ng Hacienda Alegre naka-confine ngayon si Malvine. She was still unconscious for about two hours now. Hindi man maintindihan ni Greco ang sarili pero alam niyang nag-alaala siya para dito.

Who wouldn't? Responsibilidad niya ito dahil siya ang amo nito. Kargo niya kung may mangyaring masama sa dalaga. For how many years, he was handling various employees, ngayon lang nangyari ito.

Inayos ni Fabiz ang stethoscope sa leeg nito saka siya hinarap. "Her breathing is now normal. Nagka-muscle cramps siya kanina. She was shock maybe that was why she lost her consciousness. She's too over stressed also without her noticing. Kailangan lang niya ng mahabang pahinga. I suggest, huwag mo muna siyang patrabahuin."

Greco sighed heavily, looking intently at her. Hindi niya alam na pinipigilan niya pala ang huminga. He was just worried. Gusto niya agad na dumilat ang dalaga. Gusto ni Greco na sa dalaga mismo manggagaling na ayos lang ito at walang masakit.

"Thanks, man," mahinahon niyang sagot, lumapit sa gilid ng kama. Doon niya napagpasiyahan na umupo sa katabing settee nito.

Sa pag-aakalang lumabas na si Fabiz ay hindi pala. Biglang umupo ito sa visitor's couch na inupuan niya kanina. There was a humorous smile on his friend's face. Kumunot ang kanyang noo, pangwawaksi sa kung ano man ang sabihin nito.

"Girlfriend?" Natigilan si Greco. Sabi na nga ba niya. Humalakhak si Fabiz.

"Gray's nanny. At kung ano pa man ang mga tanong mo, hindi at wala ang sagot ko sa mga iyan."

"I wouldn't be curious like this if you're not acting as a worried boyfriend, Grec. Dalawang oras ka nang hindi mapakali diyan. Uso ang kumalma, kapatid," patuloy ang pagtawa nito na ikina-iling ni Greco.

"Tumahimik ka nga, Fabiz. Baka magising mo pa siya. Ang chismoso mo," pagalit niya sa kaibigan. Para may pagkakaabalahan ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa. He was also guilty of worrying too much.

Mapapagkalaman talaga siyang nobyo ni Malvine. He should stop acting weird.

"After two years, nagdala ka na ng babae rito. That's good, Grec. It means that you have totally moved on." Hindi niya pinakinggan ang sinabi ng kaibigan dahil hindi pa totoo iyan. May parte pa rin sa kanya na nalulungkot.

"I don't know. And I'm not bringing Malvine here because there is a romantic attachment between us. She is Gray's nanny. That's all," mahinahon ang paliwanag niya, and he hoped Fabiz would understand that.

Dahil kung malalaman ito ng iba niyang kaibigan ay hindi na siya tatantanan ng mga ito.

"She's too beautiful as a Nanny. Magkakamalaman talagang jowa mo siya." Dumilim ang kanyang paningin kay Fabiz. Who was beautiful?

Lumingon siya kay Malvine. Yes, she was damn beautiful or even the word wasn't enough to describe her. Hindi man si Malvine ang tipo ng babaeng rumarampa sa Victoria Secret, but she could take away someone's breath. His breath.

It was like some kind of magic that hit him, knocking off his breath by her mere presence. He didn't know. She looked like an angel just by now.

Umiling-iling siya sa naiisip. I normally compliment girl's beauty. Tiningnan niya ulit ang kaibigan na si Fabiz.

Fabiz was still staring intently at Malvine so Greco stood up and pulled his friend. His stomach lurched. "Umalis ka na. Kapag nagising siya, aalis na kami sa clinic na ito." Bago sinarhan ang pinto ay tinulak niya ang doktor palayo. Tawa lang ang isinagot nito.

Kasalanan mo lahat kung bakit ka ka-iwan-iwan! You don't have time for me! Puro ka trabaho!

Bumuntong-hininga si Greco nang maalala ang mga katagang iyon. Tumitig siya sa mukha ni Malvine bago umupo sa settee. Kasalanan niyang iniwan siya ni Janine. Kasalanan niya kung bakit sa kapatid niya ito kumuha ng oras. He didn't take care of her properly. Pero hindi alam ni Greco kung saan siya nagkulang. Kung may oras naman siya ay ibinibigay niya kay Janine. I thought she can understand my work, my profession.

Minsan kasi ay sa abroad lang siya nagce-celebrate ng special occasions kapag may malaking offer doon. He was alone, she was alone. And Greco had thought Janine understands that.

Tapos ngayon, nangyari naman ito kay Malvine. Malapit na itong malunod kanina dahil sa pagpupumilit niyang pagtampisawin itonsa dagat. Medyo sumakit na ang ulo niya dahil doon.

Greco was too worried. The scene a while ago kept on playing on his mind. Dapat niyang humingi ng pasensiya sa dalaga kapag nagising na ito.

Damn! Dalawang oras na itong natutulog. Ayos lang ba ito?

Wild Touch (Hacienda Alegre Series #1)Where stories live. Discover now