VI

55 0 0
                                    

"Bati na tayo." Hindi pinansin ni Dalton si Dahlia bagkos, tinalikuran niya ito kahit pa malaking bahagi niya ang nais ang siyang nang nais lumapit dito at kunin ang dala-dala nitong basket. Alam niyang may kabigatan iyon at kahit pa nais niya itong tulungan, mas malaki ang pagnanais niyang tikisin ito nang malaman nitong labis siyang nasaktan sa ginawa nito.

Sa totoo lang, ngayon na ang babae na ang mismong lumalapit sa kanya upang makipagbati ay gusto narin niya itong patawarin agad-agad. Ngalang ay, kapag naaalala niyang mas naunang lumapit si Dahlia sa kanyang ama sa halip na sa kanya, nagbabalik lang ang kanyang galit.

Napailing si Dalton at dumiretsong lumakad pabalik sa kanyang bahay. Kapag umaga at wala silang pasok sa Daltonshire, kinagawain na niyang magkape roon sa kubong walang naninirahan, malapit sa kanyang bahay ngunit nawalan na siya ng gana nang matanawan niyang patungo sa kanyang puwesto si Dahlia kanina.

Ngunit pagdating ng kanyang bahay ay ramdam parin niya ang pagsunod sa kanya roon ng dalaga. Talagang makulit ito kung minsan ngunit hindi naman niya magawang sigawan o pagtaasan man lang ito ng boses para lang mapaalis. Iilang beses palang niyang nagawa iyon. Noong hindi pa niya pa ito kilala nang lubos at noong malaman niyang pinakawalan lang nito nang ganoon lang kadali si Bert. Sa parehas na sitwasyon, siya lang din ang nakaramdam ng paghihirap sa loob.

"Dahlia please! I have nothing to say to you. Go home!" Sabi niya, sa wakas ay hinarap ang dalaga ngunit hindi tila naman iyon pinansin ni Dahlia at sa halip, dumiretso lang ito sa kusina upang doon ilapag ang prutas na dala-dala.

Napahawak siya sa kanyang dibdib na tila ba may kumurot doon nang makitang buhat-buhat ni Dahlia ang basket na nais sana nitong ilapag sa ibabaw ng lamesa ngunit hirap pagkat bukod sa mabigat ay may higit na mataas ang lamesa para maabot ng mga kasingtangkad ng dalaga. Agad niyang kinuha ang basket at siya na ang naglapag niyon sa lamesa.

"Kung wala kang sasabihin, ako meron. Pasensiya ka na. Masyadong naging padalos-dalos ang pagpapasya ko. Alam kong nagkamali ako at humihingi ako ng tawad sayo ngayon pero alam ko ring kahit anong mangyari, iisa lang ang kalalabasan ng lahat ng 'to. Hindi man sa papa mo ako unang lumapit, sigurado akong gagawa parin ako ng paraan para lang palayain mo rin si Bert." Magpakumbabang sabi ni Dahlia.

Dalton just clenched his jaw and looked away. He couldn't distinguish if he was angry that he thought that she was too good for this world to deserve or be mad that he felt like she still wished the best life for Bert despite what he has done.

"Go home." Ulit niya ngunit hindi parin ito umalis at sa halip, katahimikan ang namagitan sa kanila.

"Ano bang dapat kong gawin para tanggapin mo na ang sorry ko? Bati na tayo, please?" Sabi ni Dahlia mayamaya nang hindi na ito makatiis sa katahimikan. Kinukulit na siya nito, paulit-ulit na kinakalabit sa braso at tagiliran pagkat hindi parin niya ito tinatapunan ng tingin.

"Stop!" Sabi niya rito, hinawakan niya ang makabilang palapulsuhan nito. Mukhang parehas silang nabigla sa kanyang biglaang pagtaas ng tinig. Ganoon pa man, nang magtama ang kanilang paningin at tila hindi na niya magawa maiwas rito ang kanyang mga mata. It was if she commanded him to meet her gaze.

Napalunok siya. He could see the sweat on Dahlia's forehead about to fall down on that seemingling flawless skin of her face. He never thought he would be so drawn in such a sight. And her smell... goodness her smell. She smelled divine. Bigla ay bumitiw siya mula sa pagkakawak dito.

Agad siyang tumalikod rito, lumakad papalayo at nagpanggap desidido na talaga siyang hindi ito kausapin nang araw na iyon. Mabilis siyang tumungo ng kanyang silid at pabagsak na isinara ang pintuan niyon.

Ganoon nalang kabilis ang tibok ng kanyang puso sa pagmamadali. Alam niyang bahagya niyang napasama ang loob ng dalaga sa kanyang ginawa ngunit alam rin naman nitong masama ang kanyang loob ngayon.

Flademian Monarchy 11: Dalton, the Desolate ManWhere stories live. Discover now