IX

29 0 0
                                    

Hindi maunawaan ni Dahlia ang nararamdaman. Masyado yata siyang nao-overwhelm dahil sa iyon na yata ang unang beses na makakita siya nang ganoong karaming mga kilala at mga makapangyarihang mga indibidwal sa iisang lugar.

Pinilit niya ang sariling huwag masyadong mamangha sa nasasaksihan. Umakto siyang hindi gaanong nasasabik. Pilit siyang ngumiti kay Dalton nang lingunin niya ang gawi nito sa siya ring nakatingin pala sa kanya.

"Shall we?" Mumunting pagtango lamang ang naisagot niya rito at saka binuksan na nito ang pintuan ng kanilang sasakyan at saka ito bumaba. Inalalayan siya ni Dalton nang siya naman ang bumaba ng pintuan.

Pawang isang award show ang entrada sa palasyo, may red carpet at walang tigil ang pagkuha ng media ng litrato, masyadong nakakasilaw para sa kanya sa totoo lang. Nang mapansin ng mga taga-media na kararating lang nila, sila naman ang pinugpog ng mga ito ng walang matapos-tapos na camera flashes. Pakiramdam niya nga ay panandalian siyang, hindi malaman ang susunod na gagawin o saan tutungo pagkat abala ang utak niyang humanap ng anggulong hindi siya gaanong masisinag ng camera flashes.

"Smile or I'll make you until you snort again." Pasimpleng bulong ni Dalton sa kanyang tainga na pawang hindi inaalintana ang labis na atensiyon na nakukuha nito ngayon, sanay na sanay na talaga ito sa mga ganoon. Kusa siyang napangiti. Ang siraulong lalaki kasi, hindi niya maunawaan sa kanyang sarili ngunit kayang-kaya siya nitong mapatawa nang labis sa mga green jokes nito. "That's better." Dagdag pa nito.

Nang matapos i-check ang kanilang inbitasyon, tuluyan na silang nakapasok ng palasyo, diretso sa banquet hall. Lalo siyang namangha sa laki niyon sa personal, hindi niya talaga akalaing sa buhay niyang iyon ay makapasok siya roon.

"Let's greet my uncle first and then we to where my parent's table." Bulong ni Dalton sa kanya, bahagya tuloy siyang kinabahan sa riyalisasyong ngayong gabi, makikilala na niya ang kamahalan, ang mahal reyna at ang asawa nito.

Sumunod lamang siya kay Dalton kung saan siya nito nais na dalhin, at nang matanawang kung saan nakatayo ang kamahalan, hindi niya mapigilang ma-concious sa kanyang suot. Masasabi niyang may class at rin naman ang kanyang simpleng itim bistida, isa sa ilang ibinigay sa kanya ni Dalton noong nakaraang linggo, ngunit pakiramdam niya kahit anong gawin niya ay maa-out of place siya sa elegance na dala ng mahal na reyna.

Simpleng itim na off-shoulder dress lang din ang suot nito at perlas na kwintas ngunit siguro, dahil narin sa taglay nitong natural na ganda kaya't ibang-iba ang dating ng reyna sa kanya. Napailing siya sa sarili at pinilit na umayos. Habang nakapila at nag-aantay ng kanilang pagkakataong batiin ang mag-asawa.

Sa pagkakaalam niya, iisang media company lamang ang pinayagang makapasok roon sa loob, kabilang ang ilang naimbitahang kaibigan at miyembro ng royal family, dahil doon ay kahit papaano ay nakampante siya at nabawasan ang pagka-conscious sa sarili, hindi katulad kanina.

Tumikhim siya ay nag-desisyong mag-focus na lamang kesa sa kung anu-ano ang kanyang iniisip. Ayaw niyang mautal o may masabi kung anu-ano sa harap ng reyna. Ayaw niyang ikahiya ang gabing nakilala niya ang kamahalan.

~•~•~•~•~•~

Dalton smiled when Dahlia obviously trying her best not to be nervous. They were standing on the line, waiting for their turn to greet his uncle and his wife, Her Majesty, The Queen.

Hindi naman talaga sana halatang kinakabahan si Dahlia, lamang ay kilalang-kilala niya ito. Hindi rin naman niya ito masisisi, hindi lahat ng tao may nagkakaroon ng pagkakataon na makapunta sa palasyo at makilala nang personal ang kamahalan.

Nang matapos batiin ng dating punong ministro ang mag-asawa ay silang dalawa na ni Dahlia ang sumunod na lumapit sa kanyang tiyuhan at sa kamahalan. Nawala ang kanyang ngiti, hindi niya alam kung kagaya rin ng mga Wright, masama rin ang loob sa kanya ng reyna dahil sa kanyang nagawa sa pamangkin nito. After all, they were family and he knew if ever, he wouldn't be able to blame Her Majesty.

Flademian Monarchy 11: Dalton, the Desolate ManWhere stories live. Discover now