IV

43 0 0
                                    

Pakiramdam ni Dalton ay masusuka siya sa labis na pagkahilo. Hindi niya malaman kung naging maalog lang ba ang naging biyahe nila ni Dahlia pauwi sa Bradleystone o epekto parin iyon sa kanya ng kanyang naging labis na pag-inom ng alak kinagabihan.

Ni hindi na nga niya nagawang habulin si Dahlia nang nauna na itong bumaba ng sasakyan at agad na dumiretsonv umuwi nang hindi man lang nagagawang magpapaalam sa kanya nang maayos. It was so unlike her. Pakiramdam niya ay nais siya nitong iwasan ngunit naisip niyang baka sadyang nagmamadali lamang talaga itong makauwi dahil hindi ito nakapagpaalam sa abuela nito kagabi. Natitiyak niyang nag-aalala lang ito sa lagay ng matanda ngayon dahil wala itong naging kasama sa bahay kinagabihan.

Muli, napahawak siya sa kanyang noo. Ang sakit talaga ng kanyang ulo at pakiramdam niya ay umiikot ang lahat sa kanyang paligid. Pagpasok niya ng kanyang bahay ay agad siyang dumiretso ng banyo upang muling maghilamos. Alam niyang kailangan niyang puntahan ang mga magulang niya ngayo upang magpaliwanagan ang mga ito kung bakit hindi sila nakauwi kagabi.

Ngunit bago niya niya gawin at kailangan muna niyang ayusin ang kanyang itsura. Baka kung ano pang isipin ng mga ito, lalo na ang kanyang ina. Hindi parin naman siya kinikibo nito ngunit ayaw niyang isipin nitong umaabuso siya sa kaunting kalayaan na pinagkaloob nito sa kanya.

He just didn't wanna disappoint her at any matter. Heto nga't ilang linggo palang na nagiging mapayapa at walang nagiging sagutan sa pagitan nila ngunit mukhang tagilid na naman siya ngayon. For some reason, he just didn't wanna fight anyone anymore. Nariyalisa niang nakakapagod rin. Ano ba naman kung sundin niya ang nais ng mga ito sa ngayon, hindi ba?

Matapos na maligo at makapagpalit ng damit ay saka siya dumiretso sa bahay ng kanyang mga magulang. Hindi niya akalaing masasalubong pa kiya ang kanyang ina na tila nagmamadaling papalabas na ng bahay kung hindi lamang siya nito nasalubong.

"You're here, great!" His mother said, seemingly relieved that he was there.

"I'm just here to explain why I di—"

"Save it." His mother cut him off. "Dominque and your brother-in-law will be having lunch with us here today. I'm not gonna ask anything from you but to behave yourself." Sa unang pagkakataon, sinalubong ng kanyang ina ang kanyang tingin. Ganoon ito kaseryo sa sinasabi nito sa kanya ngayon. At pagkatapos ay hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Whatever happens, don't act up. If something suddenly comes up and makes you really angry, I want you to just breathe it out... Or if you just can't control yourself anymore.. just walk away."

Walang siyang masabi sa turan nitong iyon. Nasasaktan siyang tila ba isang bomba ang tingin sa kanya ng kanyang ina na ingat na ingat nitong sumabog.

Napabuga siya at mayamaya ay tumango rin sa turan nitong iyon.  At sa unang pagkakataong muli, isang tipid na ngiti ang isinukli nito sa kanya. For a moment, he felt like he gained his mother back. Sa isang banda ay naiintidihan ito. Tama naman ang kanyang ina. He already have done so much. Maliit na bagay lamang ang hinihiling nito sa kanya.

DALTON couldn't chew the meat in his mouth properly. Alam niya, kahit hindi niya tignan si Maximilian, ang kanyang bayaw na siya ngayong nakaupo sa kanyang harapan ay pasulyap-sulyap siya nito kung tignan.

He didn't like the feeling that his brother in-law making him feel right now. He felt uneasy. Kanina pa niyang napapansing maasta ito simula nang dumating ito at ang kanyang kapatid. Kung noon siguro nito ginagawa ang mga ginagawa nito ngayon ay baka kanina niya pa pinuna at tinanong ito kung ano bang problema nito. Ganoon pa man, ingat na ingat siya ngayon sa kanyang mga kilos.

He inhaled deeply, like his shrink has been telling him for years now and just let it pass. Muli siyang huminga nang malalim at napapikit. Agad siyang nakaramdam ng kakalmahan sa kanyang pagkatao nang bigla makita ang imahe ni Dahlia na bigla na lamang lumitaw sa kanyang harapan sa ginawa niyang saglit pagpikit na iyon.

Flademian Monarchy 11: Dalton, the Desolate ManWhere stories live. Discover now