III

56 3 0
                                    

"Opo Lola, ako nang bahala..." Hindi malaman ni Dhalia kung mapapakamot siya ngayon sa kanyang ulo. Ni minsan, hindi naging pasaway ang kanyang lola lalo na't alam naman nitong bawal itong uminom.

Sa tuwing pinaaalalahanan niya ito noon, ni minsan ay hindi nito sinuway ang kanyang bilin lalo na't alam nitong nag-aalala siya kapag may kung ano na itong nararamdaman sa katawan.

Ngunit sa kung ano mang rason, kanina pa nito napiling magpasaway na pawang nagrerebelde sa kanya. Sa unang pagkakataon sa maraming taon ay uminom ito ng alak, alak na dala-dala ni Dalton at ngayon ay lasing na ito at napilitan pa siyang akayin ito papasok ng silid nito. Napabuga siya. Ano ba ang kanyang magagawa?

Ang tanging ikinaganda lamang ng nangyari, marahil dahil sa tagal nitong hindi umiinom ay mabilis itong tinamaan ng alak dahilan upang hindi na nito naubos pa ang ikalawang baso na si Dalton mismo ang nagsalin para sa kanyang abuela.

Napabuga siya habang pinagmamasdan ngayon ang abuelang tulog na tulog na sa kama nito ngayon. Naisip niyang mainam narin siguro iyon, marahil nasabik lamang ang matanda pagkat matagal-tagal narin nang may dumalaw sa kanila roon sa kanilang bahay. Na-excite lamang ito na may bumisita sa kanilang guwapong lalaki roon.

Mayamaya ay tumayo na siya at lumabas na ng silid ng abuela. Hindi niya akalaing paglabas niya ng kanilang sala madaratnan niyang naroroon parin si Dalton, pawang inaantay siya.

Muli siyang napabuga. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan iyon. Base narin kasi sa pag-uugali ng lalaking iyon, na mainipin at talagang masasabi niyang walang pasensiya ay inaasahan niyang aalis na agad ito. Ngunit mali siya at naroon parin ito,  diretsong nakatingin sa kanya.

"N-Nandito parin kayo?" Sabi niya, hindi man niya nais magtunog bastos ay tila ganoon narin ang kinalabasan ng kanyang tono. Tampong-tampo kasi siya sa sinabi nito sa kanya.

N hindi rin niya magawang humingin ng paumanhin rito pagkat hindi pa niya nakakalimutan kung ano ang ibinintang sa kanya nito dahilan para umuwi siya nang wala sa oras kanina.

Sa sama ng kanyang loob, ni wala nga sana siyang balak maghapunan ngayon, ni ang lumabas sana ng kanyang silid, lamang ay bigla siyang tinawag ng kanyang lola tuloy, wala na siyang nagawa pa kung hindi harapin ang lalaki at tanggapin ito kanina sa kanilang tahanan.

"I still wanna talk to you about what happened earlier." Sabi nito, ni hindi niya nahimigan ito ng pagpapakumbaba. Mataas parin ito kung magsalita. Umupo siya sa harapan nito at gayun rin ito, muling umupo sa kinauupuan nito. "I'm sorry for being rude, for asking you those absurd questions. I'm just— I just don't what to think. You and my father, you guys are so close!"

"So, kasalan ko po ba kung malapit kami ng konde, ganoon po ba? Na por que mabait siya sa 'kin, kabit niya na 'ko!? Hindi ko alam na ganoon po pala kababa ang tingin ni'yo sa 'kin." Nagpupuyos ang kanyang damdamin sa labis na sama ng loob na ibininigay sa kanya ni Dalton ngayon.

Ni hindi niya magawang tignan ang guwapo nitong mukha at sa halip, inisang lagok lamang niya ang basong may alak na naiwan ng kanyang abuela sa lamesa, sa kanyang harapan. Kamuntikan na niyang mabitawan ang basong hawak nang maramdaman niyang biglang hinawakan ni Dalton ang kanyang kamay.

Talagang hindi niya inaasahan iyon kaya't ganoon nalang ang panlalaki ang kanyang mata. Agad niyang pinakalma ang kanyang sarili at sinubukang i-focus ang isip sa kanyang pagtatampo sa binata bago pa siya dalhin kung saan ng kilig na umaapaw ngayon sa kanyang dibdib na tila nakikipagpaligsahan pa iyon sa kanyang pagtatampo.

"That's why I'm here now. I've realized how muck of a dick I was to you when you're the only true friend I've got here, in this place." Sabi nito, habang hindi inaalis ang diretsong tingin nito sa kanya.

Flademian Monarchy 11: Dalton, the Desolate ManWhere stories live. Discover now