I

101 1 0
                                    

"Mom, please. It's been two weeks already." Sabi ni Dalton sa kanyang ina ngunit ni hindi man lang siya nito nilingon. Bagkos ay bahagya lamang tumaas ang kilay nito habang nagbabasa ng diyaryo sa hapagkainan habang nag-aagahang silang buong pamilya.

Hinayaan niyang gawin ng kanyang ina kung ano ang nais nitong mangyari sa pag-aakalang sa paglipas ng mga araw ay huhupa rin ang galit nito at hindi magtatagal ay ititigil tin nito ang pagtitikis na ginagawa nito sa kanya, na kalaunan ay ibabalik rin nito sa dati ang lahat.

Sa kanilang pamilya, ang salita ng kanilang ina ang siyang mistulang batas at ang masusunod sa lahat. Bagaman kapag nagsalita na ang kanyang ama, na minsan lamang kung mangyari ay nagkokompromiso ang mga ito. Madalas, walang sino man sa kanila ang makakapagpabago sa isip ng ina lalo na't desidido na nga ito dahil galit katulad nalang ngayon.

At sa tingin niya, sa sitwasyon ngayon, kahit pa ang kanyang ama ay wala nang magagawa pa. Lamang ay siya ang pinaguusapan ngayon ng mga ito. Sigurado siyang tuwang-tuwa ngayon ang kanyang ama na sa wakas, pinaparusahan na siya ng kaniyang ina na batid niyang matagal na nitong nais mangyari.

His mother 'fired' him from being the chairman of Horecois', got his keys to tje penthouse and made him live there with them again in Bradleystones together his younger sister. She even froze all his accounts and he didn't even know when he will have it all back. Pati ang kanyang sasakyan ay hindi narin niya magamit.

Ang nakababata niyang kapatid na lalaki na si Nicholas ay kasalukuan ngayong nasa army na ayon sa kanyang ama ay 'pinupunan' ang kanyang responsibilidad sa pamilya sa pamamagitan ng pagsusundalo nito.

Iyon marahil ang isa sa maraming rason kung bakit hindi sila naging malapit ng kanyang ama. Halos hindi na nga niya matapos ang kanyang mandatory services noon sa kanyang pagmamadaling makapagsimula na sa pagtatrabaho sa kanilang kompanya.

Kinakabahan siya ngayon. Kaunti nalang ang kanyang cash at sa totoo lang ay bore-bore na siyang manatili pa sa Bradleystones, hindi nga lang niya magawang umalis pagkat nais niya munang pahupain ang galit ng kanyang ina. Mahigit isang linggo na, lalo siyang hindi mapalagay pagkat hindi nagalit nang ganoon katagal sa kanya ang kanyang ina.

"Mom, narinig mo ba 'ko? I said I'm sorry." Ulit niya sa kanyang ina. Doon nito nilapag ang diyaryo sa lameda at saka siya hinarap, nakataas parin ang kilay.

"I heard you the first time, Dalton But the thing this, your apology doesn't mean anything to me now."

"What do you want me to do then? Sienna and I talked already. She said she already forgave me so what's the problem?" His mother stoop up and walked away from the their table.

Masamang tingin lamang ang ipinukol sa kanya ng kanyang ama at pagkatapos ay sinundan nito ang kanyang ina. Wala siyang nagawa sa kung hindi sundan ang mga ito.

Nang maabutan ang mga ito sa aklatan ay muli niyang tinangkang
pakiusapan ang kanyang ina. Sinukan niyang hawakan ito sa braso ngunit itinulak lang siya nito at pinagsasampal na tila doon nito ibinuhos sa kanya ang emosyong matagal nang nitong kinikimkim. Tears were falling down her mother's face.

"I know everything that you've done! Lahat-lahat! What you did to Jimenez before, among other things!" Nanlaki ang mga mata niya banggitin nito ang ginawa niya sa isa sa kanilang mga presidente noon. "Nagbulag-bulagan ako kasi ayokong sirain sa diskarter mo dahil ayokong masaktan ka. I don't wanna keep you from being better 'cause I know you love what you wrre doing! I've how work stopped you from being irritated. Hindi ka na mabilis magalit. I thought you were getting better but I was wrong! I did everything, gave you everything because I love you and I want to be the best mother to you! But it turns out, I was raising a monster." Napahagulgol ang kanyang ina at inakap ito ng kanyang ama habang siya ay ni hindi magawang makakilos sa kanyang kinatatayuan.

Flademian Monarchy 11: Dalton, the Desolate ManWhere stories live. Discover now