Chapter 1 : Part 2

14K 468 15
                                    

NAGBALIK ang mga memorya ni Eselle sa high school nang makatapak na sa wakas sa Saint Augustine Academy. Maraming nagbago sa loob ng campus na mas lalong lamang ikinaganda ng eskuwelahan sa Talisay, Batangas. Isa na doon ang second floor ng iilang gusali para sa K-12 Curriculum, mas pinalawak na canteen at pinagandang court. Maraming mang nagbago pero nanatili pa rin ang berde ang pinta ng room at mga building na nakakakalma sa paningin.

Papunta sa pinaka-function hall, natigilan si Eselle nang makita ang matayog na pine tree. Dahil doon ay naalala niya ang best friend na si Mark Hernandez...

Natatarantang napatakbo si Eselle sa first period subject sa kadahilanang nahuli ang jeep na sinasakyan nang nagkatraffic dahil sa nagbundolan na track at motor papunta sa eskuwelahan. Kahit kalayuan ay pilit niyang tinakbo para lamang makaabot sa first subject.

"Fudge... patay talaga ako nito." hinihingal niyang mutawi habang pahapyaw-hapyaw na tinitignan pa rin ang relong pambisig.

Mas binilisan pa ni Eselle ang pagtakbo nang malamang mahigit treinta minutos na siyang huli sa klase. At sa eskwulahan nila, kapag twenty minutes late, it can consider absent. At hindi rin considerate ang Filipino teacher nila na menopause kung tumalak. Palibhasa kasi matanda itong dalaga.

Ilang hakbang na lamang papuntang sa classroom nang matisod si Eselle sa nakausli na semento. Malakas na pagsinghap ang kumawala sa kanyang bibig kasabay ng pagtilapon ng mga libro na kanina lamang ay hawak-hawak niya.

"Goodness! Bakit ba ang malas ko?" Naiinis na hinampas niya ang nakausling semento. Lagi na lamang siyang nadadale roon. Patayo siya nang marinig niya ang daing ng isang lalaki na tila ba nagmamakaawa.

"Stop... p-p-please..." daing na naman ng isang lalaki. "Tama na. N-n-nasasaktan ako..."

Nagtatakang napalingon siya sa pinaggalingan ng ingay at nakitang binubugbog ang patpat na classmate niya sa pilipino subject na lagi niyang napapansing nakaupo sa bandang likuran ng classroom.

"L-late na ako. Ginawa ko na naman ang assignment ninyo sa Science, 'di ba? So p-please—" Napadaing na naman ito nang matadyakan ng malakas sa tagiliran. "Please..."

Gigil na naikuyom ni Eselle ang mga kamay, tiningnan ng masama si Reynaldo, ang pangalan ng bully. Lagi niya itong nadadatnan sa sulok ng canteen at kung saan-saan pa sa loob ng campus na may inaaping estudyante. She actually don't want to care—to avoid herself from trouble, bagaman ngayon lamang ata siya tinamaan ng kung anong kidlat para uminit ang kanyang ulo sa ginawa nito.

"P-p-plese... maawa ka..." Sapo pa rin ng lalaki ang tagiliran ngunit pinipilit pa rin nitong tumayo. "Kinuha mo na r-rin ang baon ko ngayong araw so please pakawalan mo na 'ko. That is all I have. L-late na ako sa first subject ko..." muling pagmamakaawa ng lalaki, may putok na sa labi.

Mas lalo lamang siyang naawa nang mahimigan ang sobrang pagsusumamo sa boses nito. Base sa na obserbahan ay baka kanina pa ito pinag-trip-an ni Reynaldo. Sa laki ba naman ng katawan ni Reynaldo, walang-walang panama ang palito nitong pangangatawan. With that, she can't seem to ignore what's happening no matter how much she wants to not mind.

Kinuha ni Eselle ang libro at walang takot na binato ng ang patabaing bully. "Isang sapak mo pa at tatawagan ko ang tita ko na principal sa school na 'to!" Itinaas niya ang cellphone na touchscreen, tinaliman ito ng tingin. "Sisiguraduhin kong ma-i-expel ka ng wala sa oras!"

Matinding takot ang sumilay sa mukha ni Reynaldo bago ito kumirapas ng takbo. Hindi rin lumampas ang namutla nitong mukha nang bumaling ulit ito sa kanya. Pinandilatan niya ito ng mata at nagpatuloy na ito sa pagtakbo.

Charmed (Reunion Series #1) - ON REVISIONWhere stories live. Discover now