Chapter 2 : Part 2

12.3K 381 40
                                    

Napaatras siya ng kaunti at inihanda ang pepper spray na nasa loob ng rattan round bag. Halos tumigil siya sa paghinga nang maosyo kung sino ang estranghero sa ilalim ng itim na helmet.

Pinasadahan niya ito ng tingin ulo hanggang paa. Aba't ang yaman naman ata nitong kidnapper at naka-Ducati pa? Idagdag pang mukhang mayaman talaga ito kaya bahagya siyang napanatag.

"Ellie, it's me!" pagbibigay-alam nito sa pagulat na pamamaraan.

Doon na siya nakahinga ng maluwag nang hinubad nito ang helmet at bumungad sa kanya ang ngayong napakaguwapong kaibigan.

"Nako, Marky!" Ngalingngaling inutusan niya ito ng mahina sa ulo. "Huwag ka ng magpa-suspence ulit, ha. Huwag mo ng ulitin 'yon at baka ma-taekwondo watta talaga kitang hinayupak ka!"

"Grabe..." Tumikwas ang isang sulok ng labi nito, ngumisi. "Hanggang ngayon, sadista ka pa rin pala, Ellie."

Muli, makabuluhang pagtitig ang natanggap mula sa kaibigan. Habang tumatagal ay hindi na niya na nawawari ang nasa isip nito o kung anuman ang iisipin nito. Tila ngayon ay mukhang na itong puzzle game na hindi niya na kayang mabuo.

"Saan punta, espren? Hatid na kita." alo ni Mark dahilan ng pagbalik niya sa reyalidad.

Parang gusto niya biglang iumpog ang sarili nang kumirot ng bahagya ang kanyang puso sa naulinigan.

Espren...

Sobrang inasam niya ang katagang iyon pero bakit parang ayaw niya nang marinig pa iyon galing dito? Was it necessary to feel hurt by an old endearment?

"Sa bahay namin, Marky," tugon niya sa kaswal na tono. "Doon ako magapapalipas ng gabi."

"Doon sa bahay ninyo dati na marupok?! Hell, no! I won't let you. Baka mapaano ka lang doon. Doon ka na lang sa tinitirhan natin dati. Besides sanay na naman tayong kasama ang isa't isa, 'di ba? We've been living there for three years, so why change the usual?"

Sa sinabi nito ay naalala niya bigla ang pag-iwan sa kanya ng ina noong second year high school para magtrabaho sa ibang bansa. Maagang naulila ang kanyang ina at tinigilan na rin siyang suportahan ng kanyang ama noong tumuntong siya ng second year high school simula nang maghiwalay ang mga ito. Iyon ang tanging rason upang mag-udyok na mag trabaho ang kanyang ina sa ibang bansa para mapaaral siya nito na dire-deretso hanggang kolehiyo. Simula noon, naiwan siya sa bahay nilang gawa sa dampa at naintindihan niya naman ang naging desisyon ng ina. Sapagkat noong naging magkaibigan sila ni Mark ay pinatira siya nito sa apartment na inihabilin sa kanilang sa kadahilanang sa U.S na ang mga ito maghahanap-buhay at para naman may kasama raw sa bahay ang binata.

Bilang isang mabuting anak at para sa reputasyon ng pamilya, naintindihan naman iyon ng kaibigan dahil galing ang Hernandez sa pamilya ng mga doctor. Kaya hindi na rin siya nagulat noong nakabalita siya na veterinarian ang kinuha nitong kurso sa Harvard at veterinarian doctor ang naging trabaho nito sa States.

Ilang segundong pinakatitigan niya lamang ang binata. Sandali niyang naisip kung ano ang ba naging buhay nito sa ibang bansa. Kahit puno ng katanungan ang gusto niyang ibato sa kaibigan ay minabuti niya na lamang na manahimik.

"Don't give me that look, Ellie. Hindi kita gagapangin, promise. Pero ako, okay lang sa akin kapag ginapang mo 'ko." anito sabay magiliw pa na kumindat sa kanya.

"Bastos!" ani Eselle sabay hampas dito sa braso.

"Aba! Matapos mo akong hipuan sa abs ganyan na lang ang isusukli mo—"

Mabilis na umangkas siya sa Ducati nito at tinakpan ang bibig ng kaibigan. "Punyeta! Ang dami mong satsat, tara na!"

Kahit hindi niya kaharap ang binata ay natitiyak niyang nakangisi ito. Nang si Mark na mismo nagpulupot ng mahigpit sa kanyang kamay sa baywang nito ay nanatili siya sa ganoon na posisyon, walang nagawa bagaman nagustuhan niya rin naman ang isa sa rason.

Charmed (Reunion Series #1) - ON REVISIONWhere stories live. Discover now