Chapter 4 : Part 1 (M)

14.4K 361 23
                                    

HALOS magwala ang puso ni Eselle sa pinakawalang salita ng kaibigan. Kaya naman noong kalma nitong binawi ang sinabi ay sabay-sabay ang kanyang mga kaibigan na napaismid. Space lang ang pinagkaiba ng dalawang kataga ngunit napakalayo ang kahulugan.

"Ha!" Maluwang na napangiti si Billy matapos ang ilang segundo. "Nice joke, Mark."

Nag-igtingan lamang ang panga ng kaibigan habang nakipagtagisan ng tinginan kay Billy, tipong kapag pinatagal ay mauuwi sa suntukan.

"Yes!" pangbasag ni Eselle sa namuong tensiyon at gumitna sa dalawa. "Mark means best friend. Boy best friend. It was a nice joke indeed... and we are definitely going."

Hinudyatan niya ang mga kaibigan bilang pagpapaalam bago niya hinila si Mark sa pinagpaparadahan nito ng Ducati.

Nakahalukipkip, dikit ang kanyang mga kilay nang makarating sa parking lot. "Why do you have to say that, Marky?... Why..." Why do you have to say that when you don't actually mean it? " Chance ko na 'yon sa tao, eh."

"Ellie, both has the same meaning. Kayo lang ang nag misunderstood sa sinabi ko." matamang katwiran nito.

"Whatever, Marky! Inudlot mo pa ang chance kong magkaroon ng lovelife. Napaka mo talaga kahit kailan!"

"Espren..." Sinapo nito ang mukha niya gamit ang mga kamay. "You're beautiful, and you don't need to hurry."

"Of course, I should! I'm almost twenty-seven and I'm still effin' single! Can you imagine that? My life is love less, Mark. Wala pa akong ka-chukchakan gaya ng mga barkada ko—Hoy!" Ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang siniil siya nito ng agap na halik sa labi. "W-what was that for?"

Bago pa man niya ito mahampas sa dibdib ay nahuli nito ang kanyang mga kamay, pabigla siyang hinila palapit dahilan para mag gasinulid ang kanilang mukha. Now, she could smell his minty breath reaching on the tip of her nose.

"That was for over-reacting. You don't find love, Ellie, because love will find you. Hindi mo kailangan hanapin ang forever. Nasa tabi-tabi lang 'yon," Marahan nitong binunggo ang kanyang noo gamit ang noo. "Malay mo nasa harap mo na."

"Mark..." Matamis na nginitian niya ito. "Tigil-tigilan mo ko sa mga ganyan mo!" Pahagibis na piningot niya ito sa tainga pagkatapos ay marahas itong itinulak. "Peksman walang talo-talo pa rin tayo!"

"Aray..." Nagkunwaring sinapo nito ang dibdib na parang tunay na nasasaktan saka humalakhak.

Natawa na lamang ito nang pandilatan niya ito ng mga mata. Inayos nito ang kanyang buhok na ngayo'y nagugulo ng hangin pagkatapos ay inabot nito ang helmet na nakasabit sa motor at isinuot sa kanya.

"Tara. Uwi na tayo. Netflix and Chill?" nginisihan siya nito.

"Tanga!" Mabilis na lumipad ang kanyang kamay sa at mahinang hinampas ito sa ulo. "Netflix lang walang chill!"

"CHOOSE, Ellie. Fifty Shades of Grey, No Strings Attached, o Friends with Benefits?"

Nilingon niya si Mark at tiningnan ito ng masama. Yakap-yakap niya ang bagong lutong popcorn with cheese powder na nasa malaking mangkok.

"Bakit puro mga erotica ang mga 'yan?! Frozen two na lang kaya."

"What?! Ano tayo? Bata?!" sukmat nito dahilan para panlisikan niya ito ng mgamata.

Nagpadeliver na rin sila ng dalawang Yellow Cab pizza at tatlong Coke-in-can kung sakalin mang magutom. Napangiwi siya sa dami ng kakainin nila para sa hapunan. Hindi naman sa nag babawas siya ng timbang, pero para bang may plano ata itong patabain siya sa loob lamang ng isang linggong reunion. And god... who would want to gain weight when you have the right mass of muscle? Gaya lang naman siya ng ibang babaeng nag-iingat sa pangangatawan. Kahit naman hindi pang-modelo ang kanyang katawan ay sakto lamang iyon para sa height niya na hindi naman ganoong kataasan. Hindi siya mapayat at hindi rin siya mataba.

Charmed (Reunion Series #1) - ON REVISIONOnde as histórias ganham vida. Descobre agora