Chapter 2 : Part 1

13.3K 373 37
                                    

NANGANGATOG ang mga tuhod ni Eselle sa antisipasyon na napalingon sa kaibigan. Back in high school, Mark used to kiss her cheeks all the time but never it affected her in a sensual way. Ngunit gayong nasa harap niya na ulit ito ay parang siyang nalulusaw na sinidihan na kandila. Hindi niya mawari kung natatae lang ba siya o sadyang kinilig siya sa ginawa nitong paghalik sa kanyang pisngi.

"Ellie?" untag nito na hindi naging sapat para bumalik sa reyalidad.

Malaki na talaga ang pinagbago ng kaibigan at para bang hindi niya na mapigilan ang sarili na matakam sa mga nasisilayan. Mark was too enviable to ignore, and to stay tranquil. Kaya naman wala sa isip na inabot ni Eselle ang man pecs ng kaibigan at dinadam iyon.

Oh, matigas... kasing tigas ng bato!

"Ellie? Are you listening to me?" patuloy na pagkuha nito ng kanyang atensiyon.

Wala sa sariling napatango-tango na lamang siya sa ani ng kaibigan. Unti-unting bumaba ang kanyang kamay sa lower abdomen nito at binilang iyon sa paghimas-himas. Four? Six? Napailing-iling siya sa natuklasan. Hindi... Hindi lamang pala iyon six kundi eight...

Eight yummy pandesal!

Parang gusto niya tuloy magkape ng tanghaling tapat at latakin ang pandesal ng kaibigan. Oh, how she bet it would be delicious. As much as the owner for sure.

"Ellie!" pasigaw na saway nito.

"Ay Ellie ng ina mo!" gulat na pagak ni Eselle nang matubuan ng hiya. Nang mapagtantong nanatili pa rin ang kamay niya sa abdomen ng binata ay napangisi na lamang siya dito. "Aba Marky, ha! Totoo pala talaga lahat ng nakikita ko. Hindi ka pala na-photo shop."

Napangisi ang kaibigan na nagpainit ulit ng kanyang mukha. Ang dating mahiyain at patpatin na si Marky ay may playboy grin na ngayon. At mas lalo lamang itong gumuwapo sa kanyang paningin.

"Why don't you touch lower and see the real me?" nakangising biro nito.

Mabilis na tinulak niya ito palayo nang mag-init ang mukha. "Aba't ang bastos mo na, ah! 'Yan ba ang natutunan mo sa States?"

Napahalakhak ito. "I'm just joking, Ellie. Masyado ka kasing nabighani sa 'kin. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip na crush mo na ako ngayon."

"Oo nga..." Napatango-tango siya at dinuro-duro ng marahas ang dibdib ng kaibigan. "Kabastusan at kakapalan ng mukha ang natutunan mo sa States!"

"Again, I'm just joking, Ellie, ang seryoso mo namang babae ka. So ano tayo na?" Inilahad nito ang kamay at naguguluhang tiningnan niya lang iyon.

"A-a-anong t-tayo ka diyan?"

"Tayo na't pumunta sa function hall at baka ma late pa tayo sa event..." Tumikhim ito at ngumiti ng pilit. "...is what I mean."

"Ahh..." Nadismaya ng kaunti, tinaggap ni Eselle ang kamay ng binata sabay tango. "Oo, tara."

Isang hakbang pa paputa dito ay natalisod na naman si Eselle sa sementong nakauwang. Muntikan na siyang mapura ng malutong sa gulat. Buti na lamang at hawak ni Mark ang kanyang kamay at para lamang silang nakaprente sa isang dancing competition.

"Hangang ngayon, careless ka pa rin pala, Ellie," Pumalatak ito bago pa hinawi ang hibla ng kanyang buhok na ngayon ay tumatabon sa kanyang mukha papunta sa tainga. "At hangang ngayon ang ganda-ganda mo pa rin. May jowa ka na ba?"

"W-wala."

"Good."

Pabigla siya nitong pinatayo at naglapat ang dibdib nila sa isa't isa. Mahigpit na nakahawak ito sa likod niya gamit ang isang kamay. Para bang may iisang utak ay sabay silang nagkatinginan ng sabay sa mata ng isa't isa. May nakita siyang kung anong kislap doon na hindi niya maipaliwanag. Kung may makakitang iba ay baka isipin ng mga ito na nag-tatango dance sila sa gitna ng daan.

Charmed (Reunion Series #1) - ON REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon