CHAPTER 23

99 9 0
                                    

"Sure ka na ba sa gagawin mo gnrous?" Jan asked

Napatingin lang ako sa kaniya at hindi ko alam kung makakasagot ako dahil naagaw nanaman ng aking pansin ang pagmumugto ng kaniyang mata at ang galos sa ibang parte ng kaniyang katawan, napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"I'm sure na, Alam kong hindi ako bibiguin ni ken, Alam kong ipaglalaban niya he loves me right jae?" Iniiwasan kong pumiyok dahil ayaw ko nanamang umiyak.

Simula nang mangyari iyon ay hindi ko na nakita si ken, sabi nila ay may pinuntahan lang daw ito ngunit hindi nila alam kung saan.

Paano kung alam na niya? Ipaglalaban niya kaya ako?

"Ipaglalaban ka niya, I know him hindi yun sumusuko agad" sambit nito

"Tataguan mo ang papa mo? Alam mong malakas ang kapit niya gn---"

"I know, I want a space, gusto kong makausap si ken hahanapin ko siya, so please if may balita na kayo kay ken text or call me agad"

Tumango nalang ito at tinulungan akong ibaba ang gamit ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon, I want to talk to ken, I don't want to marry a man that I doesn't love.

"Sana mahanap mo siya gin, pati kami nag-aalala sa sitwasyon niyo" nag-aalalang sambit ni sejun

Tumango ako at sumakay sa kotse at nagsimula na para hanapin siya..

"Pumunta siya dito pero agad siyang umalis, hindi niya sinabi kung saan pa siya pupunta"

Napa-upo nalang ako sa bench dito sa park para magpahinga saglit.Kanina ko pa siya hinahanap ngunit heto magg-gabi na pero wala pa rin.Lahat ng lugar na puwede niyang puntahan ay pinuntahan ko pero wala.

"Nasaan ka na ba ken? I need you" naluluha kong sambit

Nagstay ako ng ilang oras doon at nang napansin ang oras ay napadesisyunan ko ng umalis ngunit napatigil ako ng pagtayo ko ay nasa harap ko si ken.

"Ken"

Tumakbo ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit at doon ay hindi ko napigilan ang luha ko.

"San ka ba nagpunta huh? Lahat kami nag-alala sayo"

"Let's break gnrous"

Napatingin ako sa kaniya at napa-atras.

"Ken? San ka ba nanggaling?"

Lalapit na sana ako para hawakan siya ngunit umatras siya at pinigilan ang kamay ko.

"Let's break"

"Tara na ken umuwi na---"

"Ano ba?! Sabi ko maghiwalay na tayo bingi ka ba?!!"

Nagulat ako sa sigaw nito kadahilanan upang maagaw ang atensyon ng ibang tao.

"Ken please huwag dito" nakayuko kong sambit

OUR MEMORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon