CHAPTER 7

164 12 0
                                    

"Baka mahuli nila tayo ken?" Wika ko

Balak naming mag mall, nagsuot kami ng mask at sumbrero.

"Hindi yan trust me! Ilang beses na kong pagala-gala sa mall eh hindi naman ako nahuli"

Tumango tango nalang ako at kumapit sa kaniyang braso.

Sumakay kami ng jeep at ngayon nalang uli ako naka-sakay doon hehe, medyo nanibago lang ako ngayin dahil dati ay pag sumasakay ako hindi naman ganong siksikan, maluwag pa nga eh ngayon lang ako nakaranas na masikip at kamalas-malas eh lalaki ang katabi ko.

"Malapit lang yun noh?" I asked

"Medyo, Mabilis tayong makakarating kung walang traffic kaso medyo traffic ngayon"

Napanguso naman ako dahil roon, tama siya medyo traffic ngayon, naiilang kasi ako sa katabi ko na kanina pang tingin ng tingin sakin. Yung nasa harap naman namin na dalawang babae ay pinagtitinginan kami at palihim na kinuhanan ng litrato, hindi na lihim nakita ko na eh amp.

"Mukhang kinuhanan tayo ng litrato" bulong ko

"Huh? Baka hindi naman malay mo may chineck lang siya" wika nito at naka focus lang sa cellphone.

Tumango nalang ako kahit na nakita kong nagflash yun amp. Maya-maya ay nababawasan ang mga pasahero kaya lumuluwag ang upuan pero kada usog ko ay panay dikit pa rin saakin ng lalaki at laking gulat ko ay hinawakan niya ang hita ko at hinimas himas ito agad ko naman itong tinanggal at natakot dahio binalik niya tong muli.

"K-Ken" nanginginig kong bulong

Panay dikit ko kay ken para lang matanggal ang kamay nito pero hindi pa rin siya natitinag, hindi ako makakilos ng maayos dahil don.

"K-ke--"

Nagulat ako ng hatakin niya ko at pinagpalit ang pwesto namin, Nastock kami sa traffic kaya ayun nahatak niya yung lalaki at bumaba.

"Gago ka ba ha?!" Agad niyang sinuntok ang lalaki na ikinatakip ko ng bibig.

"Okay ka kang ba ate?" Wika ng isa sa dalawang babaeng tinutukoy ko kanina.

"Y-Yes" tango kong sambit

Nahalata kong hawak hawak niya ang phone niya at tila vinivideohan iyon pero hindi ko na naituon ang pansin ko doon dahil kay ken na kakapasok lang.

"Okay ka lang ba?" he said the he hugged me

Agad na tumulo ang luha ko, patuloy na pinapatahan niya ko hanggang sa tumigil iyon ng makarating kami sa Mall.

"What do you want to eat?" He asked habang nakahawak ang isa niyang kamay sa beywang ko.

"Gusto kong kumain sa Jollibee" Ngusong sambit ko

Nagc-crave ako sa Chicken, burger, fries at sa steak nila huhu.

"Okay then let's go, kain muna tayo bago mag gala dito" Agad naman akong tumango.

"Grabe ang dami ng inorder mo ubusin mo lahat yan ha?" Ngiwing sambit nito.

Ngumiti ako at tumango tango na para bang masunuring bata.

"Tsk"

Ang inorder niya lang ay Chicken ay burger lugi nga sakin ang dami eh hehe.

Nang dumating na ang order namin ay kakain na sana ako ng pinakaelaman niya ang bag ko.

"Huh?" pagtataka ko

"Asan tali mo? Kakain ka tas hindi mo itatali buhok mo? Pano kapag nakain mo buhok mo?" Inis na sambit nito

Napatanga naman ako dahil roon.

"Nakalimutan kong magdala" sabay ngusong sambit ko.

Hinawakan niya ang buhok ko "Kumain ka na muna tsk. Sa susunod magdala ka ng tali! Tigas talaga ng ulo mo" pangsesermon nito.

Napanguso naman ako lalo at nagsimulang kumain, baka kasi pag nagsalita pa ako eh matitiklop ako sa kaniya.

Natatawa naman ako dahil halatang nangangalay na siya pero hindi pa rin niya binibitawan buhok ko.

"Kumain ka na, nangangalay ka lang sa ginagawa mo eh" sambit ko

Umiling lang siya at hindi ako pinansin kaya sinubuan ko nalang siya. Dahil sa pwesto namin ay pinagtitinginan kami ng mga tao, nakashade nalang kami ngayon para hindi agaw pansin at para hindi makilala si ken.

May lumapit sa aming babae na ipinagtaka namin susubuan ko na sana si ken ng natigil iyon dahil dun.

"Iha oh tali, nakakaawa naman si pogi mukhang nangangalay na" sambit nito.

"Thank you po hehe" Hiyang sambit ko tiyaka kinuha ang tali.

"Ang cute niyo tignan eh, wag mo na siyang pakawalan ha nako siya nalang ata ang gumagawa niyan, Atraksyon kayo rito oh kada may napapadaan napapahinto tas napapatitig sa inyo, yung iba nga kinukuhanan kayo ng litrato, yung iba eh napapatigil sa pagkain dahil sa inyo kagaya ko hihi" Ngiting sambit nito tiyaka umalis.

Namumulang ngumuso akong tignan siya at siya naman ay tumawa lang tiyaka tinali ang buhok ko, Natali niya yun ng maayos!

"San mo natutunan yung pagtali? Galing ah!" ngiting sambit ko

"Sa mama ko, nagkita na uli kami"

"Wow, I'm happy for you" Alam kong matagal na niyang inaasam iyon.

He smiled.

Pagkatapos kumain ay nag-ikot na kami, Still we wear mask and Hat.

"Usto ko toh, couple angas" manghang sambit ko.

Hindi lang kasi siya basta-basta pang couple na damit eh pang fashion den! Ang dami nga ihhh hehe mukhang madami ang mabibili namin nito.

"Bagay po sa inyo Ma'am at Sir!" Wika nung sales lady.

Kanina pa kami nito sinusundan akala naman niya magnanakaw kame amp.

"Ano bayaran na natin?" I asked

Nabibigatan na kasi ako eh ang dami eh.

"Ah sige, dito ka muna may bibilhin lang ako"

Agad naman akong tumango at pumunta sa cashier para magbayad, siya naman ay dali-daling lumabas.

"Ms. Gnrous Santiago? Model po kayo diba? Hala! Hindi ko po alam na nandito na po kayo sa pinas!" Ngiting sambit ng Cashier

"Ah yeah, kauuwi ko lang, I didn't know na medyo kilala pala ako rito haha" I said

Alam ko namang sikat ako pero I don't mind it.

"Ay opo Ma'am! Lalo na po sa iba pa po ninyong kaibigan! Ang saya ko nga ho nung nalaman kong Ikakasal na si Ma'am Ly at si Ma'am Angeline"

Ngumiti nalang ako at hindi na nagsalita. Nang natapos ay hinintay ko sa labas si Ken, Nakakapagtaka ang tagal niya huh? Sabi niya mabilis lang siya.

"Ey Yow!"

"Ay palakang kabayo!" Gulat kong sambit

Taena minsan talaga matatakot ka kay ken eh multo talaga toh eh! Sabi ko na eh!

"Grabehan?" Natatawang sambit nito.

Natuon ang pansin ko sa maliit na paper bag niyang dala, so bumili siya? Akala ko may titignan lang.

Nang napansin naroon ang atensyon ko ay agad niya itong tinago.

"Gift?" I asked

"Ah yeah, pinapabili sakin ni mama"

Tumango nalang ako sabay na naglakad papunta sa arcade...

To be continued...


DON'T FORGET TO VOTE!

OUR MEMORIES Where stories live. Discover now