CHAPTER 5

183 13 0
                                    

"Hoy sandali! Let me explain!"

Pinaghahampas ko siya ng unan at siya naman ay todo iwas.

"Hayop ka!"

"Sandale! Ikaw yan! Diba nga sabi ko sayo hindi kita nahawakan ikaw yan! Hinagis mo nalang bigla yung short tas nakatulog agad!"

Huminto ako sa paghahampas sa kaniya pero masama pa rin ang titig ko sa kaniya.

"Edi dapat ikaw naglagay!"

"Anong ako?! Hindi ako mahilig sa ganiyan mas gusto ko yung hinuhubaran!

Nanlaki ang mata ko at pinaghahampas uli siya.

"Yang bibig mo talaga walang preno! Bastos!"

"Aray! Nagsasabi lang ako ng totoo!"

Pinaghahampas ko siya pero natigil iyon, dahil sa gulat ay nabitawan ko ang hawak kong unan. Si ken naman ay bigla akong hinarangan.

"Owww naistorbo ko ata kayo hehe babalik nalang uli ako b-bye!" Agad na tumakbo papalabas si Josh

Ako naman ay namula at biglang tumakbo papalabas buti nalang at nabuksan ko na ang pinto sa unit namin kaya nakapasok agad ako don. Nakita ko naman si Trisha na naka-ayos na mukhang aalis na siya pero nakabusangot.

"Oh anong mukhaan yan?" wika ko

"Kainis kasi si Jan! Akala ko akin na yung greetings na yun hindi pala! para kay ange pala yun wrong send daw!"

"Sino namang nagsabing para sayo yon ha?!" pigil na tawang sambit ko

"Wala! Naalala ko na hindi pa pala kami okay buti nalang at hindi niya ko nakita kanina"

Agad naman niyang sinara ang maliit na maleta at itinayo.

"Ano nadiligan ka na ba?"

Taka akong tumingin sa kaniya siya naman ay tinarayan ako at nilagpasan para lumabas.

"Hindi ka nga nadiligan hays pero bakit naka panty ka lang? Sige bye na! Kasabay ko si Jane na uuwi"

Napatulala lang ako sa pinto at dun ko lang nagets!! Pashnea bastos!

Sandali umuwi na si Jan ah? Ano yun bumalik uli siya? Hays mga taong may sariling eroplano nga naman..

Naligo ako at nilabhan na rin ang damit baka kasi suotin pa niya sayang naman ganda kaya naalala ko na nasuot na niya toh eh.

Loh Updated gorl?

Kumakain ako ng may kumatok kaya tumigil ako at binuksan ang pinto baka kasi si Trisha may naiwan kasi siya at ako ay nagkamali, gusto ko mang isara ang pinto eh huli na kasi nakapasok na siya.

"Ginagawa mo dito keith?"

"Baket?! Hindi mo man lang ako namiss?"

"Oo nga hindi mo man lang ba kami namiss?" wika ni ken kapatid niya na kakapasok lang kasama niya si Felip hehe

"Hinde"

"Awts gege It's really hurt"

Nagulat ako ng tumugtog ang kanta at sumayaw silang tatlo, sa sofa sa lamesa at sakin.

"Ano ba!" ang weird nila!!

"Pwede na ipost sa tiktok dre! Gagi Lt si gin-gin" natatawang sambit ni Keith

"Posting.... Posted!" ngising sambit ni Ken kapatid niya

"Anong---" Agad na umalis ang dalawang magkapatid

OUR MEMORIES حيث تعيش القصص. اكتشف الآن