CHAPTER 9

158 14 0
                                    

"Sa Jollibee! Tinanggal namin dun kasi kumain kami!" Napa upo nalang ako at pinipigilang maiyak, maiyak dahil sa katangahan ko.

"Yeah here"

Napatingin naman ako sa tv at lalong nanlumo ng makita iyon.

"Buti ay naka shade kayo, nagtrending yan sa twitter at sa facebook trending ang kasweetan niyo" ngiwing wika ni Jan

"Here meron pa sa jeep kinwento nung babae ang nangyari, nabastos ka daw at niligtas ka ni Ken, namukhaan nila si ken pero ikaw hindi palaisipan na sa kanila kung sino ka at handa silang hanapin at guluhin ka katulad ng ginawa nila sakin" Sambit ni trisha

Ayaw kong mangyari iyon dahil 50/50 na sila nung nangyari yun...

"Hindi niyo kasalanan yun kung iyan ang iniisip mo, sila ang may kasalanan dahil hindi nila alam ang privacy, Pero sa susunod wag na kayo Mall"

Nagulat naman ako dahil biglang lumitaw si Ly na kakalabas lang sa kwarto.

"Oo nga, huwag ka ng lumayo kay ken dahil lang sa issue na yan kaya niyong lagpasan yan pero sa ngayon bonding muna tayo! Ikakasal na si Ly next week!" Sabat ni Angge

Pashnea netong mga toh parang mga multo biglang lilitaw tae.

Nagulat ako lalo ng biglaang nilapag si penny sa mesa.

"Bakit ba ang hilig niyong manggulat?" inis kong sambit

"Para magising na yang kaluluwa mong lutang!" wika ni penny

Napa-irap nalang ako dahil doon.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na lasing na lasing at nagsisiyahan!

Si Trisha na paikot ikot na tila tornado daw siya tae.

Si Penny na nagt-twerk na at panay kembot buti ay tulog na si jayjay kundi masisipa ko siya sa laswa ng sayaw niya.

Si Ly naman na panay ngiti at panay kwento sa mga nakakadiring kasweetan nila ni stell minsan nak-kwento na rin niya kung pano at saan nila nagawa ang triplets.

Si Jane namam ay bagsak na at nagmumukmok dahil hindi niya daw pinapansin si josh at panay layo niya daw rito.

Si Angge naman ay matiwasay na nakatihaya sa sofa wala bagsak na.

At ako? May tama na rin siguro ako eh hehe heto ako naka-upo sa lamesa at panay lagok ng alak.

"Bakit ba kasi ako lumalayo sa kaniya eh?" rinig ko sambit ni Jan

"Wala eh tanga mo beh" ngiwing sambit ko.

"Alam niyo ba kung naka ilang round kami ni---"

"Walang may pake ly shut up kadiri yang nilalabas ng bunganga mo"

Kahit na lasing ako eh nasa matinong lagay pa naman ako noh!

"I am Tornado! Swish! Swish!"

Napa-iling nalang ako sa ginagawa ni trisha at pinipigilang matawa dahil nakabangga niya si penny eh nagttwerk pa naman tae.

"Iw! Nagttwerk ako epal ka trisha! Let's twerk! Oh yeah!"

Lantod talaga ng babaeng toh.

"Ayan siguro pinang akit mo kay kalix noh?"

Natatawang tumango naman ito at pinagpatuloy ang ginagawa. Magsasalita na sana ako ng may padabog na nagbukas ng pinto kaya lahat kami ay napatingin doon.

"Asan yung asawa ko? Hala mahal anyare sayo? Anong ginawa mo mahal?" Natatarantang sambit ni Stell

"Kinwento niya lang naman kung paano niyo ginawa ang triplets naks naman wild ha" Ngising sambit ko

OUR MEMORIES Where stories live. Discover now