CHAPTER 10

163 15 0
                                    

"Stand by na po tayo, maya-maya po ay magstart na"

Inayos ko ang sarili ko at tumayo na.

"Just be honest okay? Kung hindi mo alam ang isasagot mo okay lang" pagremind sakin ng manager ko

"Opo, uhm yung lima? Sabi nila pupunta sila?"

"Iha diba sabi ko nagshopping sila?"

Oo nga pala! Tae naman oh! Tinotoo ng mga bruha!

Tumango nalang ako at pumunta sa back stage hinihintay na matawag ako, actually kanina pa nagsisimula, nauna ang esbi kaysa sakin.

"Let's all welcome Gnrous Santiago!"

Tuluyan ng bumukas ang nasa harap ko at nagsimula na kong ngumiti at kumaway.

"Hi!" Nakipag-beso ako kahit na kaplastikan lang naman ang iginawad ng host.

"How are you?" she asked

Umupo naman ako at inayos ang pag-upo.  Katabi ko naman ay si Justin pero may distansya.

"I'm fine" I smiled

"Is this true that you are officially stop to modeling?"

Narinig ko naman ang mga bulungan sa paligid ko, I think na-shock sila.

"Yeah"

"Why?"

Aba, oo nga pala host eh.

"I don't know why but My friends was stop na rin and I want to chill"

Sa walong taong pagiging modelo ay okay na siguro iyon? Ang bata ko pa nung nagstart ako,I think tama na yun.

"You have a plan now?"

Hindi ba na-oop ang esbi?

"Yeah, I want to manage the company with my friends and I want a bonding with my man, it's been eight years" Then I smiled.

"Seriously? Hindi ako naniniwala alam niyo na diba yung ibang lalaki hindi kayang maghintay ng walong taon, wala pa ngang taon naghahanap na ng iba"

Natawa naman ako na ikinagulat niya.

"Yeah yung iyo kasi iniwan ka eh noh? At hindi ka hinintay at nagpakasal bigla sa iba. Well that's karma"

"What? A karma? Oh no no!"

Napangisi naman ako dahil doon, ayaw niya Maniwala?

"Niloko mo siya diba? Oh nope! Dalawa ang niloko mo, nagpanggap kang single at nagpaligaw sa iba samantalang may boyfriend ka na pala tapos ginawa mo silang tanga pareho at hinayaang maghabol sayo, Girl hindi ka maganda okay? Kaya huwag mong ikatuwang ishare na madami kang naging ex dahil ang totoo niyan eh pinapamukha mo lang ang sarili mo na easy to get at tanga"

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at parang gustong manampal?. Nagsimula namang magbulungan ang mga manonood.

"Tapos dahil sayo nawalan ng ama ang inaanak ko, sinabihan mo siyang rapist eh napadaan lang naman siya dun sa spot ng paglalandian niyo ng kalandian mo Eh"

Pinipigilan ko ang sarili ko na masaktan ko siya dahil sa mga naalalang masasakit na nakaraan.

"Your father is a plotician right? Now I know kung bakit nakapasok dito at kung bakit pinatay ang kaibigan ko sa harap ng bahay namin"

F l a s h b a c k

"G-Gnrous"

Napatigil ako sa paglalaro kay lian at agad na pumunta sa pintuan para sana pagbuksan si Lui pero agad akong napatalon at napatili ng makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril.

OUR MEMORIES Where stories live. Discover now