06

1.8K 84 96
                                    





Weak

Hindi ako makapag-concentrate sa pag-re-review habang nasa library. Napakatahimik nang paligid at tanging ako lamang ang nasa dulong bahagi ng table. Mamaya kasi ay may quiz sa Legal Methods at kailangan kong ayusin ang pag-re-review. Hindi rin ako nakapag-aral kagabi nang maayos dahil sa sobrang pagod at antok.

Lagot na. Parang hindi lang 'yon ang bumabagabag sa isip ko...

Naitigil ko ang pagbabasa at tumingin sa suot na relo. Napabuntong-hininga ako at isa-isa nang ibinalik sa loob ng bag ang mga notebook na ginamit ko. 10 minutes na lang pala, magsisimula na ang third subject.

Sana wala ulit siya roon.

Pagkalabas ko ng library, napatingin pa ako sa hallway. Gusto ko sanang sawayin ang freshmen dahil tumatakbo ang mga ito. Isa sa rules na bawal tumakbo kapag nasa hallway, o kung saan mang daanan at maraming tao. Bukod doon, wala akong sapat na lakas para pagsalitaan sila kahit na Senior pa ako.

"Ba't kaya sila nagkakagulo?" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa mga ito pagkatapos ay hinayaan na lamang.

Nang makarating sa classroom, sandali pa akong natigilan matapos makitang hindi na bakante ang silya kung saan madalas nakaupo sina Manu at Matt.

Nandito na nga s'ya. Awtomatikong bumagsak ang balikat ko habang pinagmamasdan s'ya mula rito.

Unan ni Matt ang kan'yang bisig at nakaharap ito sa gawi ko habang nakapikit. Halata ang presko ng mukha nito dahil mukhang kakaligo pa lang. Si Manu naman ay hawak ang cellphone at naglalaro. Panay ang mura niya roon pagkatapos ay tatawa. Epekto ba 'yon ng alak?

Hindi sila pumasok kaninang first at second period. Buti na lamang ay walang recit na naganap at kung meron man, malaking puntos ang mawawala sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit wala sila kanina, pero dahil siguro sa party na nangyari kagabi.

May hang-over pa rin siguro sila...

Humugot ako ng hangin at lakas-loob na lumakad sa pagitan ng silya kung nasaan si Matt. Wala akong choice kung hindi dumaan doon. Nasa likod noon ang dalawa pang bakante ng upuan. Iyon na lamang ang natira.

Inilapag ko ang bag sa ibabaw ng table at nakahinga nang maayos matapos umupo. Nakapikit pa rin si Matt noong dumaan ako. Para s'yang bata kung matulog. Napakatahimik. Hindi naman ako nakita ni Manu dahil abala s'ya sa paglalaro.

Mabuti na lang.

Eh? Kumunot sandali ang kilay ko. Bakit ko ba iniisip 'yon? Bakit ako nababahala? Mabilis kong iniling ang ulo. Kinuha ko na lamang ang notebook at binasa ulit ang kaninang ni-re-review. Kailangan ko ulit na makapasa.

Mayamaya pa, dumating na rin ang professor namin sa naturang subject. Agad n'ya kaming pinaglabas ng index card para roon mag-quiz.

Umayos na rin naman ang mga kaklase ko. Nang makita kong luminga-linga si Matt, maagap kong itinaklob ang sariling buhok sa mukha. Napakagat ako ng labi dahil sa mga wirdong kinikilos.

Hindi naman ako ang nakagawa ng kasalanan pero bakit ako ang umiiwas? Mali ito, Mine!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Innocent Flower [Alluring Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon