02

1.2K 74 128
                                    

Meet

Gaya ng sinabi ni Matt, sinundo n’ya nga ako rito sa classroom. Pagkatapos kasi ng school fest ay naglinis kami ng mga ginamit naming space, pati na rin ang mga hiniram sa faculty. 

Alas kwatro na kami natapos at ngayon ay naglalakad na kami ni Matt papunta sa gym. Naiilang pa rin akong kasama s’ya at naramdaman n’ya ‘yon kaya isinama n’ya rin si Manu. Nasa gitna ako habang naglalakad kami. 

“Ayos ka na ba, Mine?” paninigurado ni Manu kahit ilang beses ko naman nang sinabi na okay lang ako. Higit tatlo na atang tinanong n’ya ‘yon. 

“Hindi ko kasi nakita, eh. Naging busy ako pag-e-entertain sa mga prof. Kung alam ko lang na binastos ka ng mga batang ‘yon, malilintikan sila sa ‘kin.” dagdag pa nito. 

“Ayos na nga. Mga bata kasi.” singit naman ni Matt. 

“Anong kulay ng uniform nila? T-shirt?” pag-uusisa ni Manu.

Kita kong nilingunan ni Matt ang kaibigan. “Hindi ko na tanda. ‘Di naman sila importante.” 

“Orange… second year college,” ako na ang sumagot. Nakatungo pa rin habang sinasabayan ang lakad nila. 

“Kaya naman pala. Mga gunggong talaga estudyante sa building na ‘yon. Hindi na ‘ko magtataka.” si Manu. “Walang wala sa mga third year, pogi na, malakas pa.” 

“Malakas ka lang. Hindi ka belong sa pogi,” sambit ni Matt. Parehas kaming natawa. 

“Mayabang ka!” hahampasin sana ni Manu sa balikat si Matt pero hindi n’ya ‘yon naabot. 

Ilang minuto lang ang nilakad namin papunta sa gym, at pagkarating ay nandon na nga ang limang lalaking iyon. May kasama pa silang isa na hindi namin nakita kanina. Anim na sila. 

“Nagsama ka pa talaga, duwag.” sabi noong lalaking lider nila. 

Hindi naman s’ya pinansin ni Matt at tinaasan lang ng kilay. Ito namang si Manu ay parang gustong suntukin ang lalaking ‘yon.

“Ano, g na. Wala ng warm up-warm up!” sabi nong isa na naka-undercut ang buhok. Bawal ‘yon, ah?

“Hapit ka, lods? Hinay, baka mamatay.” Simpleng saad ni Matt habang inaayos ang bag. Mayamaya ay lumapit s’ya sa likod ng stage at kinuha ang stool.

Tumigil s’ya kung nasaan ako at inayos ang tatlong silya na kinuha. 

“Upo ka muna, baka mangalay ka.” Sabi ni Matt sa ‘kin. “Wag kang mag-alala, mabilis lang ‘to. Makakauwi ka agad.” Ngumiti s’ya sa ‘kin bago harapin ang kabilang grupo.

Tinanguan ko lang naman s’ya. 

Pinaggigitnaan namin ngayon si Matt ni Manu, samantalang ang grupo naman nina Carlo ay kaharap namin. Narinig ko kanina kung ano ang pangalan n’ya. 

“Ikaw na pumili ng hero mo. Pasalamat ka may natitira pa kaming awa sa ‘yo.” Sabi noong Carlo. 

Nagsisimula na silang maglaban. Hindi ko alam pero kinakabahan ako kahit wala naman akong alam sa larong nilalaro nila. 

“Sigurado kayo?” napangisi si Matt, “I don’t have mercy to all minions like you.” 

“Gago ‘to, ah!” Napatayo sa kinauupuan iyong Carlo sa sinabi ni Matt, hinawakan naman s’ya ng mga kasama n’ya. 

“It’s a prank! Ito naman, init agad ng ulo. Guilty ka?” pang-aasar pa ni Matt. Hindi ko naman alam kung bakit natawa si Manu. 

Ano ba kasi ‘yung minions?

Innocent Flower [Alluring Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon