05

1.6K 85 132
                                    

Drunk

Napasilip din si Mama sa pinto at taka nitong tinignan ang bumabang si Matt. Nakasuot pa rin ito ng summer shorts pero kulay light gray na. Bumagay naman sa kan’ya ang simpleng bleak top n’ya. Nakaputi rin itong sneakers na pampaa. 

Ano kayang ginagawa n’ya rito?

“Sino naman ‘yang lalaking ‘yan? Akala ko ba ‘yung Manu susundo sa ‘yo?” tanong ni Mama, nasa tabi ko na pala. 

Nakagat ko ang pang-ibabang labi, “K-kaklase ko rin, Ma.” hindi naalis ang tingin ko kung nasaan sina Papa. Kinakausap n’ya si Matt. 

“Oh, eh, ba’t nauutal ka d’yan?” 

Doon na ako tuluyang napalingon sa kan’ya. Para kasing nang-aasar ang boses nito kaya agad kong inilingan si Mama. 

“Hindi po, Ma, ah.” inosente kong tanggi. 

Napanguso si Mama at kunyaring susundutin ako sa tagiliran. 

“Sus, gwapo lang, e.” 

“Mama…” 

“Sige na, pumunta ka na do’n. Baka mahuli pa kayo,” sabi ni Mama. 

Nagtataka pa rin ako’t hindi na s’ya nagtanong pa. Kinakabahan tuloy ako mamaya pag-uwi. Baka dito n’ya ako ratratin.

“Sige po, tito. Salamat po. I’ll try to be there po.” nagkamayan ang dalawa matapos ‘yong sabihin ni Matt.

Hindi ko naman alam kung anong pinag-usapan nila kaya napanguso na lang ako’t hinintay silang matapos. 

“’Nak, mag-iingat ka ha,” hinawakan ako ni Papa sa balikat pagkatapos ay nilingon si Matt. “Pogi, ikaw na bahala sa anak ko.” 

“Yes, tito. No worries.” ngumiti si Matt at kitang-kita roon ang ganda at puti ng ngipin n’ya.

 Modelo kaya s’ya ng colgate o kahit anumang toothpaste brand? 

Umalis na rin si Papa pagkatapos nilang mag-usap. Kumindat pa ito sa ‘kin matapos umalis kanina. 

“Sorry, ha? Nagulat ka atang ako sumundo sa ‘yo. Hindi na kasi maiwan ni Manu mga bisita n’ya, e.” paliwanag ni Matt na ikinagulat ko. 

Agad akong nagtunghay at umiling.

“Mm, huwag ka nang mag-sorry. Ako pa nga ata nakaabala sa ‘yo.” tumikhim ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko. “S-sorry.” agad akong nag-iwas ng tingin. 

Narinig ko naman ang pagtawa n’ya. 

“No. Papunta na rin naman ako kaya sabi ko ako na lang susundo sa ‘yo, pero…” napatigil s’ya kaya agad akong pumaling sa kan’ya. 

“Okay lang bang may kasama ako sa loob?” napakagat s’ya sa labi nang makitang pinanlakihan ako ng mata. “Pero, ‘wag kang mag-alala, ibababa ko rin ‘to. Malapit lang.” 

Umiling naman ako at itinanggi ang kamay. 

“Mm, ayos lang. Okay lang ‘yon,” nahihiya kong sambit. 

“Nice, sige. Tara na.” ani Matt.

Pakiramdam ko talaga nag-i-init ang pisngi ko. Hindi na naman ako mapakali. Bukod kasi na siya ‘yung mukhang namomoblema kung magiging komportable ba ‘ko, nahihiya rin ako dahil hindi naman kami ganoon ka-close. 

Binuksan nito ang likod ng kan’yang kotse. Sandaling dumapo sa ‘kin ang lamig galing doon. 

Bago makaakyat, nagulat pa ako nang hawakan n’ya ang siko ko para alalayang sumakay. 

Innocent Flower [Alluring Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon