03

1K 67 92
                                    

Removed

“Hey, Manu! Is that you?” 

Bumagal ang pagbaba ni Manu sa hagdan nang makita rin nito si Mrs. Engineer na galing sa kusina. Dala nito ang isang tray na may lamang dalawang baso ng tubig. Ang dalawa pa ay orange juice.

“Engineer, nandito ka rin pala!” natutuwang sambit ni Manu. 

Magkakilala rin sila? Pero bakit nga ba nandito si Manu? 

“Oh, yeah. We’re in half of our project. Why are you here? Wala ka bang pasok?” tanong ni Engineer. 

Tumungo na lamang ako at nakinig sa usapan ng dalawa. 

“It’s Saturday, Engineer. Wala pong pasok,” natatawang sagot nito. “By the way, si Tito?” 

“Nasa labas. Papasok na rin sila.” 

Teka? Sinong tito n’ya? Si Doc Manalo ba? 

“I see.” Tumigil si Manu sa paglalakad at naupo sa tabi ko. 

Sandali akong nagulat at bahagyang napaisod. 

“Hi, Mine! Ano’ng ginagawa mo rito?” he cheerfully asked. 

Nilunok ko muna ang laway kahit tuyot na ang lalamunan. “Ah…ano, si Papa kasi… s’ya ang Foreman ni Doc Manalo—“

“Ah, so, nagta-trabaho s’ya kay Tito? Foreman pala Papa mo?” 

Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil agad s’yang nagsalita. Tinanguan ko lang naman ito sa tanong at ngumiti. 

Tama nga. Tito n’ya nga si Doc.

“Do you know each other?” Mayamaya ay lumapit na si Mrs. Engineer, inabot n’ya sa ‘kin ang baso ng tubig. 

Nahihiya ko iyong kinuha. 

“Yes, Engineer. Kaklase ko.” si Manu ang sumagot. 

“Totoo ba?” 

Tumango na lang ako at nginiti ang mata dahil sumisimsim sa tubig. 

“Niligawan mo na ba ‘to, Manu?” bigla ay tanong ni Mrs. Engineer! Muntik pa akong masamid sa tanong n’ya. 

Natawa naman si Manu sa reaksyon ko. Gan’on din ang magandang babae. 

“Hindi, ah. Baka mabasted lang ako n’yan, Engineer.” pabirong sabi nito. 

“Ay gan’on? Wait, may boyfriend ka na ba, Hija?”

Sa ‘kin naman ngayon napunta ang tingin ni Mrs. Engineer. Nasa’n na ba si Papa? Bakit ang tagal nila roon? Nilunok ko muna ang tubig pagkatapos ay umiling. 

“Wala po…” pag-amin ko. 

“’Yon naman pala, eh!” tumingin s’ya kay Manu. “Oh, Manu. Hindi ka naman maba-basted. Walang sabit. Ligawan mo na! Ang gandang dalaga, oh.” 

Wala na ata akong itutungo para maitago ang sariling mukha. Gusto ko ng takluban ang sarili gamit ang buhok pero kahit anong galaw ay hindi ko magawa. Hiyang-hiya na ako sa usapan namin dito. Hindi ako sanay na ganoon ang pag-uusapan. 

“Engineer, take it slow.” tumawa si Manu. “Shytype si Mine. Baka mag-pass out ‘yan.” 

“Gosh, I’m sorry! Wala kasi akong anak, she’s really pretty and you’re handsome. Baka tipo n’yo ang isa’t isa. Ikaw nga ata ang sinasabi ni Doc na ilalakad dito kay—“ napatigil s’ya sa pagsasalita. “What’s her name again?” 

“Mine, Engineer.” 

“Hmm! You’re such a smoothass, Manu. What’s her name kasi?” 

Natawa si Manu sa kan’ya. “Mine nga, Engineer. Mine ang pangalan n’ya. Cute ‘no?” 

Innocent Flower [Alluring Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon