Prologue

3.3K 157 125
                                    

"Ano? Celebrate? Naririnig mo ba ang sarili mo, Sophia? Are you out of your mind?" nangangalaiting sigaw sa akin ni Mama sa harap ng hapag-kainan. Napayuko na lamang ako at pinigilan ang pagtulo ng namumuong luha sa aking mga mata. 

Tama nga naman si Mama, there's nothing to celebrate today. Ang tanga ko lang to hope that it'll be different this year. 

May next year pa, Sophia. Malay mo, it'll be special next year. 

"Ano? Iiyak ka na naman ba? Kilala mo si Mama, lalong magwawala 'yon kapag hindi ka umayos," palihim na bulong sa akin ni Kuya Nick na sinundan ng isang kudlit sa aking tagiliran. Palihim kong pinahid ang ilang likidong tumakas sa aking mga mata. Huminga ako ng malalim atsaka muling humarap sa hapag-kainan. 

Pinasadahan ko ng tingin si Mama, alam ko kung gaano siya kalungkot ngayon. Malungkot din naman ako. Sobrang lungkot to the point na hindi ko na alam kung anong magpapasaya sa akin o kung sasaya pa ba ako? 

Napagawi ang aking tingin sa upuan sa tabi ni Mama, bakante ang upuang iyon kagaya ng upuan sa kabilang dulo ng lamesa. Limang plato ang nakalagay sa ibabaw ng lamesa ngunit tatlo lamang kaming naririto at pinagsasaluhan ang pagkaing hindi rin naman namin mauubos dahil sa dami.

"Punyeta, nasaan na ba si Arturo? Mag-aalas syete na! 'Di ba, sabi ko tawagan mo. Puro ka na lang cellphone sa loob ng kwarto mo," muling sigaw ni mama sa akin. Sanay na ako sa ganitong turing ni mama sa akin. Sanay na akong makarinig ng mga maaanghang na salita galing sa kaniya ngunit 'yong puso ko, hindi. Pakiramdam ko ay tanging galit ang nararamdaman ni Mama tuwing nakikita niya ako. 

"Tinawagan ko na po si Papa. Pauwi na daw po siya, may dinaanan lang." Mabuti na lamang at nandito si Kuya. Kung nagkataon, baka kung ano-ano pang marinig ko mula sa bibig ni mama. Kahit ngayon lang sana, gusto ko namang matahimik ang buhay ko.

Kahit isang araw lang.

Natapos ang hapunang iyon nang ganoon na lamang. Kagaya ng isang normal na hapunan namin, galit na naman sa akin si mama, wala na naman si papa at tanging ang kalansing ng mga kubyertos lamang ang ingay na maririnig. 

Matapos kong hugasan ang aming pinagkainan, babalik na sana ako sa aking kwarto nang makita ko si mama sa sala. Hawak-hawak niya ang larawan ni Kuya James. Alam kong umiiyak siya dahil rinig ko ang mahihinang hikbi niya.

Si Kuya James ang panganay naming kapatid. Sinundan siya ni Kuya Nick at ako naman ang bunso. Sa aming lahat, si Kuya James ang paborito ni Mama. Graduate na sana ng kursong engineering si kuya kung hindi lang nangyari iyon. 

Ibinaba ni mama ang picture frame na kaniyang hawak nang marinig ang pagbukas ng pinto. Inayos niya ang kaniyang buhok at dali-daling pinahid ang mga luha sa kaniyang pisngi. Iniluwa ng pinto si Papa na  may bitbit na isang paperbag. 

Mabilis kong tumakbo palapit kay Papa at niyakap ko siya ng mahigpit. Pinigilan ko ang muling pagtulo ng aking mga luha dahil magagalit lang lalo si Mama kapag nakita niya akong umiiyak. 

"Ang higpit naman ng yakap na 'yon, anak. Kumusta na ba ang bunso ko? May regalo nga pala ang papa sa 'yo," wika ni Papa matapos kong kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya. Inabot niya sa akin ang dala niyang paperbag at natuwa ako nang makita ko ang laman noon. 

Isang necklace set ng Tala by Kyla!

Napangiti ako kay Papa dahil noong tinanong niya ako last week kung anong gusto kong matanggap sa birthday ko, iyon ang isinagot ko. Hindi ko inakalang ibibili niya ako noon. I mean, kaya ko namang bilhin iyon gamit ang sarili kong pera pero iba pala talaga kapag nanggaling kay Papa. Muli ko siyang niyakap dahil sa tuwa. 

"Happy Birthday, Pia!" nakangiting wika sa akin ni Papa atsaka marahang hinaplos at ginulo ang aking buhok. Napaayos ako sa aking pagkakatayo nang marinig kong muli ang sigaw ni Mama. 

Get Yourself a SakristanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon