Chapter 8: May the Best Sacristan Win (Part 1)

2.3K 121 106
                                    

Sophia's POV

"You don't have to give me things like this in return of what happened earlier, Ms. Vasquez. We're getting too much attention caused by your actions." 

Palabas na sana ako ng classroom nang matigilan ako sa paglalakad dahil sa boses mula sa aking likuran. I know that voice came from the 'Handsome Sacristan in Town', Ephraim. I'm also aware na ako ang kinakausap niya kaya't lumingon ako upang humarap sa kaniya. 

"Anong ibig mong sabihin?" nagmamaang-maangang tanong ko sa kaniya. I know it's about the energy drink na binigay ko kanina pero nagkunwari akong hindi ko alam ang tinutukoy niya. I don't want him to think na big deal ang bagay na iyon for me. Baka kung anong isipin niya. 

Atsaka, hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon. Maybe I'm just emotionally devastated at na-overwhelm ako sa small act of kindness na ipinakita niya sa akin kanina. That energy drink is just a token of gratitude. Bakit kailangan pa niyang gawing big deal iyon?

"Ah, the energy drink! You should have told me na ayaw mo. Andami mo pang sinabi. It only takes two word to say it, Ephraim. AYAW KO. Two words. Mahirap 'yon?" 

Hindi ko na napigilang sumagot nang pabalang sa kaniya sa mga sandaling iyon. He should have just accept that fvcking energy drink and throw it away kung ayaw niya talaga. I don't even received a thank you from him. Is that his own version of expressing gratitude. How insensitive!

After hearing my words, tila nabigla siya. Hindi siguro niya inasahang ganoon ang isasagot ko sa kaniya. Well, I ain't a saint. Hindi sa lahat ng oras ay mabait ako. I also have this bitchy attitude just like any other normal kid has. Pagod ako emotionally at napagod ng utak ko sa tambak na math problems na pinasagutan sa amin kanina. I just want to sleep. 

Magsasalita pa sana siya nang agad kong kinuha ang energy drink na nasa kamay niya at naglakad papunta sa pinakamalapit na basurahan. Itatapon ko na sana ang bagay na iyon nang pigilan niya ang braso ko. Gamit ang isa niyang kamay, inagaw niya sa akin ang energy drink.

"I never mentioned a thing about not liking the drink you gave me," seryosong wika niya atsaka binuksan ito upang inumin. Eh ano pala ang gusto niyang sabihin? Andaming arte. Iinumin rin naman pala. 

"You're welcome, Mr. President. Now if you please, kailangan ko nang umuwi. Puwede na?" Nakataas pa rin ang kilay ko habang kinakausap siya. Hindi ko alam kung bakit bigla-biglang nagbago ang mood ko ngayong araw. Mukhang magkakameron na ata ako. 

The thing I really hate about being a girl is having a monthly period. Bukod sa takot ako sa dugo, hindi ko kayang i-handle ang mga menstraul cramps na kaakibat ng buwanang dalaw ko. 

I started walking outside the classroom at hindi ko napansing nasa likuran ko na pala ang abnormal na sakristan slash president ng student council namin. Nagkunwari akong hindi nararamdaman ang presensya niya at sinumulang lakihan ang ginagawang paghakbang. 

Nilakihan niya rin ang paghakbang na ginagawa niya upang masabayan ako. Dahil mas mahaba ang mga binti niya kumpara sa akin, mabilis naman siyang nakasunod at magkasabay na kaming bumababa ng hagdan ngayon. 

Wala na akong nagawa kun'di ang hayaan siyang sumabay sa aking paglalakad. Hindi ko na lamang siya kinausap at nagpatuloy ako sa pag-arteng wala siya sa tabi ko. It's better this way. mainit ulo ko ngayon huwag siyang sumabay. 

"By the way, where's your friends? Hannah and Lisa? Am I right? Hindi mo ata sila kasabay ngayon," wika ni Ephraim na bumasag sa katahimikan nang hapong iyon. I've got no other choice but to answer him. "Something came up kaya nauna na silang umuwi. Besides, their names are Hazel and Ayessa not Hannah and Lisa. Another thing, kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa mga nakakasabay ko umuwi?" 

Moments of silence followed my statement that time. Tunog assuming na ata ako pero wala akong pakialam. I just answered his question. 

Nakalabas na kami ng building nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala kaming choice kun'di ang bumalik sa school building. Kapag minamalas ka nga naman. Naiwan ko ang payong ko sa bahay. 

Bihira ko iyon dalhin sa school dahil palagi na lang ako nawawalan ng payong. Last time na nawala ang payong ko, galit na galit sa akin si mama. Alam niyo naman, mga anak niya 'yon kasama ng tupperware. Ngayon, hindi ko na alam kung paano pa ako makakauwi sa lagay na ito. 

Tila walang planong humupa ng ulan kaya umupo muna ako sa hagdanan habang pinagmamasdan ang malakas na pagtulo ng ulan sa lupa. Unti-unti nang nilalamon ng dilim ang liwanag. Mukhang gagabihin pa ata ako rito.

Lumingon ako sa paligid ngunit hindi ko na muli pang nakita si Ephraim. Saan kaya nagpunta ang isang iyon? Hindi ko rin alam. Teka lang, bakit ko ba siya hinahanap? 

Tatayo na sana ako upang magpunta sa cr dahil ichecheck ko kung may dalaw na ba talaga ako nang biglang kumidlat at kumulog nang malakas. Bumalik ako sa pagkakaupo at nanginginig na niyakap ang dalawa kong hita. Namalayan ko rin ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. 

Takot ako sa kulog at kidlat!

"P-papa... May kulog at kidlat," humihikbi kong bulong habang tinatakpan ng dalawang kamay ang magkabila kong tainga. Nakapikit ako dahil sa takot at sumisikip na ang dibdib ko. 

Mayamaya ay naramdaman ko ang isang braso na yumayakap sa akin. Habang patuloy ako sa pag-iyak, marahang hinahaplos ng taong nakayakap sa akin ang aking likod upang pakalmahin ako. Hindi ko batid kung sino ang taong ito pero nakayakap pa rin ako sa kaniya dala na rin ng takot ko. 

"Ssshhh. Huwag ka na matakot. Nandito ako. You never have to face the thunder and lightning alone. You have me." 

Lalaki ang pinanggagalingan ng boses na iyon. Ibig sabihin ay lalaki ang nakayakap sa akin ngayon. Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko habang hindi pa rin kumakalas sa yakap niya. Nang magtagpo ang mga mata naming dalawa, ngumiti siya sa akin bago tuluyang inalalayan ang ulo ko upang isandal sa dibdib niya. 

I never thought he'll be here for me. This man hugging me tight, carressing my back to stop me from crying is no other than Jethro Felipe, the sacristan who saved me that night. 

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Get Yourself a SakristanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon