Chapter 1: Lord, Ampopogi Naman Po!

2.2K 123 136
                                    

Sophia's POV

It's Sunday and guess what? Kailangan kong gumising nang maaga to attend the mass. Makadiyos? Banal? That ain't my thing. Kailangan naming magsimba as a family dahil kay Mama. Kailangang makita ng mga tao na isa kaming 'one big happy family' kahit hindi naman.

Well, technically, we really are one big happy family, noon. Noong mga panahong buhay pa si Kuya James. Pero siyempre, iba na ngayon. As I've said, nagbago ang takbo ng mundo namin after that incident.

"Ano, Sophia? Paghihintayin pa ba natin ang Diyos? Don't tell me, nagsusuot ka pa ng gown," rinig kong sigaw ni Mama mula sa sala.

"Bababa na po," maikling tugon ko. Inayos ko na lamang ang aking sarili atsaka nagmadaling lumabas ng kwarto. Ayoko nang makarinig ng kung ano-ano dahil magsisimba kami ngayon. I don't want my Sunday morning to be ruined.

Naabutan ko sa baba si Mama at Papa na nakaupo sa sala. Isang simpleng polo at pantalon lamang ang suot ni Papa ngunit pogi pa rin siyang tingnan kahit nasa 40's na siya. Sino pa bang ibang pupuri kay Papa kun 'di ang anak niya.

Kidding aside, may itsura talaga si Papa. Sa kaniya ko namana ang aking may katangusang ilong at mapupungay na mata. Lapitin ng chicks 'yan noong araw kaya isa sa palagi nilang pinag-aawayan ni Mama noon ay ang mga bakat ng lipstick sa kuwelyo ng polo ni Papa.

Si Mama, katulad ni Papa ay nabiyayaan din ng magandang mukha. Hindi masasabing nasa 40's na rin siya dahil sa suot niyang simpleng white dress na bumagay naman sa kaniya. Sa kaniya ko naman nakuha ang aking kutis na halos sing-puti na ng bagong toothbrush na ngipin.

Nang makababa na ako ng hagdan ay nagmano ako sa kanilang dalawa ngunit si Papa lamang ang tumanggap sa kamay ko. Noong aabutin ko na ang kamay ni Mama, iniiwas niya ito atsaka nagwika, "Tawagin mo na ang Kuya Nick mo. Anong oras na. Kanina pa tayo dapat nasa simbahan."

Konsehal si Mama sa bayan namin at nagbabalak siyang tumakbo bilang Mayor sa susunod na halalan kaya hangga't maaari, kailangan niyang ipakita sa taumbayan lahat ng natitirang magandang imahe niya sa katawan. Kasama na rito ang palaging pagdalo sa mga misa kasama kami. Sabi niya, kailangang makita ng mga tao na isa kaming huwarang pamilya.

Pampabango ng pangalan. Well, that's how politics works.

Kahit hindi ko gustong magsimba, I am forced to attend the mass. Don't get me wrong. Hindi naman sa hindi ko talaga gustong umattend ng misa. It's just ayoko lang na umattend ng misa without my will. Umattend ng misa dahil napilitan. Wala din. Ni hindi sapat ang ligtas points mo to reach the heaven's gate kung ganoon.

Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Kuya Nick sa kaniyang kuwarto nang magulo ang buhok at kasalukuyang nagbubutones ng kaniyang suot na long sleeves. Kung ako, kamukha ko si Papa, si Mama naman ang kamukha ni Kuya Nick. Malaki din ang katawan nito dahil sa kakabasketball kasama ang mga tropa niya. Kagaya ni Papa, lapitin din ng chicks si Kuya.

Ilang beses ko na bang nahuli si Kuya na nakikipagchukchakan sa part at may palihim na dinadalang babae sa kwarto niya kapag may lakad si Mama? Hindi ko na mabilang gamit ang mga daliri ko sa kamay at paa.

Akala ko ay pagagalitan din ni Mama si Kuya kagaya ng ginawa niya sa akin kanina dahil mahuhuli na kami sa misa ngunit hindi. She even helped Kuya in fixing his hair. Well, sanay na ako sa cold treatment ni Mama sa akin pero siyempre umaasa pa rin ako na mapatawad niya ako at bumalik kami sa dati. Close kami dati pero ngayon, parang hindi na niya ako anak.

"Oh, ayan. Ang pogi talaga ng anak ko. Pakiss nga si Mama," paglalambing ni Mama kay Kuya Nick matapos niyang ayusin ang butones ng long sleeves nito.

"Akala ko ba nagmamadali tayo, tara na. Kanina pa tumutunog ang kampana ng simbahan. Baka wala na tayong maabutan," singit ni Papa sa usapan nang mapansin niya akong nakatitig kayna Mama at Kuya Nick kanina.

Get Yourself a SakristanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon