Chapter 4: When a Sakristan Sits in a Class

1.4K 90 28
                                    

Sophia's POV

"Anong nangyari? Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" tanong sa akin ni Alyssa nang makita akong nagmamadaling pumasok sa classroom namin at dumiretso sa upuan ko. Yumuko ako sa desk at itinaklob ko sa aking ulo ang aking bag. 

"May ginawa ka naman sigurong kahihiyan kaya ka nagkakaganiyan, 'no?" natatawang tanong sa akin ni Hazel habang pilit na tinatanggal ang bag na nakatabon sa akin. "Nauna lang ako ng saglit sa 'yo, ano na namang ginawa mo?" dagdag pa ni Hazel. 

Pinili ko na lamang na hindi siya sagutin. Hindi pa tuluyang naaabsorb ng kakarampot kong braincells ang mga nangyari. Bakit ba kasi laging nakabuntot sa akin ang kahihiyan? Kahit saan ako pumunta, lagi ko na lang nasasangkot ang sarili ko sa mga nakakahiyang pangyayari.

"Haisst! Nakakainis!" sigaw ko habang nakayuko pa rin sa ibabaw ng aking desk. Nagpapapadyak pa akong paa ngunit agad akong natigilan nang marinig ko ang isang pamilyar na tinig mula sa nagsasalita sa unahan. 

Imposible namang si Sister iyon kasi boses lalaki ang nagsasalita. Hindi kaya, nagpatransplant na si Sister? Napatakip ako ng bibig dahil sa aking naisip ngunit agad ko namang kinurot ang aking sarili nang mapagtantong wala na naman ako sa maayos na pag-iisip. 

"As you can see, Sister Fatima in not around today and the following week," wika ng lalaki na sa unahan. Malakas na sigawan ang pinakawalan ng mga kaklase ko dahil wala si Sister ng isang linggo. Well, ako rin naman ay nagcecelebrate. Mas obvious nga lang magbunyi ang mga kaklase ko. Tila nainis naman ang nagsasalita sa unahan dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Rinig ko ang malakas na kalabog na siyang nagpatigil sa ingay ng silid sa mga oras na 'yon. 

Dahil curious ako kung sino man ang nagsasalita sa unahan, dahan-dahan akong sumilip sa ilalim ng bag na nakatabon sa ulo ko. Nang masilip ko pa lamang ang puting sapatos at jogging pants nito, para akong sinabuyan ng malamig na tubig. I'm dead! 

"But as the president of the student council, this worst section of yours is handed over me by the faculty. And I don't tolerate such unnecessary behaviors like throwing a pouch in someone's head as well as those who don't show respect when there's someone talking here in front," matigas at may otoridad na wika ng lalaki.

Dahil sa kaba at takot ay agad akong napaayos ng upo ngunit hindi ko pa rin inaangat ang aking ulo dahil base pa lamang sa mga sinabi niyang patama sa akin, kompirmadong siya ang sakristan na nakabangga sa akin noon. Napakaliit naman masiyado ng mundo para paulit-ulit ko siyang makita. 

Alam kong nakatingin siya sa akin ngayon habang sinasabi ang mga salitang iyon. Ako ang pinariringgan niya. 

"Temporarily, I will join you here  even if I don't like to be in a classroom where notorious students like you belong. If it weren't Sister Fatima, I would decline this request," dagdag pa niya na siyang ikinataas ng kilay ko. Alam naman naming kami ang isa sa pinakamahirap i-handle na section sa paaralang ito pero hindi niya kailangang sabihin ng ganoon sa harapan namin. 

Ni hindi man lang siya nagpakaplastik kahit isang linggo lamang. Well, sakristan nga pala siya. Alagad ng Diyos kung kaya't bilang sa mga daliri ang pagkakataong magsinungaling o magpanggap. Pero kahit na, medyo masakit pa rin ha. He should have be more sensitive. 

Kumuha siya ng isang upuan at umupo siya sa harapan ng classroom namin. Ibinaba niya ang kaniyang suot na bag atsaka kinuha ang isang libro mula doon. Binuksan niya ang libro atsaka nagbasa sa harapan ng mga estudyanteng tila naputulan ng mga dila. Tanging tunog ng electric fan ang naririnig sa buong silid. 

Ang ilang kaklase ko ay hindi pa rin makapaniwala at nakatingin lamang sa kaniya habang ineenjoy niya ang katahimikan habang nagbabasa ng isang libro. Sa sobrang pagkawili niya sa binabasa ay tila nakalimutan na niyang naka jogging pants lamang siya. Nakabukaka siya sa harapan ng buong klase at ang kaniyang tweety bird ay bakat na bakat sa kaniyang suot. 

"Oy, tingnan mo 'yong ano ni pres. Bakat! Ang laki."

"Basta talaga sakristan, daks!"

Nagsimula nang magbulungan ang mga babae sa unahan ko. Ngunit hindi ko naman sila masisi, ang laki nga! Mukhang namali ako ng tingin kanina. Binabawi ko na 'yong sinasabi ko kanina na maliit 'yong ano... Basta! 

Nang makarinig ng bulungan ang lalaking iyon, bahagya niyang ibinaba ang librong binabasa at tiningnan ng masama ang mga nagchichicmisan sa loob ng silid. Nakakatakot ang mga tingin niyang iyon. Para siyang mangangain nang wala sa oras. Puwede kaya ako magpakain? Charot!

Natapos ang buong maghapon namin nang ganoon na lang. Mukhang nakatapos siyang magbasa ng isang libro habang kami ay tahimik na nakatingin sa kaniya. Sa unang pagkakataon ay natahimik ang buong Section 10. Hindi ko akalaing isang estudyante lang din ang magpapatiklop sa amin. 

May araw din sa akin ang Ephraim na 'yan. 

Itutuloy...

Get Yourself a SakristanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon