Chapter 5: Don Marcelo Laveste

21 3 0
                                    


[Chapter 5]

Gusto kong malaman ang lihim ng pamilya ko. Lahat ng mga kasamaan na pinaggagawa nila. Gusto ko rin na managot sila sa batas. Pero ngayon na nalaman ko na maaaring nasa panganib ang buhay ko dahil sa pagpasok ko sa Laveste School, parang natakot ako. Kinakabahan ako sa larong sinasabi ni Tens. Sinabi din niya na hindi ako pwedeng magtiwala sa kahit kanino.

Kahit sa kaniya.

Nakakatawa lang. Parang walang katotohanan ang mga pinagsasabi niya.

Umiling ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung kailangan kong pagtuunan ang mga sinabi ni Tens. Madami na akong iniisip.

Bumaba ako ng kotse at naglakad papasok ng bahay.

Kanina ko pa iniisip kung nasabi ba ni Tens sa pamilya ko ang tungkol sa nangyari kay Sean. Especially to my grandfather. O baka naman...

...may alam sila.

Napairap ako sa kawalan dahil sa naisip ko.

Tsk! Knowing my family, posible na alam nga nila ang nangyari. Worse, it's one of their illegal business. Hindi na ako magugulat. Mas magagalit, oo. Mas malala pa ang mga nauna kong nalaman noon.

Sanay na sanay na ako.

Hindi na rin ako magugulat, isang araw malaman ko na lang na naka-drugs sila.

My driver opened the door for me. Seryoso lang akong pumasok sa loob. Ni ngumiti lang bilang pasasalamat ay hindi ko ginawa. Lahat ng maid na nakakasalubong ko ay yumuyuko bilang paggalang sa akin.

Aakyat na sana ako papunta sa kwarto ko pero napatigil ako. Someone's back caught my attention. He's talking with out mayordoma in our kitchen.

Hmm...

What is he doing here?

I shrugged and continued my walk. Whatever he's doing here, I don't care. May inis akong nararamdaman sa kaniya for not answering all my fucking questions.

I walked towards my bedroom. Malakas kong isinara ang pinto ko at pabagsak na humiga sa kama ko.

Minute later, I'm enjoying the softness of my mattress when someone knocked in my door. Four times. I rolled my eyes and ignored it. Seriously? Four times? Argh! It's annoying. I heard another three knock. I ignored. Two knock. I ignored again.

My brow knitted. Bakit parang binabawasan niya ang pagkatok niya? Hmm... sana lang hindi isa sa pamilya ko ang kumakatok. Because if not, I will surely get scolded again.

THEIR time is so precious.

Kahit ako, na part ng family nila, hindi pwedeng sayangin ang oras nila.

Again, I heard another one knock. Hindi ko ulit pinansin at nanatiling nakadapa sa kama ko. Duh, hindi naman iyon naka-lock.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ko kaya nagtulog-tulugan ako.

"Hey Emerald." he called my name.

Kunot noo akong umupo mula sa pagkakadapa ko at tumitig sa kaniya. He's now sitting in my mini sofa inside of my room.

"What the hell Tens!" I screamed. "Who gave you permission to enter my room, huh?!" I added.

Ngumisi lang siya sa akin. Ah, ignoring my anger. Sinong hindi magagalit? Room is everyone's privacy.

"Why? You're hiding something? Someone?" nakangisi pa rin niyang tanong sa akin. Inilibot niya ang kaniyang tingin sa kabuuan ng kwarto ko. Lalo na sa banyo.

Trust No OneWhere stories live. Discover now