Chapter 20: Sisihan at kamatayan

13 3 3
                                    


[Chapter 20]

THIRD PERSON'S POV

Tumayo si Emerald at lumipat sa ibang upuan dahil nangangawit na ito kakaupo. Nakakulong silang anim sa silid ng seksiyon D sa buong araw. Mula kaninang umaga ay paikot-ikot lamang sila dito sa loob at palipat-lipat ng upuan. Nakakangawit at nakakabagot.

Muling tumayo si Emerald at lumapit sa salamin na bintana. Tinanaw niya ang labas at madilim na. Nakabukas na rin ang ilang mga ilaw na nagbibigay liwanag sa buong paligid ng paaralan. Asahan man nila na may mapadaan na tao para makita sila ay malabo iyon. Bukod sa hindi nila mapapansin na may estudyante pa sa loob ng paaralan at ikinulong, tinted din ang salamin sa bintana ng bawat silid. Malawak din ang Laveste School at sarado na rin ang mga gate.

Kung susubukan naman nila na sirain ang bintana, sigurado na walang mangyayari. Magpapagod lang sila dahil sa kapal nito. Dilikado rin ito kung dito sila bababa at tatakas.

Mula sa isang ilalim ng puno ay may nakatanaw sa kanilang silid na isang dalagang balot na balot ng itim. Isang ngisi ang sumilay sa kaniyang labi bago ito tumalikod at lumapit sa pader. Lumabas ito gamit ang maliit na butas sa ilalim ng napakataas na pader at nagawa niya ito nang walang kahirap-hirap.

Sa ikatlong palapag ay naroon naman ang dalawang lalakeng armado at isang babae habang naglalakad sa kahabaan ng pasilyo. Patungo sila sa kinaroroonan ng mga estudyante na kanilang ikinulong sa kanilang sariling silid-aralan.

Sobrang tahimik ng paligid. Tanging mga kuliglig lamang ang nag-iingay at nilalasap ang kaginhawaan na dala ng gabi. Tila kapayapaan ang namamayani ngunit ang totoo ay isang panganib.

"Nagawa niyo ba ang iniutos ko?" tanong ng babae na si Aira Domingo sa kaniyang dalawang kasama.

Mabilis naman na sumagot ang isa sa mga lalake sa takot na magalit ang kanilang amo. "Opo, napatay na namin siya. Naipadala na rin namin siya sa basement upang maasikaso." tugon nila.

Si Aira Domingo na hindi niya tunay na pangalan ay may malaking koneksiyon sa pamilya Laveste. Nagbabalat-kayo ito bilang isang guro upang magawa ang kaniyang hangarin. Ang kaniyang sariling hangarin. Higit pa sa isang tauhan ng pamilya Laveste si Aira kung kaya ay pinoprotektahan siya ng ibang mga tauhan.

Mahalaga si Aira sa pamilya Laveste dahil sa nag-iisang bagay. At tanging ang pamilya Laveste lamang ang nakakaalam sa tunay na posisyon ni Aira sa laro maliban kay Emerald.

"Ang utos ni BL, iisa-isahin natin sila," paalala ni Aira sa kaniyang mga tauhan. Tumango-tango naman kaniya ang mga huli at muli silang nagpatuloy sa paglalakad.

Kaagad na binuksan ni Aira ang pintuan ng silid na kinaroroonan ng mga estudyante kasama na roon sina Emerald at Tens na dapat ay iginagalang nila. Dahil dito ay nagulat ang anim na estudyante sa loob at mabilis na napalayo mula sa pintuan. Maliban kay Jewel na mas lumapit pa sa pintuan at hinintay na mabuksan ito.

Deretsong pumasok ang tatlo na galing sa labas at mabilis na lumapit ang dalawang tauhan na kasama ni Aira sa estudyanteng si Jade. Nagulat ang huli at pilit nagpumiglas at nagsisisigaw pero wala siyang laban sa dalawang lalake na nakahawak sa kaniya. Humihingi Ito ng tulong sa kaniyang mga kaklase ngunit nanatiling tahimik ang mga ito at humakbang pa palayo sa kanila. Mas nananaig ang takot sa kanila kaysa ang awa at konsensiya.

Pilit hinila ng dalawang tauhan si Jade palabas ng silid at dalhin ito sa lugar kung saan nakahanda na ang laro para sa estudyante. Bago pa man makasunod sa kanila si Aira at mabilis siyang pinigilan ni Jewel na kanina pa hindi mapakali. Ipinagtakha Ito ng kaniyang mga kaklase ngunit hindi na lamang sila nagtanong at hinintay ang kaniyang gagawin.

Trust No OneWhere stories live. Discover now