Kabanata 30

25 6 6
                                    


He chuckled. I hate him. Kung pwede ko lang siyang sipain palabas ng restaurant ko, nagawa ko na. Pero ayokong makita ng ibang customers 'yon. At ayokong lalong masira ang araw ko ng dahil sakanya. He's not worth it.


"What? Hindi ba ikaw 'yon? Ikaw yung magaling makipag lokohan? Turning the tables now, Miss Gomez?"


I gritted my teeth. Ang kapal kapal talaga ng mukha niya. Gusto ko siyang sigaw-sigawan hanggang sa mabingi siya at lumabas na siya sa restaurant ko.


"Fuck you, Mariano." sabi ko sa kanya.


Pagkatapos nang ginawa nila sa pamilya ko, magpapakita siya ngayon na parang walang nangyari?! At ano daw? Ako? Magaling makipaglokohan?! Eh, saksakan naman pala talaga ito ng gago!


Sisigawan ko na sana siya nang mapansin na may ibang mga customers ang napapatingin na sa'min. Sobrang hayop niya. Sila. Sila ang mga manloloko.


"Get out of my restaurant. I don't have time for some asshole like you." sagot ko at saka naglakad palayo sa kanya. I heard him chuckled, like he's unbothered after all.


Sinarado ko ang pintuan ng opisina ko at padabog na naupo sa upuan. Nakakabwiset! Hindi ako makapaniwala na hinanap ko siya sa loob ng tatlong taon! At nung hindi ko na siya hinanap saka lang siya lalabas?


Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mom. "Hello? Mom? I have a good news. I found him. I found Mr. Mariano's son. Madali na lang sa'tin ang mahanap rin ang Papa niya."


Hinintay ko ang sagot ni Mom, pero tanging buntong hininga lang ang narinig ko. Samantalang dati, ay hamit siyang makarinig ng balita about sa mga Mariano.


"Just get away from him, anak." sagot sa akin ni Mom.


"What?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Mom, hindi naman ako makikipag friends sa kanya. Pero ngayon na nakita ko na siya, masisingil ko na siya sa ginawa nila sa'tin. Ang laki ng ninakaw nilang pera, plus sinaktan pa nila si Dad. We can still sue them."


"Makinig ka na lang sa'kin Jairash."


"Are you scared na hindi ko kayang labanan ang lalaking 'yon? Mom, I can. Nasa tama tayo."


Pero imbis na makakuha ng sagot ay binabaan niya lang ako ng telepono. Kinuha ko ang purse ko at lumabas ng opisina. I need to talk to Attorney. Baka mamaya makatakas na naman ang lalaking 'yun.


"Jairash Gomez." sabi ko sa nasa front desk. Pinapasok na niya ako sa loob ng opisina ni Attorney.


"Long time no see, Jairash. Hindi ko alam na nakauwi ka na pala?" bati niya sa'kin.


"Yes, Attorney. And of course, hindi ako pupunta dito kung hindi mahalaga ang sasabihin ko. My seconds is gold."


Unwavering Warmth (COF Series #3)Where stories live. Discover now