Kabanata 33

32 6 2
                                    


Maaga akong pumasok. Hindi pa kami open pero nandito na ako kaagad. Samantalang dati, tanghali pa ako pumapasok. Nagkabalikan na si Kael at Gab. Kaso, umalis naman si Kael papuntang Africa.


Si Selene naman, umalis papuntang Spain. Isang taon ko na rin hindi nakikita si Jace, huling kita namin ay nung dumalo ako sa pag alala sa death anniversary ni Chef.


Tamang liked lang kami sa posts ng isa't isa sa facebook at instagram. Hindi rin naman namin chinachat ang isa't isa. Okay na din ulit si Mom, ngayon magkasama sila ni Roro sa Canada. Nagbabakasyon doon si Roro, dito pa rin kasi niya pinili mag-aral. Mag-isa lang tuloy ako sa condo.


"Magandang umaga!" nagulat naman ako nang biglang pumasok si Rence sa opisina ko.


Umupo siya sa sofa habang hawak ang dalawang papel.


"Ano na naman?" sagot ko sa kanya. "Working hours, hindi ka ba marunong tumingin ng oras?"


He laughed. Binato niya pa ako ng niyupi niyang papel. Malawak ang ngiti niya habang may paghawi pa ng kanyang buhok.


"Mag-ayos ka ng gamit mo, aalis tayo." aniya. "Bawal tumanggi, ang mahal ng tickets!"


Tumayo ako at inagaw sa kanya ang papel na hawak. Dalawang plane ticket papuntang France. Ano namang gagawin namin 'don? Hahanapin ang love of his life?!


"No way," sagot ko kaagad. "Busy ako. Kung gusto mo si Nhicko ang ayain mo."


Bumalik na ako sa table ko. Akala ko naman importante. Kung makapagyaya siya parang sobrang bilis lang pumuntang France. Parang sasakay lang ako ng jeep tapos after 20 minutes nasa France na ako.


"Sure ka hindi ka sasama? Wala nang atrasan," sabi naman niya habang binabalik sa bag ang hawak na tickets. "Sayang nandun pa naman si pareng Jace. Alam mo na konting catch up lang kame."


Umirap naman ako sa kawalan. "You asshole."


Humalakhak naman siya na parang isang baliw. Tumayo siya at nilagay sa table ko ang plane ticket. Tinitigan ko kung totoo nga 'yon, best prankster pa naman ang hayop na 'to.


"Time check, 3:30 pm. 7pm sharp flight. It's now or never, Jairash."


Naghihintay ako dito sa waiting area kay Rence. Totoong gusto kong makita si Jace. Hindi ko alam, ako na ang ata ang pinaka patay na patay sa'ming tatlo nina Gab! Hindi ako makapaniwala na sa dami kong advice sa kanila, ako pala itong hindi makamove on move on!


"Tagal mo naman! Saan ka ba galing?!" tanong ko pagdating ni Rence.


"Chill, bumili lang ako ng," bumulong pa siya sa'kin. "Condom." sabay halakhak niya.


Kumunot naman ang noo ko at pinaghahampas siya sa balikat. "Anong condom?! Saan mo gagamitin 'yan?! Sinasabi ko sa'yo baka kung sino sino lang patulan mo 'don, nakakabwisit ka!"

Unwavering Warmth (COF Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon