Kabanata 31

27 8 10
                                    


"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko. Para akong isang sako lang at mabilis na naisakay sa sasakyan niya. Mabilis na nakapasok agad siya sa driver seat.

Pilit kong binubuksan ang pinto pero nilolock niya ito. Mabilis na pinaandar niya ang sasakyan. Napakapit ako sa sobrang bilis.

"Balak mo bang magpakamatay?! Pwes, 'wag mo kong idamay!" sigaw ko na naman sa kanya. "Fuck you, Mariano! Rot in hell!" sigaw ko pa.

"Ang bastos na talaga ng bunganga mo!" sigaw naman niya sa'kin.

Hinubad ko ang sapatos ko at saka binato siya. Natamaan naman siya sa mukha. Wala akong pakialam kung masaktan siya, basta bababa ako dito. Hindi ako sasama sa katulad niyang gago.

"Bakit? Kikidnapin mo ako?! Ha? Tapos ano? Hihingi kayo ng ransom sa Mom ko?! Bakit? Naubos niyo na ba lahat ng pera na ninakaw niyo sa'min?!" sigaw ko na naman sa kanya.

Bigla siyang nag brake at dahil hindi ako naka seatbelt, tumama ang ulo ko sa unahan. Napapikit ako sa sobrang sakit. Nilingon ko siya at seryoso lang ang mga mata niyang nakatingin sa daan. Tangina, nasaktan ako!

"Bababa ako." ani ko. Pero hindi niya pa rin binuksan ang pinto. "Hindi mo ba narinig? Sabi ko, bababa ako!"

Pinaandar niya ulit ang sasakyan. Hindi na kasing bilis nung una, pero hindi rin naman mabagal. Tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay. Bumaba siya at binuksan ang pintuan sa side ko.

"Labas." utos niya sa akin.

Mabilis kong hinila ang pintuan pa sara at saka inilock ito. Lumipat ako sa driver seat. Stupid asshole, nandito pa ang susi. Pinaandar ko ang sasakyan niya. Rinig ko ang pag mumura niya.

Agad kong inapakan ang brake nang humarang siya sa gitna. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya sa harapan ng kotse. Inalis ko kaagad ang seat belt at bumaba. Lumapit ako sa kanya at sinuntok ang dibdib niya.

"Are you fucking stupid?!" sigaw ko sa kanya. "Napaka tanga mo! Can't you see?! Na ayoko na makita ka! Kaya pwede? Lubayan mo na 'ko?!"

Nanatili lang siyang nakatayo doon. Paano na lang kung hindi ko naapakan 'yung brake at nabangga ko siya? Bobo ba talaga siya? O talagang gusto niya lang magpakamatay at isisi sa'kin?!

"One last question, Jaira." aniya. "Tingin mo ba talaga, kaya namin kayong pagnakawan?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Of course hindi ko naman naisip na pagnanakawan nila kami. But not all people have good intentions.

"Lahat kayang gawin kapag desperado." sagot ko.

He laughed. "Really? Sa yaman ng tatay mo at batikan kumpara sa tatay kong nagsisimula pa lang? Tapos mananakawan namin kayo nang ganun ganun lang?"

"Ano bang gusto mong iparating? Na mali ang mga ebidensya? Na hindi kayo nagnakaw? Kung hindi kayo nagnakaw sa'min, bakit bigla kayong nawala? Bakit bigla kayong hindi nagpakita na parang bula? Ha? Now, explain it to me." dere-deretso kong sabi sa harap niya.

"Then come with me. Nang makita mismo nang sarili mong mata ang dahilan kung bakit kami nawala, five years ago."

Parang may tumulak sa'kin na sumunod sa gusto niyang mangyari. Naglakad kami papasok sa malaking bahay. Mas malaki pa sa bahay namin. Bahay ba niya 'to? So he's rich? Nakatulong ba yung ninakaw nila sa'min? Tsk.

Pagpasok namin sa loob, mayroong dalawang aso. Galit na galit sa'kin. Tahol sila nang tahol. Binelatan ko naman ang dalawang aso. Sa amo niyo kayo magalit! Bad guy 'yan! Walang tao sa living room. Karamihan sa mga design ay color champagne. Mukhang mamahalin talaga ang mga vase at lalo na ang mga magagandang paintings.

Unwavering Warmth (COF Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora