Kabanata 1

54 7 6
                                    



Nakahiga lang ako sa aking kama habang pinaglalaruan ang aking id. Ayokong pumasok. Hindi ko na kaklase si Gab. Nakakainis. Late kasi siya nag enroll!

Hindi ako mag eenjoy neto ngayong grade 12. Bukod sa hindi ko na kaklase si Gab at Selene, balita ko pa ang papangit daw ng mga kaklase ko. Panget na, jejemon pa! Charot, di masama ugali ko.

"Jairash, anong oras na! Maligo ka na nga! Male-late ka sa school, kainaman kang bata ka!" sigaw sa akin ni Mom.

Bumangon ako at naligo ng mabilis. Nagbihis ng uniform ko na lalo yatang umikli ngayon. Kinuha ko na ang hair tie ko at tinali into bun ang buhok ko pagkatapos niton matuyo. I don't like messy bun, maayos at mahigpit ang pagkakaipit ko. Mas lalo tuloy tumaray ang mukha ko dahil mas nadepina ang hugis nito.

Kumuha ako ng tuna sandwich at nilagay sa bag ko. Saka kumuha sa ref namin ng orange juice. Kinuha ko ang iniwan ni Dad na baon ko sa ibabaw ng mini altar namin.

"Ma, aalis na po ako!" paalam ko.

Nilagay ko ang bag ko sa basket ng bike ko. Malapit lang ang bahay namin sa school kaya nagbabike lang ako.

"Sexy mo, Jairash! Pwede, pa isa!" sigaw sa akin ng isang lalaki.

Tinaas ko ang aking middle finger at pinakita sakanya. Bastos na 'to. Sikat ang pangalan ko sa mga kalalakihan. Bukod sa marami akong ka text ay balita rin na side chick daw ako.

That's not true. Excuse me, I'm not a cheap. Kung may nakakatext man ako ay trip lang yon. Wala pa nga akong naka text na isang tao na umabot ng 3 days. Pinaka matagal na ang isang buong araw. Hindi ako nakikipag text sa may girlfriend. Never rin akong naging side chick. Malandi man ako para sa iba, pero nbsb ako!

Pinark ko na ang bike ko sa tabi ng guard house sa school.

"Kuya, bike ko ha! Pakibantay!"

Nang mapadaan ako sa faculty, ay napangiti ako. May malaki kasing salamin dito at kitang kita ko ang kagandahan ko. Kahit na mabilis ako mag bike, hindi man lang nagulo ang buhok ko. Mas maganda talaga pag naka bun!

Kesa kay Selene na lagi na lang hinahangin ang bangs, kay Gab na mukhang hindi nag susuklay. Pero sabagay, kahit anong ayos nung dalawa natural na maganda talaga sila.

Pagdating ko sa classroom ay naupo agad ako sa gitnang row saka tahimik na pinagmasdan ang mga estudyante. Pinapanood ang mga lumalabas sa room saka pumapasok.

Napapikit ako ng malagyan ako sa mata ng pabango.

"Oops, sorry! Ayan, masilaw ka naman Jaira. Para makita mo kung dapat patulan o hindi. Pili pili rin kasi, girl!"

Napairap naman ako. Ang lakas naman ng loob ng pangit na 'to. Ibuhos sakanya 'yang pabango niya eh.

I smirked. "Oo naman, pipili talaga ako! Ikaw rin, pili ka..."

"Pumipili sadya ako!" aniya.

I laughed. "Oo, pumili ka ng tamang shade ng foundation! Ang itim itim mo na nga, ang light pa ng shade na gamit mo. Mukha ka tuloy pugot ang ulo." sambit ko.

Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko. Hindi ako nakikipag away, pero huwag nila akong uumipisahan. Lalo na sa mga rumors na naman na hindi naman totoo.

Umupo siya sa upuan niya at nag bulungan na naman sila ng mga alipores niya. Akala mo kung sinong magaganda! Ang papangit naman ng mga ugali.

Unwavering Warmth (COF Series #3)Where stories live. Discover now