Chapter 49

207K 10.6K 4.9K
                                    

"IT'S ME WHO'S HOLDING YOUR HAND, SUSANA."


Hinawakan ni Arkanghel ang braso ko at hinila paalis sa lababo pero hindi bumitiw sa kamay ko ang pagkakahawak ni Hugo.


"What?" maangas na tanong ni Hugo sa kanya.


"Let her go," bagamat kalmante ay may diin ang boses ni Arkanghel.


"Who are you to tell me what to do?"


"I said, let her go."


"Kung sabihin kong ayoko?"


"Ano ba?!" Pinagpag ko ang kamay ko para mabitiwan nila akong dalawa. "Bitiwan niyo ako may langgam!"


May gumagapang na kasing langgam sa daliri ko at hindi ko iyon maalis. Kinakagat na ako at ang sakit.


Agad naman silang bumitiw sa akin. Halos patayin ko sila sa tingin pagkatapos.


"Kayo na lang maghugas diyan! At kung magagaling na kayo, magsilayas na rin kayo!" Asar na tinalikuran ko na sila.


Hindi ko na alam kung anong ginawa nila sa lababo. Hindi ko na sila nilingon ulit. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan na lang si Carlyn kaysa intindihin ko pa sila.


Ang lalaki na nila. Mga professionals na sila pero kung umakto sila parang mga may sayad sa ulo.


Saka bakit ba nila sinisiksik ang mga sarili nila rito sa akin? Hindi ba sila busy? Ano ba ako? Palipasan nila ng oras?


Nang sagutin ni Carlyn ang call ko hindi ko na talaga nilingon pa ang dalawa. Ang tahimik na rin nila. O di ba? Mas tahimik sila kapag hindi pinapansin.


"Hello, Sussie?"



"Hello, usap tayo," mahinang sabi ko na sapat para marinig niya.


"O? Anong meron?"



"Mamaya ko na sasabihin. Nasaan ka? Ano bang nangyayari sa 'yo?"


"Okay lang ako. Nasa amin ako ngayon. Nagkakagulo kina Isaiah e. Sumugod ba naman tatay ni Vivi kagabi may dalang baril. Binabawi si Vivi."


"Anong ginawa ni Isaiah?!"


"Hayun, biglang nagkaroon ng paki. 'Tangina di ko alam may baril din pala iyong lintek na iyon. Nagtutukan sila kagabi ng baril. Astig!"


"E kumusta na? Anong nangyari?"


"Inatake papa ni Isaiah. Iyak nang iyak naman si Kulitis, kaya dinala ko sa kwarto." Bumuntong-hininga siya. "'Paglabas ko, wala nang tao. Nasa ospital na kasi inatake nga papa ni Isaiah."

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon