Chapter 32

175K 10.4K 6.1K
                                    

"SAAN KA NA? NAKALIGO AT NAKAPAG-TOOTHBRUSH NA AKO."


Umikot ang bilog ng mga mata ko nang marinig ang boses ni Hugo. Malapit na ako sa condo niya nang tumawag siya ulit. Nang nasa tapat na ng Montemayor Condominium ay bumaba na ako ng taxi.


"Dito na po, Engineer Aguilar."


"Pakibilisan, napapagod na akong maghintay sa 'yo."


Natawa ako sa sinabi niya pero hindi ko na pinansin. Naglakad na ako papasok sa lobby. Nasa visiting list ako ni Hugo kaya nakapasok agad ako matapos kong magpakita ng valid ID sa frontdesk. Halatang prepared na magpadalaw kasi mukhang matagal na akong nasa visiting list.


Naglakad na ako. Minsan naiisip ko kung naging ganito ba kami ni Hugo kung sakaling walang umalis noon?


Magkakaroon pa rin ba ng chance ang friendship namin kung hindi ako nasaktan at hindi rin ako nakasakit noon? 


Naiisip ko pa rin... at nahihirapan pa rin akong sagutin...


Napailing ako sa mga sumasagi sa isip ko. Nandito ako kay Hugo para lumimot at para maalala na rin kung saan ba ako nakatayo. Hindi ko na dapat pang pigain pa ang utak ko sa mga tanong na mahirap hanapan ng sagot.


Nang makalampas sa lobby at inilabas ko ang phone ko para tawagan si Hugo. Tatawagan ko na sana siya para itanong ulit kung anong floor at number ang place niya nang magbeep ang phone ko. Pagkuha ko ay may text message siya. Nanulis ang nguso ko nang makitang kasama sa room number and floor ang code ng mismong lock ng pinto niya.


Bakit hindi na lang niya ako pagbuksan kapag nag-doorbell ako? Door lock code iyon, hindi dapat ipinamimigay. Paano kung bumalik ako roon kapag wala siya tapos pagnakawan ko siya? Hindi rin talaga nag-iisip ang itlog na iyon.


Napakadali lang talaga sa kanya na magtiwala kahit noon. Sa panlabas ay may pagkabarumbado lang siya, pero ang totoo, malambot siyang tao. Isa pangnapatunayan ko sa paglipas ng panahon ay ang pagiging napakabuti niyang kaibigan. Siya iyong tipo ng tao na dadamayan ka at hindi iiwan, lalo na kapag alam niyang kailangang-kailangan mo.


Paglabas ng elevator sa 25th floor ay hinanap ko na agad ang pinto niya. Dahil lima lang ang pinto sa floor na ito ay nakita ko agad ang kay Hugo. Nag-try akong mag-doorbell pa rin kahit pa alam ko ang code, pero hindi niya talaga ako pinagbuksan.


Naiiling na itinipa ko na ang code. Isang try lang, na-unlock agad ang pinto.  "Hugo?" Pagbukas ko ay mahina akong tumawag.


Nakarinig ako ng mahinang nagha-hum ng isang 90's R&B song. Sumilip ako sa loob.


Dim ang ilaw sa malawak sa sala. Leather ang lahat ng sofa na naabot ng tanaw ko. Nakakahanga ang malaking curved TV sa pader. Hindi ko alam kung ilang inch pero mukhang pati pores ng langgam ay makikita ko kapag nanood ako roon.


Makakapal din ang kurtina na halatang mabibigat at mahihirap labhan at patuyuin kung hindi mo gagamitan ng malupitang washing machine.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon