Chapter 30

183K 10.6K 6.1K
                                    

Please refrain from posting false spoilers about my boy, Hugo. He may be a jerk in the first part of his youth, pero kahit ganon, nakita niyo naman siguro, he is a kindhearted and genuine person. -JF


-------------------------------------------------------------------------------------------------------


"WHY ARE YOU HIDING FROM ME?" He frustratedly ran his long fingers through his raven black hair.


He was wearing a plain black long sleeve button down polo and a slim fit color grey slacks. Sa paahan ay nakamedyas na lang dahil iniwan niya sa labas ng aking pinto ang sapatos niya nang pumasok siya kanina.


"Hindi ako nagtatago sa 'yo," mababa ang tonong sabi ko nang makabawi ako sa pagkagulat. Inayos ko ang tuwalyang nakatakip sa harapan ng suot kong duster. Pero ang totoo ay nagtatago talaga ako. Halos kami na ang magkasama mula noon, sanay na sanay na kami sa isa't isa, pero ayaw ko sana na maging hadlang iyon para sa kanya-kanya naming buhay.


"So what is this, huh?"


Sa tangkad niyang 6 feet at sa ganda ng structure ng kanyang katawan ay para siyang magmo-model lang rito sa maliit kong apartment. And it's funny how he looked like a clueless little child despite of his strong presence in the room.


"Gusto ko lang umalis ng Cavite at sumubok dito..." mababa ang tono na sabi ko. Isa iyon sa nangungunang dahilan. 


"Is this because of your mom?" He didn't buy my excuse. "Umalis ka para iwasan siya?"


Umiwas ako ng paningin.


"Bakit hindi mo na lang sinabi sa akin? Kung gusto mo lang palang lumayo sa kanya, tutulungan naman kita. I have a condo in QC, papahiram ko iyon sa 'yo. You know na hindi naman kita papabayaan."


Umiling ako at naupo sa gilid ng kama. "Ayaw kitang abalahin."


"Tss... kailan ka ba naging abala sa akin?" Muli niyang nahagod ang buhok.


"I'm okay. You see, kinakaya ko naman."


"Kinakaya?" Inilibot niya ang paningin sa maliit kong studio type apartment.


"Oo maliit lang ito, simple lang..." mahinang sabi ko. "Pero okay naman ako rito. Nakita mo naman, maayos at malinis naman itong place ko. Kahit paano, kompleto naman ang mga pangangailangan ko rito. Isa pa, gusto ko ring magsimula sa umpisa, tumayo sa sarili kong mga paa na walang tulong ng iba."


Napahinga siya nang malalim.


Nag-squat siya paluhod sa harapan ko para pumantay siya sa akin. "May tiwala naman ako sa 'yo e."


"Iyon naman pala..."


Ginulo niya ang buhok ko. "Ang akin lang, inaalala ko iyong safety mo."

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon