Chapter 6

231K 10.9K 5.6K
                                    

NAPAHINTO ako sa paghakbang nang matanaw si Arkanghel sa labas ng room namin. Nakasandal siya sa pader at ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng suot niyang slacks. Nang mapatingin siya sa gawi ko ay nagtama ang aming paningin.


Anong ginagawa niya sa labas? Nasaan si Isaiah at ang iba niya pang tropa? At bakit ang aga niya?


Inagahan ko nga ngayon kasi alam kong almost late siya laging pumapasok, pero heto at nandito na siya. Nauna pa sa akin.


Umayos siya nang tayo nang malapit na ako. "Good morning, bes!"


Bes? Pinandilatan ko siya dahil baka may makarinig.


Humakbang siya palapit. Basa pa ang buhok niya. Obviously ay bagong ligo. Amoy na amoy sa kanya ang Safeguard soap. Iyong eucalyptus green. Mukhang wala naman siyang gamit na perfume, pero mabango siya. In fact ang fresh-fresh ng amoy niya. Mukhang tatlong beses siyang nagsabon.


At ang polo at pantalon, plantsadong-plantsado. Mukhang nakabili na sila ng bagong plantsa.


"Best friend na tayo, di ba? Nagka-amnesia ka ba?"


"Shhh!" saway ko sa kanya at nagmamadaling pumasok sa room.


Kakamot-kamot siya ng ulo nang iwan ko.


Pagpasok ko sa room ay nagulat pa ako nang makitang nandito na rin si Hugo. Busy siya sa phone niya at ewan kung nakita niya ba akong dumating o hindi. Basta busy siya.


Nang pumasok na ang mga classmates namin ay hindi na ako nag-angat ng ulo. Alam ko na pumasok na rin si Arkanghel at pumunta sa upuan niya dahil naririnig ko na sila nina Isaiah na naghaharutan. Mayamaya pa ay nagja-jamming na naman sila.


Dumadami na ang mga classmates namin at paingay na rin nang paingay ang loob ng room. May sumisitsit sa akin pero hindi ko pinapansin. Saka lang ako nag-angat ng paningin nang may sumigaw na "Nandiyan na si Ma'am!"


Nang break time ay nilapitan ako ni Arkanghel. He sat on Carlyn's vacant chair. "Bat di ka namamansin?"


I just looked at him.


"Galit ka ba?"


Umiling ako.


"Weh?"


Pasimple akong tumingin sa paligid. Nakatingin sa amin sina Ruth. Nakataas ang kilay pero ngumiti nang makitang nakatingin ako.


"Huy!" Kinalabit ako ni Arkanghel sa balikat na tinabig ko naman kaagad.


"Hindi nga ko galit."


"E bat ganyan?" Napasipa pa siya na parang bata.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon