Chapter 58

215K 10.6K 8.5K
                                    

ARKANGHEL WOLFGANG WAS MY SAFE PLACE. 


The one who was once gone, but never forgotten.


And now, he was marrying another woman...


Paano nangyari iyon? Na sa akin siya uuwi pero iba ang pakakasalan? 


Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung talagang seryoso ba siya. Noong sinabi niya na mahal niya ako, saan niya ako mahal? Hanggang saan niya ako mahal?


I sighed and a few tears fell.


Anger was now boiling inside me, even though I didn't have the right to feel that way. Kasi sino ba ako para magalit? Future kabit?


Mapait akong napangiti sa wallpaper na nasa cell phone kong hawak. Tinitingnan ko ang lalaking minahal ko noon at mahal ko pa rin hanggang ngayon. Iniisip ko kung ano ang mga nagbago mula nang umalis siya, kung talaga bang ibang tao na siya ngayon pagbalik niya. Kasi iyong natatandaan kong dating Arkanghel ko, sobrang mahal ako.


Siya na lang iyong gusto kong maalala pagkatapos ng lahat ng ito... iyong dating Arkanghel ko.


Ngayon siguro, bibitiw na muna ako...


It was 3 in the afternoon when I woke up the next day. Pagod ang isip at puso ko nang umalis sa kama. Pumili ako ng isusuot na damit sa orocan. Pinili ko iyong sinuot ko rin dati sa birthday ni Art. Yung doll dress. Pumasok ako sa banyo at nagtagal ng ilang minuto sa loob. Nang makatapos sa pagligo at pagbibihis ay marahan kong sinuklay ang aking buhok sa tapat ng electricfan. Maski ang paglalagay ko ng manipis na make up sa mukha ay marahan at walang pagmamadali. Mabagal ang mga kilos ko na tila ninanamnam ang oras at walang pakilam sa lumilipas na sandali.


Nang sa tingin ko ay presentable na ako kahit paano ay saka ako nag-book ng Grab. Pupunta ako sa birthday ni Ma'am Ingrid ngayong gabi. Gusto kong pumunta dahil gusto kong marinig ng dalawang tainga ko at makita ng dalawang mata ko ang engagement nina Arkanghel at Fury. Gusto kong harap-harapan nilang isampal sa mukha ko kung saan ba ang tamang lugar ko.


Gusto ko ring harap-harapang makita kung paano isusuot ni Arkanghel kay Fury ang singsing na akala ko ay para sa akin. Gusto kong malaman kung may ikadudurog pa ba ako pagkatapos ng pagkabasag ko.


Gusto ko ring pumunta sa party dahil gusto kong batiin at makita sa huling pagkakataon si Ma'am Ingrid. Naging totoo at mabuti siya sa akin, hindi ko siya bibiguin.


Sandali lang ang biyahe papunta sa Quezon City. Bago mag 7pm ay nakarating na ako. Pagbaba ko sa tapat ng Wolfang's mansion ay natanaw ko na agad si Art na nakatayo sa gate. Siya lang ang bukod tanging naroroon. Nakapamulsa siya sa suot na slacks at bukas ang ilang butones ng kanyang white long sleeve polo.


Nang makita niya ako ay nanakbo siya agad sa akin at niyakap ako. Yumuko siya at hinalikan niya ako nang mariin sa aking noo. "Ayos ka lang?"


Tumango ako at pilit siyang nginitian.


"Nasa office pa si Kuya. May inaayos," Art supplied. Tila nabasa niya ang tumatakbo sa isip ko.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon